Chapter 46

28 0 0
                                    


Habang pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw sa balkonahe.Nag-iisip ako kung paano magsisimula ng panibagong buhay.Hinawakan ko ang bloodstone,nakasuot sa leeg ko.Simula ng suotin ko,ang bloodstone,parang may nawalang bahagi ng pagkatao ko.Dahil siguro kay Iyah,matagal na siyang hindi nagpapakita sa katauhan ko.


Sinubukan kung tanggalin sa leeg ko ang kwintas.Naramdaman ko ang pagbalik ng lakas at abilidad ko.Missy,may bisita po kayo?_anunsyo ni butler Yue.Nababagot akong nagtungo sa pinto saka lumabas.


Sino pong bisita ko?_Sumenyas si butler Yue na sumunod ako.Nang makarating kame sa sala,nandoon si Rain at Dad.Nakakatakot ang aurang nanggagaling kina Lem at Alex.


Wala tayong dapat pag-usapan,makakaalis na kayo._malamig na saad ko.Tumalikod ako at nagteleport sa kwartong kinaroroonan ko kanina.Nanghihinang napaupo ako sa kama.Napahiga ako ng maramdaman ko ang matinding kirot sa puso ko,para akong nauubusan ng hangin.

************************************************************************

Lem POV


Apat na oras nang di lumalabas ng kwarto si Tanya.Nag-aalala ako ng makita ang reaksyon niya kanina,namumutla siya.Kumatok ako,nang nasa harap na ng kwarto niya.Nakikita mula sa labas ang buong silid,pinihit ko ang doorknob,dahil walang sumasagot.

O_O

Anong ginawa mo?!_bulyaw ko ng makitang nagkalat ang dugo sa silid nito.Nakatalikod siya.Tumayo si Tanya at humarap saken.Napaurong ako ng makitang si Iyah ang kaharap ko.Sobrang itim ng mga mata niya.Humaba ang kuko nito sa daliri.Nakalabas din mga pangil niya at may hawak siyang swiss knife.Nagdurugo ang iba't ibang parte ng katawan,braso at binti nito.



You're her mate.Ano kayang mararamdaman mo,kapag kinitil ko ang buhay nameng dalawa?_nakangising saad nito.Tinutok niya ang swiss knife sa tapat ng puso nito.Halos hindi ako humihinga sa nais nitong gawin.


Please,Iyah.Ibaba mo yan,wag mong sasaktan ang sarili mo._pagsumamo ko.Ngunit di ito nakinig,dahan dahan nitong binabaon ang patalim sa dibdib nito.Lalong lumawak ang ngisi niya ng makitang tumulo ang luha ko sa mata.Lumuhod ako sa harap niya habang nakayuko.


Wahahahaha!Ganyan pala ang hitsura ng nilalang na nagmamakaawa para sa minamahal niya._Halakhak nito,napaangat ako ng ulo at tiningnan siya.Pinaglalaruan nito ang swiss knife sa kamay nito.Lumapit siya at pinagpantay ang mukha namen.Pinahid niya luha sa mga mata ko.Ngumisi siya na parang demonyo.


Gusto mo bang malaman kung mahal ka pa ni Tanya?Sa kasamaang palad,unti unti nang nahuhulog ang loob niya kay vampire king.


SHUT UP!!_singhal ko.Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at marahas na inangkin ang labi ni Iyah.Nanlaban siya,ngunit kalaunan ay tumugon siya sa kapusukan ko.


DAMN!_Napahiwalay ako kay Iyah.Nakatayo si Alex sa likod ni Iyah.Namumula mga mata nito.Pinulupot niya ang kamay sa bewang ni Iyah saka inilayo saken.Wala ng malay ito.

Anong kabulastugan ang ginawa mo kay Tanya._galit na tanong nito.

Mali ka ng akala.Lumabas si Iyah at sinaktan niya ang sarili._depensa ko.Maingat na nilapag niya sa kama si Tanya.Sinugatan ni Alex ang sarili saka tinapat sa sugat ni Tanya.

Anong gagawin natin?Ayaw maghilom ng sugat niya._Nataranta kame dahil walang patid ang pag agos ng dugo sa mga sugat nito.Nahagip ng tingin namen ang bloodstone nasa kama.Hinawakan ni Alex ang bloodstone saka sinuot sa leeg ni Tanya.Nagulat kame ng magliwanag ang bloodstone.Napapikit kame sa sobrang liwanag.Isang minutong nagtagal ang liwanag saka ito nawala.Sinuri namen si Tanya,naghilom na mga sugat nito sa katawan.


***

Magdamag nameng binantayan si Tanya,wala kameng kibuan habang nagbabantay.Gamit ang telepathy,sinabihan ko si Greg.na magpapalipas ako ng gabi sa vampire mansion.Naging abo ang bloodstone,matapos nitong gamutin si Tanya.

She's awake_anunsyo ni Alex.Pareho kameng nagtungo sa tabi ng kama.Nakamulat na si Tanya.Bumangon siya na nakakunot ang noo.

Sino kayo?_inosenteng tanong nito.Nagkatinginan kame ni Alex.

Wala kang maalala?_bulalas ko.Napailing si Tanya.Nagpalipat lipat ang tingin niya samen.

Tanya ang pangalan mo.Ako si Lem ang mate mo.Si Alex,kaibigan mo siya._paliwanag ko.Tumango tango siya at ngumiti samen.

The Powerful HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon