Epilogue

39.7K 954 148
                                    

Alexia

"Gusto ko ng sopas at pandesal na may palaman na peanut butter!" -Margaux

Nasa bakasyon kami ngayon. Gusto kasi ni buntis e mag beach. Specific ang gusto nya ha! Sa Baler. Ngayon iba-iba naman ang napaglilihian. May bahay sila Margaux dito kaya ininvite nya kami. Ako, Archie, Mar and Dwight lang naman. Hindi sumama sina Therese at may sakit daw ang baby girl nila.

4 months pregnant na kasi si Margaux. One month after ng kasal nila ni Dwight, nakabuo sila agad. Sa England sila kinasal. Sa isang castle at iilan lang talaga yung invited. Bawal ang media pero ang dami pa ring nakaabang na paparazzi. Ang ganda-ganda nya. Para siyang prinsesa sa wedding gown nya. Iba talaga pag celebrity ang ikakasal e. Nasa newspapers agad yung wedding nila. Nag stop na rin si Mar rumampa. Hindi sa pinagbawalan siya ni Dwight. Gusto nalang nya kasing mag focus sa family nya. Sila pa rin naman yung nag oorganize ng mga event. Sa ngayon yung boutique nila sa Pinas yung inaasikaso nya. After giving birth e dun na sila mag stay sa England. I'm a bit sad sa parteng yon pero kasi may pamilya na sya. I'll have my own too, kaya alam kong gagawin ko rin yung makakabuti sa family ko. Gagawa nalang kami ng paraan para mag reunion in the future. Napag usapan namin na distance will never keep us apart.

Ang cute lang kasi pag may gustong kainin si Mar, parang walang malang gawin si Dwight nabigay lang ang gusto ng asawa nya. Ang daya nga e! Siya yung buntis na hindi lumalaki yung ilong, sexy pa rin. Yung tyan lang nya talaga yung lumalaki. Sana ako din ganyan pag nabuntis. Tinignan ko si Archie pero nakatingin din sya sakin. Ngumiti ako sakanya. Sana kamukha nya yung magiging anak namin.

Wala kaming ginawa kundi mag swimming, kumain, magkwentuhan. Hindi na kami umiinom kasi maiinggit si Mar.

Nagkukuwentuhan lang kami after ng dinner. Ilang sandali pa e naghanap ng ube cake si Mar. Ang boy scout lang ni Dwight kase bumili sya ng cakes tapos iba-ibang flavor. Sa totoo lang kase ang layo ng bayan o Mall sa kinalalagyan namin. Kaya nakahinga ng maluwag si Dwight nung meron syang binili na gusto ni Mar.

Uuwi na rin kami tomorrow. I have to work na rin. Sa company namin na ako ulit nag work. Si Archie, babalik muna sa Vegas. kailangan nyang samahan si Mama. Maraming kailangan gawin sa resto nila doon. Magpeprepare na din kasi kami sa wedding next year.

"Inaantok na ko." naghikab na si Mar. Natawa kami kasi Napa yes Lord si Dwight. Ang hirap siguro makasama yung naglilihi ano? I mean oo nakakasama namin siya pero iba pa rin yung ikaw yung nahihirapan katulad ni Dwight. Ang nakakatuwa pa e laging nakasiksik si Mar sa kili-kili ni Dwight. Maya-maya pa ay kaming dalawa nalang ni Archie sa labas. Nakatingin lang kami sa langit at kuntento na sa ganito.

"Tayo kaya kailan magkaka baby?" Napalingon ako bigla sakanya. "Gusto mo na din mahirapan katulad ni Dwight?"pang-aasar ko sakanya. Hinawakan nya lang yung kamay ko at ngumiti. Hindi siya agad sumagot. "Okay lang. Handa naman ako. Gusto ko na makita yang mga kamay mo na hawak ang magiging baby natin." Hinalikan nya ang mga palad ko saka ako niyakap. Susme. Kinikilig pa rin ako sakanya. Napaka vocal nya kasi sa nararamdaman nya. Hindi katulad ng ibang lalaki dyan na pa-macho effect.

"Pero bago yun, pakakasalan muna kita"sabay ngiting nakakatunaw ng panty. Susko lang Lord, magpapakasal muna po kami bago gumawa ng baby.

"Ilang anak ba ang gusto mo?" pabirong sabi ko sakanya. Kinikilig pa rin ako. "Tatlo o apat." maikling sagot nya. "Ang dami naman! Baka hindi ko na kayang i-anak pa ganon kadami!"

Tumawa lang siya. "Biro lang. Kung ilan ang ibibigay mo sakin, magiging pinaka masayang lalaki ako sa buong mundo." Bigla siyang sumeryoso. "I will love and protect my family. I will never let anyone harm you ang my future children." His words warm my heart. Ang swerte ko sa lalaking to and i thank God for him everyday. Hindi biro ang pinagdaanan nya pero i'm glad na sa huli,nahanap pa rin namin ang isa't-isa.

"Bakit mo ako minahal?" wala sa loob na tanong ko. Nilingon ko sya at sumandal sa balikat nya. "There are million reasons that i can say but it will never be enough to justify how i do. I just do" Hinalikan nya ako sa noo.

"Just give me one reason, please?" pangungulit ko sakanya. He sighed "Because when i saw you, i just know that you're the one. My heart says so. You are the one for me my sunshine. You fill my heart with so much joy. I love you my sunshine."

"I love you too. I just want to spend my lifetime with you."

END

____________

Yay! Tapos na rin siya. Thank you!

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon