Chapter 37

33 0 0
                                    


Tanya POV


Nang magmulat ako ng mga mata ay walang hanggang kadiliman ang sumalubong saken.Bumangon ako sa pagkakahiga at naglakad ako,kahit di ko alam kung saan ako patutungo.


Hello?May nakaririnig ba saken?_malakas na tanong ko.Ngunit walang sumagot.


Tanya?_Humarap ako sa nagsalita sa likod.


Bat magkamukha tayo?_naguguluhang tanong ko.Ngumiti lang siya at niyakap ako.

Tanya,ikaw at ako ay iisa.Ako si Iyah ang other half mo._mataman siyang nakatitig saken.

Baket nandito ka at magkaharap tayo.?Patay na ba ko?


Hindi kapa patay.Tanya,dapat kang maging matatag.May mga sikreto ka pang kailangang matuklasan.Pero sana panatilihin mo ang kabutihan sayong puso.Sa oras na balutin ng kadiliman ang puso mo,tuluyan ka nang hindi makakabalik.At marami sa mga mahal mo sa buhay ang mamamatay._babala ni Iyah.Unti unti itong naglaho at muli akong naiwan mag-isa.


Naguguluhan ako sa sinabi niya.Anong sikreto ang matutuklasan ko?Magdudulot ba ito ng kapahamakan sa lahat?Parang ayokong matuklasan kung anuman sinasabi ni Iyah.

****************************************************************

Alex POV


Nagawa ko paslangin ang sarili kung ama.Itinago namen ang naganap.Mabuti nalang at walang naghinala samen.Ngayon,I am the new king of vampire society.


Ito ang unang araw ko bilang hari.Maraming tungkulin ang naiwan saken."King,saan po kayo,pupunta?_magalang na tanong ni Butler Yue.

I want to see her._mahinang sambit ko.Humarang sa daraanan ko si butler Yue.


King,marami kang kailangan pagtuunan ng pansin,kaysa makita siya._tukoy nito kay Tanya.Pero wala akong paki sa sinabi niya.Nagteleport ako papunta sa hunter's mansion.


Bro,kamusta siya?_tanong ko kay Tyron.Ito ang ikalawang araw mula ng madisgrasya siya.


Tanging oxygen nalang ang bumubuhay sakanya._mahinang sagot nito.Lumapit ako at umupo sa tabi ng kama.Naka-oxygen mask siya at may nakatusok ng syringe needle sa ugat nito.Nakabenda ang sugat nito dibdib.


Bitawan mo si Queen!!_napakislot kame sa tinig ng isang babae.Nasa bungad ito ng pinto.Sa pagkakaalala ko.Riza ang pangalan niya.Bumalik pala ang mercenary group.


Pwede bang manahimik ka?Nagpapahinga siya._paangil na sabi ko.Inirapan lang niya ako.


Kasalanan ng ama mo,kung bakit kritikal ang kalagayan niya ngayon._sinunggaban ako ni Allen at kinwelyuhan sa leeg.Marahas na tinanggal ko mga kamay niya.

Sa susunod na gawin mo to.Sisiguruhin kung haharap ka kay kamatayan._malamig na saad ko.Nagkilibit balikat lang ito.


ALL OF YOU SHUT UP!!_pagalit na bulyaw ni Manuel.Simula ng mawalan ng malay si Tanya,naging mainitin ang ulo nina Manuel at Lem.Parang naghahanap lage ng away ang dalawa.Nakakatakot ang aura nila.

****************************************************************

3rd day

Riza POV


Lahat kame ay naghihintay sa paggising niya.Simula ng magtagpo ang landas namen.Malaki ang pinagbago ng buhay ko.Nagpapasalamat ako at nagkakilala kame.


Nang mga panahong napagbintangan siya,pinlano namen na itakas siya sa piitan.Ngunit tumutol si Ana,sinabi nitong baka paslangin kame ni Queen sa oras na itinuloy namen ang plano.

Love,malungkot kana naman._puna ni Rain.Pilit akong ngumiti sakanya.Biruin mo napasagot ko lalaking to.Aayaw ayaw pa sa una,yun pala bibigay din siya.


Flasback.


Ilang araw bago mawala si Queen.Napag-utusan akong bantayan si Rain.Napag-alaman ko nasa study room siya kaya sumunod ako.

Hoy,anong ginagawa mo dito?_aroganteng tanong nito.Nginisihan ko lang siya at umupo sa katapat niyang sofa.


Manliligaw ulet ako.Baket may angal ka?_maaskad ko tanong.Pinagtaasan niya ko ng isang kilay.

Hindi ako tumatanggap ng manliligaw na panget._pang-aasar nito.


Baket sinabi ko bang ikaw ang liligawan ko?Feelingero ka.Type ko si King Alpha._mahinang sambit ko habang kinikilig.Nakita ko pagdilim ng anyo niya at nilapitan ako.Isang dangkal nalang ang lapit namen.

Kapag sinabi ko girlfriend na kita.That means,akin kana._mahinang sambit nito.Jusko,Lord anlakas ng tibok ni heart.

So,boyfriend na kita?_inosenteng tanong ko.Tumango siya.


Let's seal our promise._saad nito.Nilapat nito ang labi niya sa labi ko.Ilang minuto kameng naghahalikan.Bahagya ko siyang tinulak at tinitigan sa mukha.

Akin kana at walang pwedeng humawak sayo,maliban saken.Aalagaan kita simula ngayon._nakangiting sabi nito.Sobrang pula ng pisngi ko.hahaha.Feeling ko sobrang haba ng hair ko.

Mula ng maging kame,lage siyang palihim na pumapasok sa kwarto ko.Naglalagay siya ng rose sa tabi ng kama.Paggising ko para akong ewan na kinikilig.

End of flashback

The Powerful HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon