Chapter 4

20 2 1
                                    

Anikka's pov

Unti-unti ko ng nakukuha ang trust ng heartbreaker na yun! Akala niya naman maloloko niya ko sa pinagsasabi niyang wala daw siyang girlpren. Neknek niya.

Hindi niya alam kung anong pinagdaanan ng bestfriend ko nung naghiwalay sila! Parang ngang nung mga oras na yun, eh napatay ko na siya eh.

I just need to make him fall sakin. Sus, madali lang 'yon! Maganda naman ako eh. At challenge sakin yung mga matataas na standard niya.

Paano kaya napainlab ni megan 'yon!? Bago ko sinimulan ang plano ko, I researched some information about him. So, he is a third year college student and at the same time working in his Dad's company.

Nalaman ko din kung saan yung condo niya tsaka yung bahay nila. Hahaha! Yung stalking skills pang imbestigador bes 😂

"Anikka.."

Lumingon ako kung sino yung tumawag sakin, eh si zach lang naman pala. Ano na naman bang kailangan neto? Ilang beses ko ng bustedin eh.


"Ano na namang kailangan mo zach? Kung magpapahayag ka na naman kung gaano mo ako kamahal, eh wala akong pakielam dun." Mataray na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka talaga Anikka! Wala pa nga akong sinabi eh nakakasakit ka na."

"Zach, may boyfriend na nga ako di'ba? Tigas-tigas ng kokote mo"

"Ano bang kulang sakin, anikka?"

"Here we go again ugh" Sabi ko't pinalibutan lang siya ng mata.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na sa condo ko. Pupunta muna ako kila Mama. Pagkarating ko dun eh sinalubong agad ako ng walang hiyang kuya ko.

"Uy, may pangit!" Sigaw niya na parang diring-diri ang gago

"Ezkyuz me? Hindi ako salamin noh, tabi nga ka!" Sabi ko't pumasok sa loob.

"MAAAAAAA!!!!!!! NANAAAAAY KOOOO! INA KO! MA! MOTHERRRRRR!" sigaw ko sa taas

Nakarinig naman ako ng malakas na pagdabog mula sa hagdanan.

"Hoy,  anikka! Bakit ngayon ka lang nakauwi?!" Sigaw din ni mother sakin 

"Good afternoon din po. Medyo busy po kasi sa school tsaka marami akong ginagawa." I explained

"Ang sabihin, busy yan sa boypren niya ma! Nako, anikka ang bata-bata mo pa ha" Pagsulpot ni kuya

"Totoo ba yan?! Nagboboypren ka na ngayon, Anikka Sandra?!" Sigaw naman ng praning kong nanay.

"Wag nga kayong maniwala sa lokong yan. Alam mo naman ma wala akong oras sa boypren-boypren na yan eh!" Ako

"Hay ewan ko sa inyo. Kumain ka na ba? Magmeryenda ka muna dito" Sabi ni mama

Ayyy hindi ako tatanggi sa poods hehehe. After kong kumain eh nagbonding-bonding muna ako dito kila mama and nagpaalam na ding umalis.


"Hoy, anikoy!" Pagtatawag sakin ni kuya

"Oh bakit? Mang-aasar ka naman?" Sabi ko


"Birthday kasi ng tropa naming si Ivan. Diba kilala mo 'yun? Sinabi niya sakin na imbitahan ka daw. Pool party yung birthday niya. Ayaw ko nga sana eh kaso pinipilit talaga nila ako"

Hindi ko naman ma ita-tanggi. Close talaga ako sa mga tropa ni Kuya. Masaya sila kasama. Isang year lang naman yung gap ko sa kanila. Second year college ako, sila third na.

I fell into her trapWhere stories live. Discover now