Chapter 42

31 0 0
                                    


Alex POV


Tama nga ang report saken.Nandito si Tanya sa forbidden forest,dito lang pala siya nagtatago.Nalalanghap ko ang dugo niya,sobrang bango at nakakaakit.Napatakip ako ng ilong.Nakita ko lumabas na siya ng barrier.


Babe?_malakas na tawag ko habang nakatakip ang ilong ko.Namutla siya ng bumaling saken para siyang nakakita ng multo.


Paano mo nalaman na nandito ako?_malamig na tanong nito.Nagtaka ito ng makitang tinatakpan ang ilong,inamoy niya ang sarili.Natawa ako sa inaasal niya.hahaha


Mabaho ba ko?_curious na tanong nito.


Babe,sorry.Sobrang bango ng dugo mo.Kaya nakatakip ako ng ilong._mahinang tugon ko.


Isa na akong mortal._maikling sagot nito.Napanganga ako sa sinabi niya.Napalapit ako ng wala sa oras at hawak ko siya sa magkabilang braso.


Corny naman ng joke.Hahahaha_pagtawa ko.Ngunit natigil ako sa pagtawa ng makitang seryoso siyang nakatingin saken.


Tell me,paano ka naging mortal?Impossible_bulalas ko.


Pag pinakaen mo ko,sasabihin ko sayo,sikreto ko._nakangising sabi nito.Nagnod nalang ako at sinama ko siya pabalik sa vampire society.Dinala ko siya sa guest room,inutusan ko si butler Yue na maghanda ng pagkaen ng mortal,gamit ang mindlink.Tahimik na nakaupo sa sofa si Tanya at nagmamasid sa paligid.


Babe,sabihin mo.Paano ka naging mortal?_curious na tanong ko.Nagfocus mga mata niya saken,parang nag-iisip pa siya.


Naging mortal ako dahil sa bloodstone._maikling saad nito.


Kung ganun.Nasan na ang bloodstone?_curious na tanong ko.Kumunot ang noo niya.


What,hindi mo nakikita ang bloodstone?Nakasuot kaya sa leeg ko._Kinapa ko ang bloodstone,nakasabit pa ito sa leeg ko.


Wala akong nakitang anuman sa leeg mo._Napailing nalang siya at dina sumagot.Naging tahimik kame,nagmamasid siya at nakatitig lang ako sakanya.Natigil lang ako sa pagtitig sakanya ng may kumatok sa pinto.Pumasok ang isang maid sa pinto,may dala itong mga pagkaen.Nilagay nito sa maliit na mesa ang mga dala.Nagulat ako ng dambahin ng bampirang maid si Tanya,kinagat nito ang dalaga at napahiyaw ito sa sakit.Hindi ko pa man nagagawang,paslangin ang bampirang maid ng maging abo ito.Napanganga ako sa nasaksihan.


Hawak ni Tanya ang leeg nito.Takot ang nasasalamin ko sa mga mata niya.Marahil ay nagulat ito sa pangyayare."Wag kang lalapit._bulyaw nito.


Babe,gagamutin lang kita._nag-aalalang sabi ko.Hinayaan niya akong gamutin siya,sinugatan ko ang palad ko saka pinatulo ang dugo sa leeg niya.Nakahinga ako ng maluwang ng maghilom ang sugat niya.


Kaen kana.Pag natapos ka,ihahatid kita sa hunters mansion._kalmadong saad ko.Nagdilim ang anyo niya.

The Powerful HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon