RAM's POV
Malamig at naulan ngayun, hindi pa ko makatulog madaling araw na. haiii! Pag gantong naulan feel na feel ko yung pag iisa ko dito sa bahay. Namimiss ko na pamilya ko, parang gusto ko biglang umuwi sa probinsya namin.
*Nom nom nom nom nom nom nom nom nom nom nom nom nom nom*
May tumatawag sakin... si DJ.
"Hello?"
"Miss, kilala mo ba may ari netong cellphone?"
"Huh? Ahh. Opo? Bakit po? Asan po si DJ?"
"Andito po sya sa bar namin, mukha po kasing lasing na lasing sya. Ayaw po nyang magising, papauwiin na po sana namin magsasarado na po kasi kami."
"Ahh ganun po ba. Si-sige po. Papunta na po ako dyan."
"Salamat po mam."
"Salamat din po."
*Sa Bar*
"Dj." Tinatapik tapik ko sya para magising
"Dj. Gising."
"Hmmmm!"
"Dj!" Yinuyugyog ko na sya.
"Wram. An-dyan ka phalah."
"Tumayo ka na dyan at para makauwi ka na."
"Ashan shi Cam? Bat di mo sha kashama?"
"DJ! Tumayo ka na." Inakbay ko sakin ang kamay nya para maakay ko sya.
"Whooo! Ang bigat mo!" hiniga ko sya sa kama nya. Hinatid ko na sya sa condo nya, buti na lang alam ko yung password ng condo nya.
Alas kwatro na ng madaling araw, inaantok na ko. Humiga ako sa sofa nya, dito na lang muna ko matutulog.
DJ's POV
*Ring! Ring! Ring!*
Pinatay ko yung alarm clock ko.
Tumayo ako para sana maghanda na para pumasok sa school. May pasok kasi ako ngayung saturday."Aray!" Napahawak ako sa ulo ko nung pagkabangon ko. Ang sakit ng ulo ko, nakainom pala ako kagabi.
Pano kaya ako nakauwi? Ang naalala ko lang pinuntahan ako ni Ram kagabi sa bar.
"Ram?" Nakita ko syang natutulog sa sofa ko. Hinatid ba nya ako kagabi? Lumapit ako sa kanya.
"Bat ka naman dito natulog?" Nag-iba sya ng posisyon at hinawak hawakan nya yung leeg nya.
"Yan! Tignan mo magkaka stiff neck ka nyan eh. Hays!" Binuhat ko sya para dalhin sa kama ko.
Umupo ako sa tabi nya."Alam mo yang kaibigan mo sobrang pahirap sa buhay ko. Akalain mo umalis ng di nagpapaalam! Dalawang buwan na yung lumipas nung umalis sya, hanggang ngayun di ko parin alam kung ano na ba yung estado naming dalawa. Wala na ba talaga ako sa kanya? Ganun na lang yun?! Saka isa ka pa eh. Di mo man lang sinabi sakin, alam mo naman pala na aalis sya." Biglang tumulo yung luha ko.
"Sorry ah." Pinunasan ko yung luha ko "Alam kong nasasaktan ka din, naipit ka pa samin ni Cam. Mahal na mahal mo ko? Haha! Alam mo ang gulo nating tatlo, sobra nating komplikado. Mahal ko sya, mahal mo ko." Tumayo ako sa pagkakaupo. Punta na nga kong kusina para magluto. "Tsk! Para na kong baliw! Kinakausap ko pa yung tulog."
"Sorry din Dj."
Napahinto ako sa paglalakad.
"Ram. Gising ka na pala, tumayo ka na dyan para makapag-almusal na tayo."
"Sorry din Dj. Sorry kasi nararamdaman ko to sayo, nakadagdag patuloy ako sa bigat na nararamdaman mo. Pero wag mo na kong alalahanin kaya ko to.Wala ka namang kasalanan sa nangyayari sakin."

BINABASA MO ANG
"JUST SO YOU KNOW" (Love Me Instead 2)
Short StoryJust so you know This feeling's taking control of me And I can't help it I won't sit around, I can't let her win now Thought you should know I've tried my best to let go of you But I don't want to I just gotta say it all Before I go Just so you know