(Sa may beach, nakatayo si Elmo at tingin ng tingin sa wrist watch nya. Lumapit si Derrick, may dala-dalang surfboard.)
Derrick: Ano Bro, ayos na ba yung moves ko kanina?
Elmo: (hindi masyado nagpa-pay attention) Oo, okay na yun.
Derrrick: I mean, kahit medyo malakas yun waves, naka-balance pa rin ako. How cool is that?
Elmo: Yeah, you were good. (lumilingon-lingon sa paligid)
Derrick: Hindi mo naman yata nakita eh. Hindi ka rin nakikinig saakin
Elmo: Ha? Ano ulit yun?
Derrick: See?!
Elmo: Sorry Bro, its just that nag-woworry lang ako kay Julie.
Derrick: Diba sabi nya susunod naman daw sya?
Elmo: Yeah, dapat nga nandito na yun eh, medyo madilim na o.
Derrick: Baka naman nag-enjoy lang dun sa mini-tour nya, darating din yun.
Elmo: Sana nga. I don’t know, pero Rick, iba ang pakiramdam ko.
Derrick: Wag kang maparanoid, strong and smart girl si Julie, she can take care of herself.
Elmo: Alam ko yun, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Derrick: I understand, mahal mo sya eh. Don’t worry she’ll be here.
(Ilang sandali pa, papadating si Sarah kasama si Julie.)
Derrick: O, speaking of, ayun si Julie o, kasama si Sarah.
Elmo: (dali-daling lumapit kay Julie) Babe, where were you? Sabi mo susunod ka dito?
Julie: Ha? Ahm kasi…
Sarah: Nakita ko yan dun malapit sa labasan ng gubat, mag-isa, hinahanap ka.
Elmo: Mag-isa? Akala ko ba may kasama ka? Sino nga ba yun?
Julie: Oo, si Rina. Kasama ko sya kanina pero umuwi na sya. Ahm, hindi na ako nagpahatid dito kasi ano, medyo madilim na tapos malayo pa yung bahay nila, kaya mag-isa lang ako.
Elmo: Sana tinawagan mo ko diba?
Derrick: Oo nga naman Julie, halos mamatay-matay na yang boyfriend mo sa kaka-alala sayo.
Julie: Pasensya na ha? Di na mauulit. (yumakap kay Elmo)
Elmo: That’s okay. The important thing is walang nangyaring masama sayo. Ano, gusto mo pa bang matutong mag-surf ngayon?
Julie: Ha? Ah, hindi na. Pagod na kasi ako dun sa paglilibot namin.
Sarah: Punta na lang tayo dun sa Bar & Grill, I’m sure ginutom ka sa adventure mo today. (kumapit sa braso ni Julie)
Julie: (bumitaw) Ayoko, ayos lang ako. (kumapit sa braso ni Elmo) Gusto ko magpahinga na lang muna tayo.
Elmo: O sige mukhang pagod ka nga. Sure ka bang ayaw mong kumain?
Julie: (tumango) Halika na! (hinatak si Elmo)
Elmo: Guys, kayo na lang muna ha? Sasamahan ko muna si Julie sa hotel. (Naglakad na papalayo.)
Sarah: (nagtaka) Anong problema ni Julie? Bakit ganun yun? Galit ba sya saakin?
Derrick: Hindi siguro, pinag-uusapan pa nga namin kayo kanina nung breakfast eh, masaya pa sya nagkukuwento.
Sarah: Baka nga napagod lang talaga.
Derrick: Pero parang iba rin sya kanina eh, ewan ko ba.
Sarah: Hayaan na lang muna natin. Once nakapag-pahinga na yan, balik na sa pagiging makulit yan. Tara, samahan mo na lang ako sa may Bar & Grill.