"Just So You Know (LOVE ME INSTEAD 2): Part 2"

10 1 0
                                    

"Hahahaha. Siguro crush mo ko noh? Kaya ka umiiyak kasi gusto mo kinanta ko noh."

Napatingin ako sa kanya.

Hala! Seryoso ba tong lalaking to sa mga pinagsasabi nya?

Nagkatinginan lang kaming dalawa mga 1min.







"Pfft! Bwhahahahaahaha.."

Di ko alam bigla na lang kaming napatawa.

---*

DJ: Ram? Kasama mo ba si Cam?

Ako: Hindi eh. Baka nasa bahay nila?

DJ: Wala sya dun galing na ko sa bahay nya.

Ako: Baka nasa bahay ng lola nya, nabanggit nya pala sakin nun na namimiss na nya yung lola nya.

DJ: Ah ganun ba, sige. Thanks Ram

Text sakin ni Dj, sa totoo lang kasama ko si Cam at tinataguan ni Cam si Dj.

Binaling ko yung tingin ko sa kaibigan ko na nakayuko at sinisipsip yung binili naming coke float. Mukha syang stress sa totoo lang, papunta nang depress yung itsura nya.

"Hoy! Teh, ano? Magtatago ka na lang ba lagi kay Dj? Hanggang sa makaalis ka ng bansa?"

"Oo." Sagot nya sakin nang hindi tinatantanan yung coke float nya.

"Di mo ba napapansin na nahihirapan na si Dj katulad ng di mo pagpansin na masisipsip mo na rin yung cup ng coke float"
Wala na kasing laman yung cup ng coke float nya sinisipsip parin nya kanina pa.

"Ram, baka kasi magbago isip ko sa pagpunta sa london pag nakita ko pa si Dj ngayun. Baka di ko kayanin."

"Oh! Iiyak ka na naman." Tumayo ako para yakapin sya.

"Bakit di mo pagbigyan yung mga sarili nyo? Kahit isang araw lang, magbonding kayo ni Dj at subukan mong sabihin sa kanya."

"Miss na miss ko na sya Ram."

Nasasaktan ako di ko na alam kung bakit? O kung para saan yung sakit na nararamdaman ko ngayun. Nasasaktan ako kasi nahihirapan yung bestfriend ko. Nasasaktan ako kasi nangungulila yung taong mahal ko sa taong mahal nya. Nasasaktan ako kasi napapagitnaan ako sa sitwasyon ng bestfriend ko at ng taong gustong gusto ko.

CAM's POV

107 Text messages
56 missed calls
213 unread messages sa messenger

Ayan ang bumungad sakin ng i-off ko ang airplane mode ng cellphone ko pagkauwi ko sa bahay.

Dj bakit mo bang ginagawang mahirap para sakin to, sobrang hirap mong iwanan.

"Hello? Cam?!! Gosh Cam. Alam mo ba kung gano ako nag aalala? Miss na miss na kita magpakita ka naman sakin? Galit ka ba sakin? May nasabi ba kong mali? Promise di na kita kukulitin kung busy ka sa org mo o kahit na saan. Please Cam magpakita ka na, Cam." Umiiyak sya, ramdam ko sa boses nya na hirap na hirap na sya sa sitwasyon nya ngayun. Ako din.

"Dj, magkita tayo bukas."

"Osige Cam. I miss you and I love you."

Inoff ko na yung call.

"I miss you too and I love you too Dj. Sana di ko na lang kailangan iwan ka."

Ako: Sa may water garden na lang tayo magkita.

Chat ko kay Dj at agad naman syang nagreply

DJ: Okay my loves. I'll be there before 11am.

Ako: okay.

"JUST SO YOU KNOW" (Love Me Instead 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon