Kabanata 18
Jamie POV
Tumigil na ako sa pag-iinarte ko dahil kinuhit na ako ni Given.
"Jamie-chi, samahan mo naman ako sa CR" - aya nya. Wala naman akong choice kung hindi samahan sya dahil ayaw kong pati sya ay magtampo sa akin.
Kahit kailan talaga, laging mali ang pag-iinarte mo Jamie, patuloy kong sinisisi ang sarili ko.
Nasa Cr na kami ngayon, papikit pikit na ang mata ko pero nanatiling gising ang konsensya ko. Aisssh nasaktan ko ata si tres ng labis.
Si Given naman matapos magCr ay tumingin sa salamin.
"Eyebags OMG. Pano na to bukas? " tanong nya.
"Wait, oh my gosh. We almost forgot, may class pa tayo bukas!" Salaysay nya ng kinakabahan.
"Yup, monday na ata bukas eh" - sagot ko. Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Given sabay tingin sa aming mga relo.
11:35. Nanlaki ang mata namin parehas.
"1 hour and 35 minutes na tayong late sa curfew, we're dead" salaysay ni Given. Mabilis pa kami sa alas quatrong lumabas ng cr at tumakbo sa table namin.
"Lets go! Ilang oras na tayong late sa curfew siguradong guidance na tayo nito" - sabi ko kina Calvin.
"Damn it. Syanga, masyado tayong nagenjoy at nakalimutan ang oras." Si Knight. kinuha lahat nila ang dala at bumaba na.
"Asan si Tres? " tanong ni Calvin. Bigla akong kinabahan baka kung saan na sya pumunta baka galit sya sa akin. huhuhuh sorry bezang.
Kung sa bagay sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko.
Tumakbo na kami palabas. Doon namin nakita si Tres na nakaupo sa gatter at nagyoyosi.
Seriously, smoker ba sya?
Wow lang lasenggera tapos maninigarilyo pa. Pero anong paki ko. Baka magalit pa lalo sya sakin.
Baka masupalpal na naman ako ng mga linya nya.
"TRES LETS GO! LATE NA TAYO SA CURFEW" -napatayo si tres sa biglaang sigaw ni Calvin.
"Damn it"- mura ni tres habang papasok sa sasakyan.
Mabilis kaming umalis sa lugar at mabilis nagmaneho si Calvin.
Kabado kaming lahat dahil alam namin ang parusa kapag nahuli kami.
Madaling naipark ni Calvin ang sasakyan.
Ang problema namin ay paano kami papasok sa premises ng PU. Ang parking lot kasi ay may ibang pwesto nasa labas ng gate.
Nandito kami sa labas at nag-iisip.
"Saan tayo papasok, sa gate 1 gate 2 or saan ba talaga?" Tense na tanong ko. Pakiramdam ko ang aming mga amats ay nawala lahat.
Palasing lasing kami kanina, ngayon parang sundalong handa na sa gera.
"Wag tayo sa Gate 1, ang daming bantay"-sabi ni Calvin.
"Sa Gate 2 naman dadaan pa tayo sa college building. Kung sa Gate 3 naman dadaan pa tayo ng admin" -paliwanag ni Knight.
Nakita ko si Tres na paikot ikot at tumigil sa harapan ng isang pader at dali daling inakyat yon.
"What you doin Tres-chi?" Pagtataka ni Given.
"Walang ibang choice kung hindi ito, madaming bantay sa mga gate" - salita nya. At nagpatuloy na sa pag-akyat.
BINABASA MO ANG
Private Eye
Mystery / Thriller''In the world full of lies and fools, the only thing you can do is to hide your identity.'' Genre : mystery/thriller and romance