Chapter 6

93.5K 2.3K 227
                                    

Chapter 6:

Ilang araw ko na hinahantay ang may ari kay chichi..nalulungkot ako kasi kukunin na nya sakin ang cute na puppy na to.kaya lang,wala akong magagawa kasi hindi naman sya sakin e..binilin ko kasi sa mga kasambahay na huwag ibibigay si chichi pag wala ako.kailangan ako mismo ang magbigay kay chichi..

+ring ring+

margaux calling.....

sinagot ko naman agad yung tawag nya.

“hello?”

“lex!therese just gave birth!punta ka na dito sa hospital,andito na kami ni dwight..”

sinabi nya kung sang hospital.nagpaalam na din sya agad.hindi muna ko tumayo.sino kaya ang kamukha ng baby?

sana ako din,magkaron non in the near future.siguro masaya magkababy pero..diba masakit yun pag naglalabor?sabi nila kasi e.

nagbihis ako.parang ang tamlay ko.wala naman akong sakit.basta pakiramdam ko ang lungkot ko.hindi ko alam basta nalulungkot ako..hindi ko dapat ientertain ang ganitong pakiramdam!

nagstretch ako at ngumiti sa harap ng salamin..ayan..kahit pano umaliwalas naman ang mukha ko..

pagkababang pagkababa ko sa hagdan,nakita ko agad yung isang taong ayaw ko makita..

“hi lex,pinadaanan ka ni dwight.pupunta din ako sa ospital e.sabay na tayo ah.”

awtomatik tumaas yung kilay ko.close kami?saka naku lagot sakin yang dwight na yan!bakit nya pa pinapunta dito tong lalaking to?

“may kotse naman ako.saka hindi naman tayo magkaibigan kaya pwede ba,wag kang umarteng mabait na tao.ayokong maging rude.alam mo kung san ang pinto.”tinuro ko pa sakanya para lumabas na sya dahil unti unti na umaakyat ang galit sa ulo ko..

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon