Megan's POV
Hi, first time ko atang may pov hahahaha! Si otor masyadong nafocus sa iba chos. Ok, so I'm Megan Leigh Francisco. Best friend ko si anikka matagal na. And yes, ex ko si Kian. Siya lang yung taong binigyan ko ng lahat lahat. Minahal ko yun ng sobra, siguro hanggang ngayon.
Medyo nagtaka lang ako nung nakita ko siya parang wala naman siyang pakielam tsaka parang hindi kami magkakilala. Hindi ko na i-dedeny na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Sobra lang akong nasaktan sa ginawa niya pero parang handa naman akong kalimutan 'yon, maibalik lang siya sa akin. Ganon ko siya kamahal.
Ayaw ko ng maghiganti pa sa kanya. Para ano pa?! Eh pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Ang tanga tanga noh? Haha, wala kayong pake.
"Good morning" Masayang bati ni Anikka
"Oh? Masarap yata tulog mo ah?" Sabi ko
"Syempre naman!" Sabi niya at ningitian ako ng oh-so-famous-look niya
"Anikka??" sabi ko
"Yes?"
"Makipagbalikan kaya ako kay Kian?"
Biglang nagpoker face ang aura ya.
"Ang tanga-tanga mo, alam mo ba yun?" She said and rolled her eyes
"Eh mahal ko pa siya.."
"Pektusan kaya, kita? Sabi ko naman sayo diba? Gagantihan natin 'yon."
"Anikka, I have no time to take revenge. And besides, I still love him. I should do what's best for me right!?"
"What's best for you?! Yan ba talaga ang tingin mong makakabuti sayo!? Oh my god, I can't believe you megan! Naalala mo ba yung mga oras na pinagtaksilan ka non? Yung pambabalewala niya sayo? Yung halos pagtulak niya sayo? Di ka man lang ba nagalit don kahit konti man lang?!"
Bigla akong natahimik. "Eh anong gusto mong gawin ko? Lalo pang parusahan ang sarili ko sa pamamaraan ng pagsakit sa kanya? Alam mo namang doble doble yung mararamdaman kong sakit kung nakikita ko siyang nasasaktan!"
"Itigil mo na nga yang kahibangan mo! Did you ever looked at him!? Obvious na obvious megan he doesn't give a shit about you anymore! Kailan ka ba matatauhan? Hindi ako makapaniwalang may kaibigan akong tanga ugh"
"Alam ko namang mahal parin ako ni Kian, anikka. I felt it."
"You felt it? Sana kung mahal ka pa niya talaga matagal ka ng binalikan nun! Bahala ka! Kung ayaw mong maghiganti, ako nalang ang gagawa sa ayaw at sa gusto mo!"
Nagulat naman ako at hinawakan ang kamay niya. "Oh my gosh anikka, please don't hurt him. Huwag mo nalang siyang pakielaman parang awa mo na. Kung gaganti man para sa kanya, ako nalang ang gagawa non!"
"Hindi ako naniniwala sayo noh! Siguro nga pag nagkita kayo imbes na magalit ka sa kanya eh susunggaban mo agad ng halik 'yon!"
"Hindi mo kase ako naiintindihan! Mahal ko yung tao eh! I am willing to do everything para sa kanya! Ikaw ba, nagmahal ka na ba?!"
"Megan, wake up.. Hindi na pagmamahal yan. Katangahan na yan!"
Hindi na ko nagsalita. Napaupo nalang ako sa sahig at tuluyan ng umiyak. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.
YOU ARE READING
I fell into her trap
Teen FictionDid you ever plan something to make someone fall inlove with you? Desperate as you may think, right? But if that's the only way to get my revenge, then I will do it. but why does it seems like im falling for you too? ...