Chapter 38

32 0 0
                                    


Lem POV


Malapit nako mabaliw sa kakaisip kung kailan magigising si Tanya.Pahinto hinto paghinga niya at tanging oxygen tank ang bumubuhay sakanya.


Lem,magpahinga ka muna.Ilang araw ka nang,walang pahinga.Paper works,inaatupag mo at lage mo binabantay si Tanya._nag-aalalang sabi ni Greg.


Pabayaan mo ko at huwag kang makialam!_asik ko kay Greg.Hindi nalang ito kumibo at napapailing na lumabas ng office.Lageng kaaway ang tingin ko sa iba,simula ng macomatose si Tanya.


Parang guguho ang mundo ko,anumang oras.Lagi ko, pinagdarasal na magising siya.Nawawalan nako ng pag asa.


Bro,pumunta ka dito,sa hunter's mansion._narinig ko tinig ni Rain,gamit ang telepathy.Kaagad akong napalit ng anyo at mabilis na tumakbo palabas ng mansion.



Ilang minuto pa,nakarating narin ako.Baket mo ko pinatawag?_malamig na tanong ko.


Lem,nawawala si Tanya?_alangan sabi nito.


Paano siya mawawala kung hindi pa siya gising?_paasik na tanong ko.


Someone take her.May lihim tayong kaaway._sabat ni Manuel.Kadarating lang nito.Kasama nito ang buong mandirigma ng hunters society.May kanya kanyang sandata mga ito at nakahilera pagpasok.

Huwag mo sabihing magdedeklara ka ng digmaan?_malamig na tanong ko.Tumango ito at muling nagsalita.


Sinabihan kuna ang dalawang pinuno ng vampire at witch society.Sasali sila sa digmaang magaganap._lintanya nito.


Rain,sabihin mo kay Greg na maghanda sa gaganaping digmaan._malamig na utos ko.Nagbow siya at umalis.

Manuel,sabihin mo may ideya ka ba kung sino ang kalaban natin?_seryosong tanong ko.

Malalaman natin ang kasagutan sa oras na mabuksan ng mga witches ang forbidden forest.Sa pagsapit ng alas dose ng hatinggabi,doon magsisimula ang malaking digmaan.

****************************************************************


Someone POV


Natuklasan na nila ang lahat.Matagal kuna pinaghandaan ang digmaang ito.Sigurado akong magiging akin ang apat na society.Magkakatotoo lamang ang nais ko sa tulong ni Tanya.

Nakangisi ko tinignan si Tanya,napakaputla nito.Mahina ang pintig ng pulso.My Queen,aangkinin ko muna ang kapangyarihang taglay mo._nakangising sambit ko.


Inilagay ko siya sa magic circle at nagsimulang bumanggit ng engkantasyon.Tumaas sa ere ang katawan nito at lumabas mula roon ang itim na usok.Pinalilibutan nito ang katawan ni Tanya.Ilang sandali pa ay sumanib sa katawan ko ang itim na usok.Ramdam ko ang ibayong lakas at kapangyarihan.

Ikaw?

Maligayang pagbabalik mahal ko._nakangisi kong salubong.Nagising na si Tanya.Halatang naguguluhan ito.

Baket tayo narito?_malamig na tanong nito.

Mahal ko,may dapat kang malaman,tungkol sa tunay mong pagkatao._kalmadong saad ko.Nakikinig lamang siya kaya muli akong nagsalita.


Alam mo bang kasinungalingan ang lahat ng pinakita sayo ni Manuel?Malaki ang kasalanan sayo ng apat na hari at reyna ng bawat society._malamig na saad ko.


Anong ibig mong sabihin?_naguguluhang tanong nito.


Flashback

Mula sa isang liblib na lugar,naninirahan ang dalawang mag-asawa.May angking kagandahan ang asawa nito.


Mahal,dumating kana pala._nakangiting bati nito sa asawang lalake.Humalik siya sa pisngi ng asawa kahit kalong nito ang nag-iisang anak.


Mahal,kamusta ang prinsesa natin?_nakangiting tanong ng lalake.Kinuha nito ang sanggol at pinaghele.Ilang minuto ay tulog na ang sanggol sa braso nito.Maingat na inilagay nito sa duyan ang sanggol saka hinalikan sa noo.

Napakaswerte kong ikaw ang pinakasalan ko.Wala nako mahihiling pa._nakangiting sambit ng lalake.

Mas ma-

Napatigil sa pagsasalita ang babae ng biglang bumagsak ang kahoy na pinto.Pumasok sina Manuel,Abby,Vince at Roger.Tarantang kinuha ng babae ang anak nito mula sa duyan.

Kunin ninyo ang sanggol saka sila patayin._mariing utos ng vampire king.Inagaw ni Manuel ang sanggol mula sa ina nito.Ginilitan ni Abby ang lalake.

Maawa kayo.Ibalik ninyo ang anak ko._umiiyak na sumamo ng babae.Ngunit parang walang narinig si Manuel.Itinutok nito sa bungo ng babae ang baril saka kinalabit ang gatilyo.Humandusay sa sahig ang katawan nito at sinunog ni Vince at Roger ang buong lugar.

End of flashback.


Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Tanya.Galit ang sumasalamin sa mga mata nito.Palihim akong ngumisi sa nasaksihan.Tagumpay ang plano ko.Magiging abo ang lahat ng pinaghirapan nila.

The Powerful HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon