Anikka's POV
"Oy, anikka, wake up." Pagtatapik ni kian sa cheeks ko
Nakatulog kasi ako sa kama niya habang naglalaro siya sa laptop niya. Minulat ko naman ang mata ko at nakitang bihis na bihis si Kian. Ay may dinner nga pala kami noh.
"Magbihis ka na. I bought that dress earlier, yan ang isusuot mo"
Omg baka losyang na naman ito ha? Binuksan ko yung nasa shopping bag at nakitang may black na dress doon. Long sleeve siya at below the knee. Wtf -_-" Ang hilig sa mga long sleeve nito! Tinignan ko lang siya ng masama.
"Seriously? Ito talaga ang ipasusuot mo sakin?" tanong ko sa kanya
"Bakit? Aangal ka pa ba? Binilhan na nga kita eh"
"Kian naman! Gusto mo talagang magmukha akong nanay sa harap ng pamilya mo? Ugh!"
Pinigilan niya naman ang tawa niya "What? That dress seems nice naman ah!"
"Ewan ko sayo!"
Pumasok ako sa cr niya at walang choice kundi sinuot ang dress na 'yon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga kahit anong isuot ko hays charot! Lumabas na ko at nakita si kian na humihiga sa bed niya.
"Hoy, aalis ba tayo o ano?" ako
Tumingin naman siya sakin ng matagal kaya masyado akong nailang dun.
"Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo na ko anoh?" Sabi ko
"Why would I like you? Wala nga isang katiting na stan---"
"Oh, yan ka na naman sa standard-standard mo na yan! Wag ka nalang kaya mag-asawa noh!?"
"I've already told you, may babae talagang kaya patibukin ang puso ko. I just need to find her."
Si megan naman naging ex niya diba!? Indenial pa 'toh!
"Goodluck. You might get lost finding her"
"I'm willing to risk." Sabi niya at ngiti-ngiti pa
"Tse! Boring freak ka pa din!" sabi ko't lumabas sa kwarto niya at nag ayos muna ng sarili ko. Tumawag naman ako kay megan na gagabihin ulit ako uuwi.
May klase pa naman bukas pero heto ako inuuna ang kalokohan ko. Maya-maya lumabas na din si kian at sumakay na kami pareho sa sasakyan niya. Tahimik lang ang byahe. Gusto ko sanang paandarin yung music sa car niya kaso nahihiya ako. Nabasa ata niya yung utak ko kaya naman in-on niya yung speakers. Hays buti wala ng awkward.
"Bakit pa ba kailangang imbitahin ako sa dinner niyo? Akala ko kung may pinakilala kang girlfriend sa family mo, tatantanan ka na nila?" ako
"I don't know? Ba't di mo sila tanungin?"
"Diba may kapatid kang babae? Yung may birthday noon? Yung una tayong nagkita? Asan na yun?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Eh curious ako eh!"
Inirapan niya lang ako na para bang naiinis na siya sa kakatanong ko.
"Ayaw na ayaw ko sa lahat ang maingay habang nagbya-byahe."
"Pakielam ko naman sa ayaw mo? Tsaka akala ko ba ako masusunod dito?"
"My sister is currently in USA. Ok na? Nasagot ko ban g maayos ang tanong mo?" sabi niya pero halata parin ang inis niya
Buti naman at wala dito ang kapatid niya. Best friend 'yon ni megan eh, baka isumbong niya ko kay megan. Oh wait.. alam ba niya na ex ni Kian si megan? Matanong nga si megan mamaya. Minutes after, nakarating kami sa isang resort. Akala ko ba dinner? Kakain ba kami sa swimming pool? Di naman nang-iinform si kian sana dinala ko yung swimsuit ko!
Lalabas n asana siya ng nagsalita ako. "Ops, pagbuksan mo ko ng pinto ah."
"Wala ka bang kamay?"
"Ah ganon? Akal—"
He rolled his famous eyes and bumaba at pinagbuksan nga ako. Ngumiti akong nakatunganga sa kanya at lumabas sa car niya. Sinara niya naman 'yon at humarap sakin. Nagulat siya nung hinawakan ko yung balikat niya.
"Learn how to be a gentleman, my kian" sabi ko at kumindat sa kanya at nauna ng pumasok sa resort.
Nakita ko namang madaming mga sosyal na tao sa loob.
"Ate, are you Kuya Kian's girlfriend po!?" sabi ng isang babae sakin
"Yes.." sabi ko at ningitian siya.
"Wow, I didn't know Kuya has a good taste. Akala nga namin mga matanda ang trip non eh. Wala ba namang pinansing ibang magagandang babae!" sabi niya na kinatawa naman namin
YOU ARE READING
I fell into her trap
Teen FictionDid you ever plan something to make someone fall inlove with you? Desperate as you may think, right? But if that's the only way to get my revenge, then I will do it. but why does it seems like im falling for you too? ...