(Sa may restaurant)
Maxx: OMG! Nakakagutom pa lang magswimming.
Elmo: Paano kasi excited na excited.
Maxx: Ofcourse! We don’t get to do this all the time Moe!
Saab: But you were good on surfing earlier Moe, di ko alam may hidden talent ka pala. hahaha!
Elmo: Fast learner lang. (smiles)
Maxx: (umirap) So cocky! hahaha!
Julie: Teach me how to surf din ha? It looks fun kasi pero at the same parang ang hirap.
Elmo: Don’t worry, I’ll teach you how.
Saab: Trust me, its hard! Nakita mo ba kung ilan beses ako bumalentong kanina?
Enzo: Mukhang talagang na-enjoy nyo agad ‘tong beach ha? (naka-akbay kay Sarah na nakasandal naman sakanya.)
Julie: Ofcourse! Wait, mukhang okay na kayo ni Sarah ha?
Barkada: Uyyyy!!! hahaha!
Sarah: Wala yun, maliit na tampuhan lang un.
Julie: Asus, eh kung maka-inarte, galit kanina lang.
Sarah: Wala na nga, kulit mo! hahaha!
Enzo: Konting lambing lang kasi kelangan nitong baby ko eh. (Sabay hinalikan si Sarah)
Maxx: Hay naku na a-out of place ako, sana sinama na lang pala namin ung mga boyfriends namin ni Saab.
Saab: Oo nga, akala ko ibabysit lang namin si Moe.
(Tawanan ang barkada)
(Sa di kalayuan, napansin ni Derrick na nakamasid sa kanila si Laurena. Ilang beses na nya itong nakikita na pinapanuod sila sa malayo pero sa tuwing may sasabihan sya, bigla namang nawawala ang babae.)
Derrick: (bumulong) Ano kayang pakay nya?
Sarah: Ano yun, Rick?
Derrick: (Nagulat) Huh? Ah, ano, wala, wala, sabi ko, picture tayong lahat.
Maxx: Ay gusto ko yan!
(Pumwesto lahat at nagposing. Kinunan sila ni Derrick. Siniguro nya na makukuhanan sa background yung babae. Ilang sandali pa, dumating na ang pagkain nila.)
(Sa kabilang banda)
Alfonso: Ilang beses ko bang sasabihin sayong bata ka na wag kang makikihalubilo sa mga taong hindi taga-rito saatin?
Laurena: Hindi naman po.
Victor: Wag ka ng magsinungaling. Nakita kita kanina na nakikipag-usap dun at pasunod-sunod ka pa sakanila.
Laurena: Kuya, si Moses yung kausap ko.
Victor: Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait?
Laurena: Hindi, sya talaga yun.
Alfonso: Tama na yan! Kita mo na napapala mo? Itigil mo na yang kahibangan mo.
Laurena: Pero Papa…
Alfonso: Tapos ang usapan. (Umalis)
(Nagkatinginan lang ang magkapatid)
Victor: Hindi sya yun, nagkakamali ka lang.
Laurena: Hindi mo pa kasi nakita kaya hindi mo alam. (Umalis na rin)
(Kalalabas lang ng barkada sa Restaurant)
Enzo: Ano, game kayo sa Bar?
Maxx: Pass na lang muna ako. I’m so full eh!
Saab: Same here. Maybe tomorrow night na lang.