Next Day
(Kahit late na silang nakabalik at natulog kagabi, maaga paring nagising si Julie. Natural na lang talaga kasi sakanya ang ganun. Sa tabi nya, mahimbing na natutulog si Elmo. Pinagmasdan lang nya ito sandali, iniisip kung gigisingin ba nya para sabay silang magbreakfast.)
Julie: (kinakausap ang natutulog na si Elmo) Ayoko namang istorbohin ang malambing mong tulog. (Hinahawi-hawi ang buhok nito) Ako na lang muna. (Hinalikan si Elmo sa noo at bumangon na.)
(Nag-iwan sya ng note sa lamesa para hindi mag-alala si Elmo na wala sya tabi nya pag-gising. Bumaba si Julie sa may lobby para kumain ng breakfast. After nun, naglakad-lakad sya sa labas, dala-dala ang camera nya at nagtake ng pictures.)
Julie: Ang ganda talaga dito. Kung pwede lang sana magtagal pa kami.
(Naka-yuko sya habang naglalakad dahil sa tinitignan nya ang mga pictures na kinunan nya, nagkabanggan tuloy sila ng isang babae. Nalaglag ang dala-dala ng babae na basket.)
Julie: Ay! Naku, sorry Miss, hindi ko sinasadya. (tinulungan yung babae pulutin ang mga nalaglag na prutas at gulay.)
Laurena: (Inayos ang basket) Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo.
Julie: Sorry talaga, sorry! Na-distract kasi ako sa mga pictures na kinuhanan ko.
Laurena: (Pag-angat nya ng ulo nya, nakilala nya ang babaeng kaharap) (napabulong) ikaw ang bagong nobya ni Moses.
Julie: Ha? Ano yun Miss?
Laurena: Ah… wala. Sabi ko, ayos lang, di mo naman ginusto yung nangyari diba?
Julie: No, no. Pasensya na talaga. Nasaktan ka ba?
Laurena: Hindi, ayos lang ako. Salamat! Turista ka dito ‘no?
Julie: Ah, oo. Nagbabakasyon lang ngayong weekend. Kasama ko yung boyfriend ko and mga kaibigan namin.
Laurena: Ganon ba? Taga-rito kasi ako kaya alam ko kung sino ang mga turista at mga nakatira dito.
Julie: Really? Wow. Ang ganda dito sa inyo.
Laurena: Gusto mo ilibot kita sa mga mas magaganda pang lugar dito?
Julie: May mas maganda pa dito?
Laurena: Oo naman. Gusto mo ba? Tara!
Julie: Okay sige. (Biglang nagtumunog ang celfone nya. Binasa ang text message.) Ah, gusto ko sana kaya lang hinahanap na ako ng mga kasamahan ko eh. Sayang naman.
Laurena: Di naman kelangan ngayon, kahit mamaya kung gusto mo.
Julie: Talaga? Ang bait mo naman. O sige, kita tayo dito mamaya ha? Ako nga pala si Julie Anne. Ikaw, anong pangalan mo?
Laurena: Laur..ah, Rina. Rina ang pangalan ko.
(Nagshake hands sila)
Julie: Nice to meet you Rina. Kita na lang tayo mamaya ha? (Umalis na)
Laurena/Rina: Sige. (bumulong sa sarili) Uto-uto! Hahaha!
(Pumunta si Julie sa may lobby ng hotel, pagdating nya sa may cafeteria, sabay-sabay na kumakain ang mga kaibigan except kila Enzo at Sarah.)
Julie: Good Morning Babe! (kiniss si Elmo sa cheeks) Good Morning Guys!
Gang: Good Morning!
Elmo: Good Morning! Mukhang napaaga ang adventure mo ngayon Babe ha?
Julie: Hindi pa naman, nagtake lang ako ng pictures, lakad-lakad, yun lang.
Elmo: Kumain ka na ba?