My Debut as a High School Girl! 2

76 1 1
                                    

Sheeet! Ang sakit ng ulo ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko, natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa isang sofa sa loob ng isang malaking library. Ang mga furniture at decors sa loob, lahat mamahalin, magkakatabi ang mga bookshelves sa gilid, may mahabang mesa sa gitna ng kwarto at puti na grand piano sa isang sulok. Library yata ‘to ng isang mansion.

Wow... Pero teka, hindi ito ang oras para humanga! Kailangan kong makaalis dito. ASAP!

Dahan-dahan akong tumayo, kaso paghakbang ko naman nasubsob ako sa sahig, head first. Inangat ko yung ulo ko, tumingin ako sa likod at saka ko lang na-realize na naka-kadena pala ang kanang paa ko sa may gilid ng sofa.

 Oo nga pala, ang mga kinidnap hindi dapat hinahayaan na makatakas basta-basta…

…para may thrill ang kwento? D:

Umupo na lang muna ulit ako sa sofa para hindi naman naka-suspend yung mga paa ko sa ere. Nakakangawit kaya! Tapos, sinimulan kong mag-isip ng mga paraan para mabaklas yung kadena at nang makaalis na ako rito sa lalong madaling panahon.

Naisipan ko na kagatin yung kadena.

Naisipan ko na daanin sa paghatak yung pagbaklas ng kadena.

Naisipan ko na tunawin yung kadena gamit ang titig ko.

Kaso, naisip ko rin na walang maitutulong yung mga ideas na yun.

=__=”

Kaya, tumanga na lang ako nang nakaupo. Ilang minuto lang ang lumipas nang may narinig akong nagbukas ng pinto. Napalingon tuloy ako at nakita kong may tao pala na dumating. Malabo man ang paningin ko, napansin kong maganda yung babae na dumating. Nakasuot siya ng red na dress at stilettos (na-determine ko lang na stilettos yun dahil sa sound ng paghakbang niya, astig ba?).

“Gising ka na pala Sage,” nakangiti niya na bati sa akin. Hindi ako kumibo, nakatingin lang ako sa kanya. “Sa wakas, makakausap na rin kita ng maayos.”

“Makakausap? Ni hindi ko nga alam kung sino ka,” pabalang na sagot ko sa kanya. Medyo kinakabahan na ako, pero hindi ko naman pwedeng ipakita yun. Napaisip na nga ako kung may atraso ba ako sa kung sinong mayaman dati; wala naman akong maalala.

Bahala na nga. Gulp.

“Ako nga pala si Clarissa, ang bunsong kapatid ni Kuya Hans.” Umupo siya sa tabi ko. ”I’m sorry about what happened to your parents.”

Bakit niya alam ang pangalan ng tatay ko at ang nangyari sa mga magulang ko? Kapatid? Anong kapatid ang pinagsasasabi nito? Nung panahon nga na namatay sila, ni walang…

“Bakit biglang napunta ang mga magulang ko sa usapan? At anong kapatid ang pinagsasasabi mo?” Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lang akong nagalit sa kanya. Tapos, lahat pa ng mga bagay na gusto ko nang kalimutan, ang memories ni papa at mama, pilit na bumabalik sa isipan ko. Tumayo ako.

“Sino ka ba para magsabi ng_”

Thud!

Walang hiya! Nasubsob na naman ako?! Fuuuuuuuuuuu_  Buwiset na kadena yan! Ngayon pa umeksena ang *#$#%!

“Mana ka nga talaga sa papa mo.” Natawa si Clarissa tapos tinulungan niya ako na makaupo ulit sa sofa. Hindi ko pa rin makuhang tumingin sa kanya pero yung galit ko napalitan na ng hiya.

Sunod naman ay in-unlock niya yung nakakandadong bakal sa may paanan ko. Sa wakas, makakaupo na rin nang maayos. Hinawakan ko yung ankle ko para i-check kung nagkasugat. Medyo masakit kasi pero buti naman at walang injury.

My Debut as a High School Girl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon