Kabanata 12
TRES POV
Nagising ako ng maagap at mabilis na naghanda dahil lunes na ngayon ang pangalawang linggo ko sa Parker University.
Sa nakalipas na Linggo ay wala namang nangyari sapagkat lumalabas lamang kami ng aming mga silid tuwing kakain.
Itinuon namin ang araw ng linggo sa pagpapahinga.
Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay napatingin ako sa aking journal.
Nakita ko roon ang isang litrato na nagpapakita ng nakaraan.
Napangiti ako ng mapait.
Hindi tunay ang wagas na pag- ibig.
Iyan na lamang ang aking nasabi sa aking sarili.
Matapos kong maghanda sa pagpasok ay lumabas na ako upang mag-almusal.
Pagkalabas ko ng aking silid ay nakita kong silang apat na kalalabas lamang ng kanilang silid.
Pinanindigan ni Jamie ang pagiging cook sa amin. Hindi sya nagsasawang ipagluto kami.
Siguro nga ay nasa puso niya ang pagluluto.
"Tara kain na tayo"- aya ni Jamie.
Nagsiupo naman kami sa upuan hudyat ng pagsang-ayon namin kay Jamie.
Maingay ang naging almusal namin dahil sa walang tigil na bangayan ni Jamie at ni Calvin.
Si Given naman ay walang tigil magkwento ng mga fashion show at mga pageant na kanya daw nilabanan.
Tanging ako at si knight ang walang imik.
Teka?
Kung ako normal lang na hindi nagsasalita bakit pati ang abnormal na ito?
Tiningnan ko si Knight, nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagkadismaya.
Siguro may problema ang isang ito.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain.
Hanggang sa paglabas namin ng dormitory at paglalakad ay nanatili ang ingay ng tatlo at ang katahimikan ng isang ito.
Abnormal!
Noong nakaraang linggo ang ingay tas ngayon biglang tahimik.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtungo na ako sa aking classroom.
Nakaupo na ako dito at naghihintay sa pagdating ng aming professor.
Tumingin na lamang ako sa kawalan dahil nabobored ako.
"I hope naman pumasok na si sir Cutie"
"I really want na makita na sya eh"
"And also malaman ang name nya"
Oo nga pala ang antipatikong propesor na yon na panay ang pansin sa pagiging huli ko ay ngayon magtuturo.
Napaiktad ako ng may pumasok na isang babae na animo'y di makabasag pinggan sa paglalakad.
"Hello Psy3c- bati nya sa amin.
Nanatiling walang imik ang mga estudyante.
"I'm sorry for my absence last week" - paghingi nya ng tawad sa amin.
"It is because I am out of the country for my masteral seminars but I promise I will not be out for coming days"
"This section is so quiet ha"
"So my name is Ms. Julia Sabenia and I will be your subject teacher in 21st century Literature, I am very glad to be with all of you"
"But Miss" -pagsabat ng isang babae
BINABASA MO ANG
Private Eye
Mystery / Thriller''In the world full of lies and fools, the only thing you can do is to hide your identity.'' Genre : mystery/thriller and romance