Chapter Six

20 1 0
                                    

Parents

Creed Callum LaVena

Isang linggo na simula ng sunduin ko si Cyril. Madalas ko syang kasama pero dahil naninibago pa sya hinahayaan ko na makasama ang iba sa pack.

Madalas ko syang pagmasdan mula sa malayo pag hindi kami magkasama at batid ko ang lungkot sa kanyan mga mata pag pinagmamasdan nya ang nasa paligid nya. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang kanyang dinanas na hirap mula sa kanyang tiyahin at pinsan na itinuring nyang tunay na nanay at kapatid. Na-isip ko na baka gusto nyang makilala ang kanyang mga magulang kaya naman tinanong ko sya tungkol dito ngunit hindi ko inaasahan ang magiging sagot nya sa pangalan ng kanyang magulang.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok ng paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang sagot ni Cyril sa akin kanina.

Maghahapunan na kaya naman naisipan namin na bumaba at tulungan ang sila sa paghanda ng maisipan ko ang dapat kong itanong sa aking mate. Isang linggo na sya dito kasama namin pero hindi ko pa nabubuksan ang topic ng huli ko syang makausap ng masinsinan: kung bakit alam nyang may Cannies ako? At kung bakit hindi man lang sya natakot nung malaman nya na isa kaming werewolves? Heto at bibigyan ko na naman ang aking sarili na mabigat na katanungan.

Kumakain kami ng sabay-sabay at tahimik. Tahimik dahil mukhang malalim ang iniisip ng aking Mate. Nakakunot pa ang kanyang noo. Hindi ko muna sya pinansin at pinagpatuloy ang aking pagkaen mukhng ganun din naman ang naisip ng kasama namin sa hapag.

"Baby! Gusto mo bang ipahanap natin ang mga magulang mo?" tanong ko bigla sakanya pagkatapos namin maghapunan. Ilang linggo na syang nakatira dito sa Shadow Pack at mukhang nasasanay na sya dito.

Napahinto sya sa ginagawa nya at dali daling lumapit saken. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa ginagawa nyang pagyugyug sa dalawang balikat ko.

"Really Creed?" nanlalakeng mata na tanong nya saken para bang hindi kapanipaniwala ang itinanong ko sakanya.

Ngumiti ako sakanya at saka marahan na tumango. "Yes Baby." Inakbayan ko sya at iginaya papalabas ng kwarto namin. "Mukhang kanina mo pa sila iniisip. So tell me, What is your parents name? para mapahanap na natin kay Flare" I smiled again to her while I sweetly pinch her cute nose.

"Cyrus and Ethril Auclair"

Malakas na katok ang nakapag balik sa kasalukuyan. Mukhang kanina pa nga ako tulala dahil hindi ko inaasahan ito. Napabutong hininga ako at tumingin sa nakasaradong pinto.

'Pumasok ka Flare.'

Utos ko sa taong kanina pa kumakatok. Nakakunoot noo sya ng pumasok sa kwarto na aking ikinataka. Ano naman kaya ang problema nito maliban sa sasabihin ko?

Umupo sya sa bakanteng upuan sa harapan ko at tinititigan ako as in titig na titig sakin. Sumandal ako sa aking upuan at napailig na lang. Malakas na ang tama ng isang ito.

"Nasan ang Luna, Creed?" kunot noo nyang inilibot ang paningin sa loob ng silid habang nagtatanong .

"Kasama ni Zen sa Training Ground"

Lalong kumunot ang noo nya. Ano ba talaga problema nito? May masama bang nangyari sa Luna ko? Napatuwid ako ng upo at tinitigan sya ng masama.

"Did something bad happen to my Mate?" kinakabahan man ay hindi ko pinahalata sa halip ay matigas kong tanong sakanya.

He shook his head and sighes. Yumuko sya at umiling ulit ng mas matagal.


"Ang akala ko andito ang Luna kaya kumatok muna ako....'' Paninimula nya. "Hindi ka sumasagot kaya akala ko may g-ginagawa kayong alam muna..."

Howling to my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon