Its Started With A Secret*1

84 16 11
                                    

Souta Shinohara's POV

Kung Mababasa lang ang istorya ko sa isang libro, nako! Baka sirain lang ng mga Tao yung librong hawak hawak nila dahil siguro sobrang nakakapagod ang buhay ko.

Wala kasi silang mapapala sa istorya ko, walang exciting na nangyayare sa buhay, isa lang akong tipikal na estudyante na handang gawin ang lahat para magkaroon ng maayos na buhay.

Tahimik lang ako. ako yung tipo ng tao na pag kinausap mo lang mag sasalita dahil sa sobrang mahiyain. isa lang akong estudyante nakaupo sa likod ng classroom, katabi ang iba ko pang masasalaw na kaklase at gustong mantrip ng iba.

Ang Buhay ko ay simple lang, papasok sa napakalayo kong eskwelahan ,makikinig sa napakahabang lecture ng guro namin, i aabsorb ang ingay ng mga ka klase ko, saglit nalalabas para makaramdam ng konting katahimikan o para makahinga ng maluwag at pag patak ng alas singko, pupunta na ko sa agency namin upang mag trabaho. upang magkaroon kami ng pambayad sa kuryente at tubig.

Dalwa lang kami dito sa bahay, Dahil wala na kaming magulang, iniwan kami ng papa namin noong maliit pa si kotone, ang aking naka babatang kapatid na babae, wala na din ang aming mama dahil namatay siya sa sakit na Di maipaliwanag. Kung kayat eto kami ngayon, ginagawa ko lahat ng aking makakaya para mabuhay kaming dalawa at mapag aral ko si kotone, sa abot ng aking kaya.

Pangungunahan ko na kayo di ako gwapo, pero naging model din ako ng ilang men rain outfit dati Sa isang magazine. Dahil din siguro sabi cute ako at matangkad at may kaputian. Kaya cute lang kung baga di mahilig mag pa impress, pero mas gugustuhin ko na may sense of Humor at mabait with a cheerful side, Kaysa naman gwapo nga wala puro hangin naman diba?

wala din muna ako panahon sa pag kakaroon ng gf dahil may pinanghahawakan akong scholarship saka may trabaho pa kong dapat asikasuhin, kung kaya wala ako panahon. Even na kahit may nag kakagusto sakin na mga babae, i should ignore muna in terms of relation.
ngunit nabago ito noong nag simula yung araw na ito,,,
_________________________________

=Knock=

Kuya Bumangon ka na, Ma le late ka na sa school unang araw mo pa naman... Sigaw ni kotone at kinatok ang aking pinto.

"siya si Kotone Shinohara ang aking nakababatang kapatid 14 years old at may ka kulitang taglay ngunit sobrang mapagmahal at maaalahanin."

Oo andyan na... sagot ko, at pinag buksan siya ng pinto. at bumungad sakin ang nakakatanggal ng pagod na muka niya,

"siya nalang kasi ang meron ako bukod sa mga kaibigan ko, kung kayat ganun ko sya kamahal bilang isang kapatid,"

Nakapag luto na din ako, palibhasa kasi tamad ka.. Sabi nya at kwenelyohan ako na akma ako ay susuntukin.

Aba aba... purket nagluto ka ngayun ha, masarap ba luto mo baka sunog? sabay tulak ng dalwang daliri sa noo niya na may kasamang tawa.

Di lang sunog lalasunin Pa kita.sabi niya sabay hila sakin papuntang kusina.

At pagdating namin sa kusina nakita kong nakahain na ang pagkain sa lamesa.

Ano ito? sabay turo ko sa luto niyang hot cake na kalhati ay may chocolate syrup At nag effort pa talaga mukang smiling face Na nabingot na kakabaliktad.

Hot Cake, sabi niya sabay ngiti

saan galing yun chocolate syrup mo mukang masarap. sabay tikim ko sa niluto niya. Bat parang ang pait, panis na yata yung chocolate syrup mo na nilagay. Dugtong ko pa Ng matikman ko.

Anung chocolate syrup eh wala naman tayo nun, matagal ng ubos yung binili mo. Pinalaman mo kasi sa tinapay, nakalimutan ko palang sabihin sayo na sunog yung kalhati pasensya na. ang sabi niya, na parang nahihiya.

ok lang yan atleast kalhati hindi buo. Sabay turo sa kalhati ng hotcake at sabay tawa.

Kuya naman.. Hmmm! sagot niya na akmang hahampasin ako ng kamay.

Ng matapos kami kumain ay nag handa na ko para pumunta ng eskwelahan. at sabay nagpaalam kay kotone.

Kuya.... Narinig ko pang sigaw nya, hindi ko nalang pinansin at baka kalokohan na naman, nagmadali na ko pumunta sa school kasi baka ma late na ko.

Pag dating ko sa School, nakita kong nagsisimula ng mag si pasok ang mga etudyante,
Buti nalang may oras pa.

Nag mamadali akong tumakbo ng bigla akong may naka bungguan.

shit! hey you dumbass watch were you going. Sabay bangon at pagpag ng kanyang uniform na parang sampung detergent ang ginamit.

Sorry, hindi kasi ako nag-iingat pasensya na kailangan ko ng umalis baka ma late na ko, Ang sabi ko, Sabay takbo.

"Grabe ah, hit and run" narinig ko pang bulong nung naka bungguan ko di ko nalang sya pinansin.

Ng makarating na ko sa room nakita kong nagkakagulo sa loob ng room, na para bang may sinisilip sila sa may bintana.

"anu ba yan parang may problema agang aga,"

nakisingit ako at nakisilip sa bintana, Ng makita ko si kotone na nag i-iskandalo sa may gate ng eskwelahan namin.

"what the f**k anung ginagawa nya dito"

KOTONE!!... sigaw ko sabay takbo pababa, at papunta sa may gate para tingnan kung anong nangyayare. At pag dating ko sa may gate.

Hoy! kuya, ayaw ako papasukin nung guard nyo... Sabi niya sabay turo sa guard naming mukang pilay

eh bawal nga po kasi kami mag pa pasok ng trespasser dito sa loob ng school. Sabi nung guard samin.

manong ako na po bahala dito, ang sabi ko sa guard.

Kuya! may tanong ako, sabi ni kotone.

Ano naman yon? tanong ko sa kanya.

Anu nakalimutan mo? tanong niya sakin

napaiisip ako sa sinabi niya, at biglang pumasok sa isip ko na yung damit pang palit sa trabaho Ang aking nakalimutan.

Ah... "Yung damit ko". pabulong kong sinabi sa kanya.
Bawal kasi sa school namin ang working student kung kayat baka ma expeled ako sa aking school kung nagkataon.

eto na kuya, sa susunod kasi wag mo hahayaan mga gamit mo na maiwan. ang sabi niya sabay abot sakin ng paper bag na laman ng aking damit.

Salamat, at teka pano ka nakapunta dito ng mabilis? tanong ko sa kanya.

Ginamit ko Bike ko, sagot nya sa tanong ko,

Sige Umuwi ka na sa susunod di ko na kakalimutan mga gamit ko salamat, sinamahan ko siya papunta sa kanyang bike at nag paalam ako at napasalamat.

Ingat ka kotone wag aalis ng bahay ha, sigaw ko habang palayo na siya sakin

matapos non, Pumasok na ko sa loob ng school at umakyat ng hagdan upang mag punta sa classroom namin.
pag bukas ko ng room ay tinanong agad ako ng kabarkada kong si ritsu.

"Si Ritsu takahara ang aking kaibigan/ka lokohan pagdating sa mga bagay"

Hey, Shino kapatid mo ba yun? tanong ni ritsu sakin.

Oo kapatid ko, tipid kong sagot sa kanya, Baket? tanong ko,

Wala lang, Kulet din pala ng kapatid mo no? sabi niya,

Oo sinabi mo pa, sagot ko sa kanya,

"may kapatid din kaya syang nakababata sa kanya?, sa 1 year naming mag ka kilala hindi ko alam kung may kapatid ba siya o wala, siguro dahil isang sem Lang kami nag kasama ng baliw na ito."

Maya maya lamang ay pumasok na ang professor namin at nag simula na ang klase,

__________________________________
A/N: Please support my first story, enjoy reading guys, and don't forget to vote, sorry na din sa mga typo errors, beginner palang po kase thanks. Hope you like the first chapter.

-Yhulie_Re

Its Started With A SecretWhere stories live. Discover now