PART 7
AMBER POV
This is it! Ang first Day ko sa kompanyang 'to.
Nang makarating ako sa Floor kung san naroroon ang opisina ng may-ari at ang katabing opisina nito na kay Von ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang tao.
Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang saktong alas-otso na pero ni yung sekretarya na papalitan ko at magtuturo sakin ng gagawin wala pa din dito.
Naupo muna ko sa living room ng floor na 'to.
Medyo kinakabahan ako, pano kung hindi ko kayanin ang trabaho? Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili.
After 15 mins. dumating yung sekretarya na papalitan ko. At unang kita pa lang nito sakin pinagtaasan na ako nito ng kilay.
Napatingin naman ako sa suot nito. Naka-miniskirt siya at shirt na pinatungan nito ng coat medyo visible ang cleavage nito na mukhang sinadya niyang ilantad.
Samantalang ako naman ay nakasuot ng White Blouse na half sleeve at skirt na umabot naman sa taas ng tunod ko. In-short naka-formal ako.
May mga sinabi lang si Lavina, pangalan nung sekretarya, na ilang mga mahahalagang bagay, mga do's and don'ts kungbaga. Tapos ipinakita niya sakin yung mga dapat gawin.
Hindi naman ganun kadaming trabaho ang hahawakan ko dahil lahat lang ng may kinalaman sa Boss ko na si Von Gerard ang aasikasuhin ko. Siya lang ang ihahandle ko. At dahil rin hindi pa ganap na Chairman ng kumpanya si Von kaya hindi pa ganun kalawak ang mga ginagampanan nito kaya hindi parin ganun karami ang dapat kong asikasuhin.
Nung matapos ng magpaliwanag si Lavina bigla na lang ako nitong inismiran at naglakad na paalis.
Hays. Mukhang alam ko na kung bakit ito pinalitan ni Von.
Naupo na ko sa bagong mesa ko. Naka-curve na parang letter L ang mesang kinauupuan ko. Malapit lang ang desk ko sa pinto ng opisina ni Von. Ang speaking of my Boss wala parin ito.
Nang tingnan ko ulit ang relo ko ay Alas-nwebe na. Bigla namang nag-ring ang telepono at agad ko naman itong sinagot.
"The Chairman is here" Anang babae sa kanilang linya.
Medyo nagulat naman ako. "O-ok. Thank You" Pagkababa ko ng telepono lalong nadagdagan ang kaba ko. Shet! Andito na ang may-ari.
Panay ang tingin ko sa Elevator, kinakabahan ako kapag nakaharap ko na ito.
*TING*
Bigla akong napatingin sa Elevator ng bumukas na ito, agad naman din akong tumayo nang makita ang lulan nito.
Alam kong ito ang Chairman ng kumpaniya dahil may naka-display na larawan nito sa floor na kinaroroonan ko. May kasamang isang lalaki ang Chairman mukhang ito ang sekretarya niya.
Nagdiretso ito palapit sakin at nginitian ko naman ito at binati. "Good Morning Sir"
Tinanguan lang naman ako nito. "Where is Von Gerard?"
"He is not yet here, Sir" Magalang kong sagot dito.
"Philip, anong oras na?" baling ng Chairman sa kasama nito.
"9:30, Chairman" Maikling sagot nung lalaki.
Mabilis namang kinuha ng Chairman ang telepono nito at mukhang may tinawagan. Umalis na naman kaagad ang mga ito sa harapan ko at nagdiretso sa opisina nila.
Maya-maya makalipas ang ilang minuto lang ay tumunog ang telepono ko. Hindi pa ako nakakasagot nang sumigaw na kaagad ang nasa kabilang linya.
"DAMN IT LAVINA! WHY THE HELL YOU HAVEN'T CALLED ME!" anang Boss ko na mukhang galit na galit.
"Sir, This is Amber" Mahinang bigkas ko, nabigla ako sa pagsigaw nito. Wala namang agad itong nasabi, hindi ata nito inaasahan na ako na ang sasagot ng telepono.
Pakinig ko ang makailang paghinga nito ng malalim "Ok Sweetheart." He paused "Supposedly you have to call me first thing in the morning when you came in the Office and call me if the Chairman came even if I'm in the office or not" Kalmado nang pahayag nito. Tumigil ito sandali at bahagya pang napatawa. "See you when I get there" pahayag nito at namatay na ang linya ng telepono.
At dahil dun sa mga sinabi niya. Hindi ako mapakali, anong gagawin ko kapag nagkita na ulit kami. Tsk. Aish, gusto kong mainis.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitingin ng mga files na hahawakan ko at tinandaan ang mga dapat kong gawin.
Sinagot ko ang tawag ng tumunog na ulit ang telepono ko. Nakita ko na tawag ito para kay Von na nag-transfer lang sakin.
"Good Morning. Amber, speaking" sabi ko.
"Where's Von?" Anang lalaki sa kabilang linya.
"He's not yet here Sir. May I know who's on the line?" sabi ko pa.
"It's Clyde. Bye" Tapos bigla na lang namatay ang linya. K. Fine!
Napa-angat naman ng ulo si Amber ng may maamoy siyang pamangong panlalaki. At nakita niya si Von na pansamantalang inaayos ang buhok habang papalapit sa kanya. Hindi man lang niya napakinig ang pagbukas ng elevator ng dumating ito.
Ikiniling ni Von ang ulo at binati ito. "Good Morning Sweetheart". Magulo parin ang ayos ng buhok ng lalaki. Nakasuot ito ng coat na hindi nakabotones na may pang-ilalim na gray v-neck shirt at naka black pants.
"Good Morning Sir" Bati ditong pabalik ni Amber at salubong sa tingin nito ng makalapit na ito sa mesa niya. Napaka-presko ng dating nito.
Umiwas naman ng tingin si Amber. "Just call me Amber" Medyo nakatungong sabi niya pero ibinalik din ng tingin sa mukha ng binata.
"And I don't want to" sagot agad ni Von at inilagay nito ang dalawang kamay sa mesa ni Amber and lean on her desk. Dahilan para maintimidate si Amber sa presensiya nito at mapasandal sa upuan niya.
Diretso lang nakatingin sa kanya si Von at ang buong tingin nito ay sa mukha niya na parang kinakabisado ang buong parte ng kanyang mukha.
"S-S-Sir, Mr. Clyde called" Niilang at pautal-utal na sabi ng dalaga.
Napakunot naman ang nuo ni Von at mukhang may iniisip. Nakamasid lang si Amber dito at tiningnang mabuti ang binata.
"Tsk. I forgot" sambit ni Von nang mukhang napagtanto na kung bakit siya tinatawagan nito. Hindi parin ito umaalis sa pagkaka-pwesto sa harap ng desk ni Amber, he's still leaning on her desk kaya naman amoy na amoy niya ang pabango ng dalaga.
"... So..." Nakangising bigkas ni Von, nang may tumikhm sa likuran nito, ang Chairman.
Napapikit ng mata si Von na parang nahuli sa akto at bigla na lang kinuha ang isang folder sa desk ni Amber "Ok. I'm going to review this report" bagkus ay sabi nito. Pero bago ito tuluyang makapasok sa opisina nito ay pasipleng kininditan pa nito si Amber.
Lumapit naman din ang Chairman sa gawi ni Amber at pasimple lang sinulyapan ang dalaga at sumunod na kay Von papasok sa opisina nito.
Hindi parin mawala ang tingin ni Amber sa pintuan at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan.
She really have to deal with him.
VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO
BINABASA MO ANG
*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]
Любовные романы[ Highest Rank Achieved #9 in Flirt ] When Von Gerard Carson thought he can have everything he wants that's when Amber Rodrigues prove him wrong. The chase begins when he met her and Von couldn't afford to let her off his hook. Will he succeed in ge...