Prologue

120 9 11
                                    


"In the last century, several have been recorded. Many of them have taken place in Wisconsin, where the are believed to have begun.

As myth's greatest monsters are able to do, the werewolf legend has spread across borders, even across seas and oceans. Vicious animal attacks have been reported for centuries, yet during the day no one can find a trace of the creatures responsible. Those who study mythology have long known that few creatures have the power, speed, and mindless slaughtering propensity the way that werewolves do."

Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang aking kaarawan, dalawang buwan na ako sa aking pinapasukang trabaho, day-off ko ngayon kaya naman naupo ako sa ilalim ng puno dito sa kagubatan malapit sa aking tinitirihan at basahin ang hiniram kong libro sa aklatan.

Napag-isipan kong basahin ang libro tungkol sa mga taong-lobo dahil napapadalas ang panaginip ko ngayon ng mga bagay-bagay na hindi ko maipaliwanag. Nagsimula ito ng magising ako isang umaga nung dalawang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko makuha ang ibig na ipinahihiwatig nito saken na, mga bagay-bagay na talaga namang mahirap intidihin.

Ngunit hindi pa man ako nakakapagpatuloy sa aking ginagawa ay napatigil na ako sa pagbabasa ng may baritonong boses ang tumikhim sa aking tagiliran. Dahan-dahan kong isinarado ang binabasa na libro.

. "So... you're interested in werewolf, huh?"

Ganun na lamang ang pagka-kunot ng aking noo sa narinig kong tanong nya. 'Ano naman ang kanyang pakialam?'Pero dahil hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari ng malaking boses na yun kaya marahan ko itong nilingon.

Gulat man ay hindi ko ito nagawang ipakita sa dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon. Maganda ang pagkakangiti nila sakin. Bagay na mas lalong aking ikinagulat, sakanya ko lamang nakita ang ganyang ngiti. Nagsalitan ako ng pagtingin sakanila. Sino ba sila? Nakikita ko sakanila ang .... PAGKASABIK?

"MATE! MINE!"

Rinig kong sabi ng isa sa kanila, hindi ko na nagawang itago ang aking pagka-gulat sapagkat alam ko kung ano ang tinutukoy nya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso na para bang ako'y nasasabik at kinakabahan.

"Hahahahaha"

Tawa ng lalaking may baritonong boses. Nilingon ko ang kasama nito at mas lalo kong ikinagulat na makita ko ang mga mata nito. Titig na titig saken ang kanyang ...pulang mata? Huh?

"Alpha!! Huminahon ka baka matakot mo ang Luna!" natatawang awat ng kasama nya.

'Alpha? Luna?'

Sukat dun ay bigla akong napatayo. Hindi ko man maialis ang aking pagtitig sa kulay apoy nyang mata hindi ko na pinansin ang mga nagkadahulog hulog na librong hawak ko. Wala na akong pakielam.

'Alam kong kinahuhumalingan ko ngayon ang taong-lobo , pero...'

Inialis ko ang paningin ko sakanya at salitan na tumitig ako sakanila at ganun din ang ginawa nila saken. Napapaisip ako. Hmmm? Hindi kaya...

Napahinga ako ng malalim ng may mabuong pangungusap sa utak ko. 'Pinagtitripan nila akoooo!!!' Sinulyapan ko silang dalawa ngunit bakas sa mukha nila ang pagiging sinsero. Sinsero saan?

Malungkot akong natawa sa aking sarili. Werewolves. Sa nabasa kong libro ang taong lobo ay isa sa mga nilalang na masarap daw magmahal. Hinding hindi ka nila sasaktan. Possessive. Mamahalin ka nila ng ikaw lang habang buhay. Hindi nila kakayanin na mabuhay mag-isa oras na matangpuan na nila ang kapareha na itinakda para sakanila.

Totoo kaya iyon?

Matagal na akong nagdadasal na makakita ng taong mamahalin ako at hindi ako pagtatabuyan na parang basura lang. Yung taong ipapakita at ipaparamdam saken na kahit nasa loob ako ng espasyong ito kaya ko din maging masaya at magmahal. Na pwede din akong mabuhay na hindi nasasaktan. Pero mukhang malabo kong maramdaman iyon.

Ngumiti ako sa kanila. Ngiting alam kong ngayon ko lang naibigay sa tao. I give them the smile I want to give to my family, friends, and all the people who did nothing but hurt me. Ngiting kalakip ay hindi kasiyahan ngunit puno ng kalungkutan.

Nakita kong kung pano lumambot ang mga mukha nila, especially the guy who have red eyes, but now its hazel brown eyes.

'Amazing'

"Luna..."

Mahina lang yun pero rinig na rinig ko. Tila ba nasasaktan sya sa dahilang hindi ko alam. Nakakapagtaka. Wala akong maintindihan dahil wala naman silang sinsabi at nagtititigan lang kami. Mukha na kaming mga baliw. Kaya ako na bumasag sa katahimikan na bumabalot samen.

"M-magandang umaga. Ako si Cyril. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

Howling to my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon