(Nakabalik na sila Elmo at Julie. Nagpicture-picture na silang lahat. Matapos yun, sisimulan na nila ang Step 1 ng plano. Mapaghiwalay si Elmo at Julie ng sandali para masabi kay Elmo ang lahat. Binigyan na ni Derrick ng signal si Saab, tumango naman ito.)
Saab: Ahm, guys, ano, tara punta tayo doon malapit sa may pang-pang gusto kong mag collect nung mga seashells.
Maxx: Ay oo nga, gusto ko yan. Let’s go!
Sarah: Sige, tara Julie. (hinatak si Julie)
Julie: Ha?! Ahm, okay. (tumingin kay Elmo) Halika, sama ka.
Elmo: O sige…
(Palihim na siniko ni Sarah si Enzo, naintindihan naman nya ang ibig sabihin nito kaya pinigilan nya si Elmo.)
Enzo: Wag na, Bro, silang mga girls na lang.
Maxx: Oo nga, pang girls lang ‘to.
Julie: Pero…
Saab: Please?! Ngayon ka lang naman mahihiwalay kay Moe ng sandali eh. Diba? Please, never ka nag say “No” saakin.
Julie: Ahm, sige na nga.
Maxx: Yehey! Let’s go!
(Umalis na ang mga girls kaya nagsimula na si Derrick.)
Derrick: Bro, kelangan ka namin makausap tungkol kay Julie.
Elmo: Why? What about her?
Enzo: Bro hindi si Julie yan kaya hiwalayan mo na.
Elmo: Ha? Ano bang pinagsasabi mo Enzo? May hangover ka pa nga yata.
Derrick: No, hindi yun ang ibig nyang sabihin, makinig ka muna saakin.
(Kinuwento ni Derrick ang lahat kay Elmo. Hindi makapaniwala ito sa lahat ng mga nalaman nya.)
Elmo: Rick, sigurado ka ba dyan? Parang ang hirap paniwalaan.
Derrick: Bakit, hindi parang nag-iba ang ugali ni Julie lately? I mean nung pagkabalik nya kahapon, diba nag-iba sya?
Elmo: Oo, pero in a good way. I mean, sweet naman talaga sya pero naging sobrang sweet. Ayaw nyang nawawala ako sa paningin nya. Yung ganun.
Enzo: See?! Dahil hindi talaga yan si Julie, nagpapanggap lang.
Elmo: So si Laurena talaga ‘yang kasama natin ngayon?
Derrick: May kutob ako na oo.
Elmo: Anong gusto nyang mangyari?
Derrick: Matagal na panahon nyang hinintay si Moses, ngayong nakita ka na niya, hindi ka na niya pakakawalan.
Elmo: Hindi naman ako si Moses eh.
Enzo: Bro, desperada yung tao, kamukha ka nung ex nya eh, eh di syempre, papatusin ka parin nun.
Elmo: Teka, kung si Laurena yan, nasaan si Julie? Yung tunay na Julie?
Derrick: Yun ang kailangan nating alamin. Ngayong gabi ay kabilugan ng buwan. Siguradong ngayon nya tatapusin ang ritual para tuluyan ng mapasakanya ang anyo ni Julie.
Elmo: Paano naman nya gagawin yun?
Derrick: According dun sa mga naresearch ko, para tuluyang makuha ng isang aswang ang anyo ng isang tao, ang huling step ng ritual ay isasacrifice ang biktima, meaning papatayin ito.
Elmo: WHAT???!!! (napatayo) No, no, no! Hindi pwede yan! Sacrifice? Si Julie? Hell no!!!
Enzo: (pinakalma si Elmo at pinaupo ito) Moe, chill.