Chapter 34

41 0 0
                                    



Someone POV


Pumasok siya sa lungga ng leon.Now it's time to start the bloody game.Si Tanya mismo ang panguhaning tauhan sa laro.Magdurusa ang lahat sa pagganap niya ng mahalagang papel bilang pangunahing tauhan.Sisiguruhin ko luluha sila ng dugo.Wahahahaha

****************************************************************


Tanya POV


Nagising ako ng makaramdam ng uhaw.I need some blood at wala akong baon na kahit ano.Tsk.Kailangan ko pa bumalik sa hunter mansion.Inabot pala ako ng hating gabi.Makalabas na nga,baka nag-aalala narin mga kasama ko sa labas.


Ginamit ko teleportation ability ko para mapunta sa harap ng gubat,kung saan naghihintay mga kagrupo ko.Paglabas ko ng forbidden forest,wala na mga ito.Binilinan ko silang maghintay.Impossible naman suwayin nila utos ko.Luminga linga ako sa paligid,ngunit walang nilalang na naroon.Pinasya ko nalang na bumalik mag-isa sa hunters mansion.


Missy?_bungad saken ng isang hunter,matapos ako magteleport sa harap ng mansyon.Tinutok nito ang silver gun sa direksyon ko.Walang bahid ng ekspresyon sa mukha niya.Binalewala ko ang ginawa niyang pagtutok ng silver gun at naglakad.

*bang*

*bang*


Tarantado ka!Bat mo ginawa yun?Paano kung nadale ako?_pagalit na angil ko.Naging pula mga mata ko,ngunit pinipigilan ko ipakita mga pangil ko.


Missy,patawad pero napag-utusan lamang ako.Sumusunod lang ako sa utos_malamig na sagot nito.Nagsidatingan mga tauhan ni Dad at tinutok din nila ang silver gun sa direksyon ko.

Ano bang nangyayare?Baket ayaw ninyo akong padaanin?_galit na tanong ko.Sobra na pagkauhaw na nararamdaman ko.


Tanya,buti at naisipan mo magpakita._Mula sa bukana ng mansion naroon si Dad at kasama nito mga mercenary group,pati sina Alex,Tyron at Rain.Walang bahid ng ekspresyon sa mga mukha nito.

Dad,ano bang nangyayare?_naguguluhang tanong ko.Tumingin ako sa mga kagrupo ko,lahat sila ay nakatali ang mga kamay.Nakahilera mga ito na parang kriminal.

Answer me!_malakas na bulyaw ko.Ngunit wala akong nakuhang kasagutan.Isang silver bullet ang tumama sa balikat ko at tumagos ito.Nasapo ko ang sariling balikat.Tiningnan ko kung sino nagpakawala ng bala,mula kay dad.Umuusok pa dulo ng baril nito.


Dad,you promise me.Na hindi mo siya sasaktan._malumanay na saad nito.Muling itinutok ni Dad ang baril saken,but this time sa ulo kuna ito nakatutok.Ano ba talagang nangyayare?Bat nila ako ginaganito?tanong ko sa sarili ko.


Manuel,tuparin mo pinangako mo._malamig na saad ni Alex,nakatingin siya saken.Isang tunog ng baril ang muli ko narinig,napappikit ako.


Nang dumilat ako ay nasa harap kuna sina Alex,Tyron at Rain.Sinalo ni Alex ang bala,gamit ang dalawang daliri nito.Tinatakpan nila ako habang nakaluhod sa lupa.Hindi kuna magawang kumilos dahil nilalabanan ko pagkauhaw sa dugo.

The Powerful HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon