Kabanata 3

81 4 0
                                    

Kabanata 3 - Roommates

TRES POV

Mag-aalasdos y media ng natapos ang oryentasyon. Natatawa na lamang ako sapagkat almost 35 minutes lamang ang itinagal ko doon. Naalala ko na naman ang antipatikong lalaking bumulong sa akin.

Sino ba sya sa inaakala nya, sa pagkakaalam ko ay late din sya?
Bakit ba iniisip ko sya, ang kapal naman nya.

Pagkalabas ko ng theater room dumiretso ako sa bravo building, pilit akong kinakausap nung dalawang makulit na babae pero hindi ko sila pinapansin.

Hindi ko pa nakikilala kung sino pa ang dalawa naming kasama sa aming unit. Nagderetso ako sa aking room at doon ay nag-ayos ng aking gamit, Nakita ko ang isang malaking box na kulay asul na may nakalagay na logo ng University at may nakalagay na Aravelo, Jared Treszaine O. sa may harapan.

Nang binuksan ko ang box na iyon, bumungad sa akin ang mga gamit na kailangan dito sa univeristy, ito siguro yong mga sinasabi ni manong guard.

Nakakita ako ng 3 uniform color dark blue and white. (dahil ang theme ng color ng school na ito is dark blue). tiningnan ko ito, para akong magmamadre nito puti na bistida na hanggang siko ang manggas at hanggang binti ang haba tapos pang ibabaw ay ang dark blue na may logo ng school sa may left side ng dibdib.

May nakita rin akong kulay red na necktie, isusuot ito bago ang kulay dark blue. ayon ito sa picture na nakita ko kasama ang uniform.

May note pa sa likod ng picture :

This is the official uniform of Senior High School of Parker University. Wear this, every monday to wednesday together with your white socks and black shoes.

Not bad, okey lang din, Conservative type.

Kinalkal ko ulit ang laman ng box, may nakita ako na short na hanggang tuhod na kulay asul na may logo ng school at may tshirt na kulay puti na may apelyedo ko sa likod at may number na 03. sa harapan na may nakasulat na PARKER UNIVERSITY.

may note uli akong nakita:

This is the official P.E uniform wear this every thursday together with your rubber shoes.

May nakita akong Maroon na v-neck tshirt na nakalagay doon, pagbukas noon may nakalagay na logo ng Ibon kung hindi ako nagkakamali eagle ang ibong ito. at may nakalagay na lettering ng BRAVO sa ilalim ng logo. sa likod may nakalagay na J.T.O. ARAVELO.

note:

Wear this if needed. This is the official tshirt of BRAVO COMPANY.

Kinalkal ko ulit ang boxat may nakita akong isang box na maliit doon, na parang lalagyan ng relo. Binuksan ko ito at may nakita akong name plate kulay ginto ito, na may nakalagay na name ko.

May nakita akong pin na korona. nacurious ako. Para saan ang koronang ito? Nasan ba ang note?

note:

Wear this name plate everytime you wear official uniform.

Don't lost your crown pin this is the very important thing being a student here in Parker University.

Gaano ba kahalaga ang pin na ito? aist tunay ba itong ginto? Itinago ko nalang ang pin sa pandora box ko.

May laman pa kaya ang box na ito?

May nakita akong mga school supplies ang pinagtataka ko bakit paborito ko ang naririto, ang avengers na nakadesign sa planner ko. Ang detective conan na nakadesign sa mga bookmark.

Bakit ganito? may iba akong pakiramdam. Siguro nga galing lang din ito kay daddy. Kung kaya't isinawalang bahala ko na lamang iyon.

May nakita ulit akong box na kulay grey and red kaso may padlock sya, nasan naman ang susi nito. Hinalungkat ko pa at sa wakas, may nakita akong susi at binuksan ko iyon.

Private EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon