Kabanata 4

55 4 0
                                    

Kabanata 4

TRES POV

Magkakaharap kami dito sa hapag kainan at tahimik na kumakain. Tulad nga ng sinabi ni Jamie sya ang nagluto ng aming breakfast, kita ko pa rin ang inis sa kanyang mukha.

Masarap ang pagkakaluto nya ng fried rice at perpekto ko namang masasabi na naluto nya ang hotdog, tocino at sunny side up na nakahain sa lamesa.

"Kung nagtataka kayo kung saan galing ang pagkaing yan, mayroon na sa refrigerator natin kaso for 5 days lang ang nandoon kung kaya kailangan nating mag-abagan para bumili ng mga pagkain at lahat ng pangangailangan natin dito sa unit."- pagbabasag ni Jamie sa katahimikan.

"No problem to me." - pagsang ayon ni Knight kay Jamie.

"Kailan ba? We really need labas ba ng university?" - tanong ni Given.

"Oo at yoon ang pag-uusapan natin mamayang hapon after ng class" - sabi ni jamie

"Bakit hindi pa ngayon? Sayang ang oras." - pagsabat naman ni Calvin

"Oh andyan ka pala Calvin Spade?" - sarkastikong pagkakasabi ni Jamie

Tinaasan lamang ng kilay ni calvin si Jamie.

"Basta mamaya tayo magmemeeting dahil may class pa tayo, iwanan nyo na lamang ang pinggan dyan sa lababo mamaya na lamang hugasan."- sabi ni Jamie

"No, I hate madumi, I hate iwan ng hugasin sa sink. OMG baka magkaroon ng jerry the rat." - sabi ni given

"So wash the dishes Idiot!" - pambabara ni Knight

"Yes Mister, I will wash the dishes because I'm not like you Lazy boy!" - sabi naman ni Given

"What did you say? I will be the one who wash the dishes." - sabi ni Knight

"No, I am!" - sabi ni Given sabay kuha ng mga pinggan namin.

"Fine! Idiot!" - sabi ni Knight then walk out at pasok sa kanyang room.

Tumayo na rin ako at pumasok sa aking kwarto.

Nagpalit na rin ako ng uniform nakaligo na ako kanina pa matapos sabihin ni Jamie na sya ang magluluto.

Ganun din siguro ang mga kasama ko, mga nakaligo na maging si Jamie.

Matapos kong ayusin ang sarili ko sa aking uniform ay isinunod ko nang suklayin ang hanggang bewang kong buhok at naglagay ng polbo sa aking mukha, kahulihan ay ang salamin ko.

Inayos ko na rin ang aking backpack na naglalaman ng aking laptop at ng aking libro na sherlock holmes pati na rin ang aking planner at ang ilan sa mga school supplies na galing sa administration.

Muntik ko ng makalimutan ang pin na ilalagay sa aking uniform na may pangalan ko, as in buong pangalan.

ARAVELO, JARED TRESZAINE O.

Bachelor of Science in Psychology

2nd year college na ako at sa susunod na semester ay nakawhite uniform na ako.

Gusto kong alamin kung ano nga ba ang mga kurso ng mga kasama ko, pero makikita ko rin naman iyon eh, di ko lang alam kung freshman ba sila o mga transferee rin tulad ko.

Nakita ko ang crown pin, inilagay ko na lamang ito sa secret pocket ng backpack ko, para secured at walang makakuha.

Biglang nagbeep ang phone ko na nakapatong sa drawer ko muntik ko ng makalimutan ito. Kinuha ko ang phone at binuksan ang message at binasa.

Hello Tres! how's your day? I damnly miss you! take care okay...

Kahit kailan talaga, lagi nya akong inaalala. Inilagay ko na lamang ang phone ko sa bulsa ng backpack ko at sinakbit ito at lumabas na.

Exactly 7:00 am na. 30 minutes na lang at start na ang class ko.

Nakita ko silang lahat na nasa sofa at nakaupo, bagay na bagay sa kanila ang kanilang uniform.

"Buti naman lumabas ka na? tara na!" - sabi ni Calvin at sabay tayo.

Nagsisinuran naman kami sa kanya at si knight na ang naglock ng aming unit.

Sabay sabay kaming naglalakad patungo sa labas.

Ngunit nakaramdam ako ng ihiin, nagpaalam sa mga kasama ko na magccr lang ako at magkita kita na lamang kami mamaya, at saka tumakbo na ako palayo.

Ngunit pagkatapos kong umihi ay may nakita akong envelop na nasa sahig hindi sya basa kaya pinulot ko ito hindi ko sana bubuksan ngunit nakita kong bukas ang envelop, kaya binuksan ko na ito.

Sino naman kaya ang magpapadala ng letter na ganito ang paraan ng pagbibigay ng mensahe? hmmp.

JAMIE POV

Matapos umalis si Tres ay nagderederetso pa rin kami sa paglalakad.

Maganda ang aura dito sa loob ng campus malamig ang simoy ng hangin.

Wala sa aming nagsasalita, pare-pareho naming tinatahak ang lugar kung saan nandoon ang academic building.

Nakita ko na kung ano ang kurso ng bawat isa sa amin, dahil sa mga pin.

Si Given ay Bachelor in Fashion Design, magaling siguro sya sa art at sa pagguhit, Gusto daw nya kasing maging fashion designer, sya ay Second year college.

Si Knight naman ay Architecture nasa 3rd year college na.

Si Calvin ay 3rd year college na sa kurso nyang BS Medtech, plano nyang gawin yong pre med.

Ako, gusto kong maging Chef pero gusto ng family kong maging doctor ako that's why nagtake up ako ng BS nursing asa 2nd year college na ako.

Si Tres wala akong balita kung anong kurso nya. Ang hirap nyang hulaan.

"Alam mo, nawiwirduhan ako sa babaeng nakasalaming iyon." - tinutukoy ni Calvin si Tres.

"Nagsasalita sya pero sobrang ikli, parang ayaw na ayaw nyang may kasama. hinintay natin pero nagpaiwan pa rin" - dagdag ni Calvin.

"Dude, interesting nga sya eh, para bang ang dami dami nyang sekreto. para syang libro ng mystery ang hirap nyang basahin at unawain" - pagsabat naman ni Knight.

"maybe, Tres is so shy pa sa atin, like na get pa ng time." - sabi ni Given

Tama naman sila, kung ako din ang tatanongin. Ang 3 ito alam ko na ang personalidad pero ang isang iyon kahit isa wala akong mabasa. Kung sabagay dadalawang araw palang kaming magkakasama.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Iniisip ko pa rin kung ano nga ba si Tres? Pasokin ko kaya ang room nya?  hihihi

Kaso, baka nga tama si Given nagaadjust pa lang sya sa environment ngayon. Maybe after a week or months okey na sya. pero hindi eh bakit kaming apat medyo komportable na sa isa't isa may bangayan man okey naman kahit pasecond day pa lang.

Siguro nga nahihirapan pa sya sa pagcope, Excited lang siguro kami.

Pero I'm really excited na makasama sila for whole semester lalo na si tres. Kaso wag lang yong isang bwesit na lalaking iyon! papansin hmmp, bakit kasi ganito ang kapalaran ko?

Narating na namin ang building at naghiwahiwalay na kami, Nakita ko kung paano iwanan ni Knight si Given na nakahigh heels na panay ang habol kay knight.

Ang kinasasakit ng brain cells ko eh bakit si Calvin ay iniiwan din ako.

"Hoy bwesit na lalaki hintayin mo ko!" - sigaw ko sa kanya

"May sarili kang paa, maglakad ka!" - sabi nya at mas binilisan pa lalo ang paglalakad nya.

Bwesit talaga sya! tumakbo na lamang ako para medyo makasabay ko sya.

Paano na lamang ang buhay ko sa kanya, ganito nalang ba hanggang sa pagtanda?

Private EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon