"Just So You Know (LOVE ME INSTEAD 2): Part 1"

25 1 0
                                    

RAM's POV

Simula nang maging sila Cam at DJ nafefeel ko na naseset aside na ako. Feeling ko pagkasama ko sila mag isa lang ako. Feeling ko sila lang ang masaya. Andun lang ako sa tabi nila nakatingin sa kanilang dalawa. Nag uusap, naglalambingan, nagtatawanan. Minsan ginusto ko na lang na mapag isa at iwan silang dalawa pero parang may kulang? Parang may namimiss ako pag ako lang mag isa. Parang may gusto akong makatabi. Parang may gusto akong makita, parang may gusto akong makitang ngiti. Nung una ang akala ko nagseselos ako kay DJ dahil nawawala na sa akin ang atensyon ni Cam na bestfriend ko. Sanay akong kaming dalawa lang palagi ni Cam ang nag uusap, nagkukulitan, nag aasaran, nagkukurutan, naghahampasan. Pero hindi pala. Hindi ako nag seselos kay DJ, nagseselos ako kay Cam.

Oo.

Nagseselos ako kay Cam. At gusto ko na si DJ. Di ko alam kung pano, pero ang alam ko lang pag lumalayo ako sa kanila nasasaktan ako at pagkasama ko sila mas lalo ako nasasaktan. Kung pano nya kausapin si Cam, kung pano nya to lambingin, kung pano nya to ngitian. Gusto ko ako naman. Alam kong mali dahil bestfriend ko si Cam at ako pa ang nagtutulak sa kanila nun. Pero di ko naman sinasadya, di ko rin gusto tong nararamdaman ko. Sana di ko na lang to naramdaman, edi sana hindi ako nasasaktan at naguguluhan ngayun. Mahal ko bestfriend ko pero bakit? Di ko din alam. Una palang gusto ko na si DJ di pa sya nakikilala ni Cam, gusto ko na sya.

*Flashback*

"Cam!! Fwend, may papakita ako sayo. Ahihihihi"

"Huh? Ano?"

"Anong 'ano'? Sino fwend."

Papakita ko kay Cam yung crush kong si DJ. Ganto kasi kami lagi maraming crush.

"Nakikita mo yun?" hinawakan ko yung ulo ni Cam at itinutok iyon sa pwesto ng mahal ko ahihi.

"Huh? Sino?"

"Yung lalaking may blueng bag"

"ahh. Oo. Omygash fwend ang gwapo nyaaa. Crush ko na sya."

"Hands off fwend! Crush ko sya."

"Ano ba yan fwend, akin na lang! Diba may Andi ka pa."

"Tsk! Nauna ako eh."

"Pleaseee!"

"Osige. Osige."

Di ko alam na dadating yung panahon na magiging seryoso kami ni Cam sa feelings namin kay DJ. Kasi ganyan kami lagi sa mga crush namin, pinag aagawan lagi namin pero biruan lang namin. Di ko alam na magiging totoo.

"Ram! tara, kain tayo sa canteen." Yaya sakin ni DJ.

"Ahh. Sige kayo na lang muna, may pupuntahan kasi ako eh."

"Huh? Sino fwend? Ikaw ha. May di ka sinasabi sakin ah.."

Kung alam mo lang...

"Nako! Wala noh! Bat naman ako magsisekreto sayo? Pupunta lang akong library, may isesearch lang ako para sa report ko."

"JUST SO YOU KNOW" (Love Me Instead 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon