chapter 10

83.7K 2K 317
                                    

chapter 10: she’s mine

Archie’s POV

habang nakahiga sa kama ko..nagmumuni muni ako.di ko mapigilang mapangiti noong una ko syang makilala..

“lexie!ang swerte mo naman,daming nagkakagusto sayo!”-sandra

naglalakad sila papuntang canteen.ganito ako lagi.tinitignan sya sa malayo.

lagi ko silang nakikitang magpinsan..1st year ako at 2nd year naman sila.pati si kuya pala.

maraming nagkakagusto sakanya,kasi bukod sa maganda ay mabait pa.sabi nila mayaman din daw sila lex.

di ko mapigilang mapayuko pag napapatingin sakin ang crush ko..pero pag napapansin kong nakalagpas na sya..hahabulin ko pa rin sya ng tingin..nakita nya kaya ako?o baka nadaanan nya lang ako ng tingin?pag nakikita ko sya para akong pinapawisan ng malamig.ang ganda nya kasi.nakakabighani!

kinuha ko ang wallet sa loob ng bulsa ng pantalon ko.nakatago ang picture ni alexia andrade dito.ang pag-ibig ko..napatawa ako ng mahina habang pinagmamasdan ko ang litrato nya.kelan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sakanya na gusto ko sya?na crush ko sya?alam ko bata pa kami pero seryoso naman ako sakanya.sa nararamdaman ko.pinilit ko lang yung kaklase ko nag kunan sya ng stolen.hindi ko kasi kaya.nahihiya akong mahuli nyang kinukuhanan sya ng litrato e.

nawala ang ngiti ko nang maramdamang may humablot ng litrato sa kamay ko..

isang malakas na halakhak ang nagpakunot ng noo ko.

si kuya paul,tawa ng tawa habang palipat lipat ng tingin sa litrato ni lex at sakin.

“bro,ang taas mangarapp a!”tinapik nya ko sa balikat saka binalik yung litrato sa kamay ko..

si kuya paul ay half brother ko..pareho kami ng tatay.hindi kami magkasundo simula pa noon.kasi ang sabi nya kami daw ng mama ko ang dahilan kung bakit nagkalabuan ang papa at mama nya.

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon