Kabanata 9

33 5 0
                                    

Kabanata 9

TRES POV

Sama sama kaming nag-aalmusal dito sa cafeteria ng Bravo Building, okyupado namin ang isang lamesa.

Wala na kaming stock na maaaring lutuin dahil ayon nga kay jamie hanggang kahapon lamang aabot ang budget ng pagkain.

Sabado ngayon kaya ako ay lalabas ng Campus upang bumili ng mga kailangang bilhin para sa aming lima. Maaari naman kaming makalabas ng campus (M-F hanggang 10 pm Sat & Sun 12 am) ang kaso nagiging hassle sa amin dahil pagod na at nais ng magpahinga.

Maraming estudyante ngayon ang naandito, halos puno ang buong cafeteria dito sa Bravo Building, mga magsisilabas daw ang estudyante ang ilan ay uuwi sa kanilang mga bahay.

"Tres what time kayo aalis ni Knight?" - tanong sa amin ni Jamie.

Nagkibit balikat lamang ako at tumingin kay Knight na senyales na pinapasa ko sa kanya ang tanong.

"After kumain ng breakfast maybe" - sagot nya at iwas ng tingin sa akin. Anong problema ng lalaking ito?

"Your not going to take a bath ba?" - tanong ni Given, napaangat ang aking tingin sa kanya, Sinong pupunta ng Mall na hindi naliligo? yong totoo. king ina anong tingin nya sa amin.

"Seriously? idiot girl. How old are you?" - inis na tanong ni Knight, hindi ko malaman bakit mainit ang dugo ng isang ito?

"I'm 18 kadedebut ko lang last May why?" - walang maang na sagot ni Given.

"18? but your way of thinking seems to be for only 8 years old" - baling ni Knight at sabay binitawan ang kubyertos at tumayo.

"Tres, be ready where going after 30 minutes." - sabi sa akin ni Knight at nagsimula na syang maglakad palabas ng cafeteria.

"Anong problema non?" - tanong ni Jamie.

"Masyado kasi kayong maingay"- tumayo na rin si Calvin at naglakad palabas.

Tumayo na rin ako, pero sabay na napatingin sa akin si Given at Jamie.

"What?" - tanong ko sa kanila.

"Pati ba naman ikaw, walk out ang peg" - sabi sakin ni Jamie.

"I'm going" - sabi ko.

"Yeah okey. Di ba knight told her that after 30 minutes they are leaving. So go na Tres-chi kasi baka lalo mabadtrip si Knight" - sabi ni Given tinanguan ko na lamang sila at umalis.

Kahapon pa naman sa akin binigay ni Jamie ang mga things to buy at ang budget na siningil ni Given ay naibigay na sa akin kaninang umaga.

Naglalakad na kami ni Knight patungo sa Parking lot ng University, doon daw nakapark ang kanyang kotse.

Simula kanina ay di sya nagsasalita, pero pakiramdam ko naman ay napipilitan lamang sya, dahil kanina pa sya tingin ng tingin sa akin na para bang may sasabihin.

Tumigil sya sa paglalakad, edi tumigil na rin ako, dahil mahirap manguna di sa akin ang kotse at di ko alam kung nasaan.

"Kukunin ko lang yong kotse ko" - tumingin sya akin, di ko lang sya sinagot.

"Aissssssh! dyan ka na nga" - umalis na sya habang nagkakamot ng ulo.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong may bench sa may ilalim ng puno. Umupo ako doon at pumikit. Magaalasdyes na ng umaga ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin.

Ikinondisyon ko ang aking sarili, Huminga ako ng huminga at inalis ang mga bumabagabag sa aking isip.

Sabi noong prof ko noong isang araw, ang pinakamataas daw na pagpapakalma ng sarili ay ang Meditation, kaya ito ang aking ginagawa.

Private EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon