"Just So You Know (LOVE ME INSTEAD 2): Part 4"

10 1 0
                                    


RAM's POV

Pagkaalis ni Dj para bumili ng ice cream dun muli tumulo yung luha ko. Ang hirap ng ganito, bakit ko ba to pinasok? Bakit ba ako nandito?

"Ram. Parehas na chocolate yung binili ko, diba gusto mo ng chocolate?"

"Ahh. Oo salamat ahh."

"Welcome!"

"Ram, may tanong ako sayo."

"Ano?"

"Bakit July yung nutrition month?"

"Huh? Di ko alam? Bat ko naman iisipin pa yun?"

"Tanungin mo na lang ako kung bakit."

"Hahahaha! May joke ka noh?"

"Tsk! Panira ka ng joke, alam mo yun?"

"Hahahaha! Ang cute mo."

"Tsk. -.-"

"Osige na. Bakit ba July?"

"Kasi.."

"Kasi??"

"Kasi July yung tagalog ng vegetables."













"ANG KORNI KORNI MO!" Bigla ko syang nabatukan.

"Aray! Hahahahaha! Ram ang slow slow mo! Hahahaha."

"Sorry hahaha. Nabatukan tuloy kita, sobrang korni mo kasi."

"Oy! Slow ka lang talaga ahahaha."

"Hahaha. Alam mo Dj, naiinis ako sa sarili ko."

"Huh? Bakit?"

"Kasi pinangako ko sa sarili ko na papasayahin kita. Pero mukhang ako yung lagi mong napapasaya."

"Nakakaflattered ka naman. Napapasaya mo naman ako eh, masaya akong lagi kang andyan para sakin"

"Psh! Wala ka namang choice ako na lang yung andito. Hahaha."

"Oo nga eh."

"Ay talaga namang sinang-ayunan mo ko eh noh."

"Hahaha!" Inakbayan nya ko saka ginulo gulo yung buhok ko. "Joke lang syempre"

"Oy! Yung buhok koooo."











Time flies at nakagraduate na si Dj, pagkatapos naman ng isang taon sunod na kong nakagraduate. At ngayun sa isang companya pa kami nakapagtrabaho, parehas kasi kaming kinuha ng company na pinag-intern-an namin. Nanatili kaming magkaibigan ni Dj at si Cam? Di ko na alam, wala na kong communication sa kanya. Ewan ko? Nag iba sya ng number at inactive yung fb account nya, wala na kaming balita sa kanya.

"Ram!"

"Aysusmaryosep!"

"Hahaha! Ano ba Ram, bawas bawasan ang kape ah. Haha"

"Ikaw naman kasi bigla bigla ka na lang lumilitaw dyan."

"Hahaha! Tumayo ka na dyan, mag out na tayo. Masyado mo namang ginagalingan sa trabaho eh."

"Wait lang sesave ko lang yung gawa ko."

"Tara naa."

"Wait lang ba! Bat ba madaling madali ka?"

"May papakita kasi ako sayo. Naeexcite lang ako."

"Ano ba yun? Mukhang excited na excited ka?" Pinasok ko na sa loob ng bag ko ang iba kong mga gamit.

"Bastaa."




"Dj? Ano to?" Merun kasi akong nakitang upuan tapos may gitara, dito sa rooftop ng building namin.
Pinaupo nya ko sa may upuan na di kalayuan nung isang upuan.
Nginitian nya ako, pumunta sya dun sa upuan at kinuha yung gitara.

"JUST SO YOU KNOW" (Love Me Instead 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon