Chapter Five

21 2 0
                                    

My Husband

Cyril Auclair

Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Creed. Umuwi muna ako dito sa bahay ko pagkatapos nya pumayag na bigyan ako ng ilang araw para i-settle down ang dapat kong ayusin sa trabaho ko. Gusto nya kaseng magresign na ako sa trabaho ko. At sa tatlong araw kong andito sa bahay ko, hindi ko pa naaayos ang aking resignation at gamit.

Ang gusto nya din kase ay ilipat ko na ang gamit ko sa bahay nya, hindi na naman ako umangal dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko din ang ideyang iyon.

Hindi ko pa din nababanggit ang tungkol kay Creed kay Ana. Hindi ko kase sya napagkikita nitong mga araw.

Inaayos ko ang lukot sa aking damit at kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. Sanchez at marahan iyong binuksan. Ngayon ko kase ipapasa ang aking resignation letter ko.

''Sire... " tawag pansin ko sakanya kasabay ng pagbaba ko ng aking liham sa harapan nya. Kinuha nya ito at binasa.

Matandang binata ang aking kaharap. Kung minsan ay nahuhuli ko syang lageng nakatigtig saken pakiramdam ko kinikilabutan ako. Iba ang klase ng kanyang pagkakatitig, na para bang ako'y kanyang hinuhubaran. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang usap-usapan dito sa opisina tungkol sa mga kahalayang ginagawa nya sa mga empleyado nya. Kaya hangga't kaya kong hindi pumunta punta dito sa opisina nya ay ginagawa ko. Maliban na lang sa mga oras na ito, kailangan kong personal na iabot sa kanya ito nakakahiya kung hindi man lang ako haharap sakanya gayong kaibagan sya ni Ana.

Nang matapos nya itong basahin ay marahan nya itong ibinaba sa lamesa. Pinagsalikop nya ang mga kamay at Itinukod nya ang kanyang mga siko sa lamesa.

"So... bakit ka nga aalis Ms.Auclair?" nakangiting tanong nya. Ang mga mata nya ay nakatigtig saken.

Naiilang man ako sa klase ng kanyang pagkakatingin ay nilabanan ko ito. Nasabihan na ako ni Creed dito. Kilala nya si Mr.Sanchez, hindi daw ako basta basat makakaalis ng ganung kadali sa poder nito pwera na lang daw kung sasabihin ko na ------

"Creed Callum LaVena wants me out."

Napansin kong natigilan sya sa sinabi ko. Mukhang epektibo nga ang dahilan ko. Napabuntong hininga sya at lumakad sa harapan ko.

"Why Creed wants you out?"

Napakunot noo ko. Bakit ba ang tanong naman nito? Tinitigan ko sya sa mata at ngumiti.

'Tell him i'am your husband baby.'

"Creed is my husband. That's why, Sire"

Yumuko ako sakanya bilang paggalang at tumalikod na. Now, now... my only problem is pano ko sasabihin kay Ana.

Pang-apat na araw na simula ng humingi ako ng panahon kay Creed. Napakalungkot ko sa nagdaang araw na iyon. Namimiss ko si Creed ... si Zen at si Flare. Napabuntong hininga ako at itinuloy ko na ang pag-aayos ng aking mga dadalihin. Bukas Ay susunduin na ako ni Creed pero hindi ko pa din nakikita si Ana. Ano na kayang nangyari dun? Ganun talaga si Ana, madalang magpakita sa akin at madalas ay tumatawag lang sa Cellphone ang galing nya lang tumayming na wag magparamdam kung kelan kailangan ko ng umalis. Gustuhin ko man syang tawagan pero mahigpit nyang bilin saken na wag na wag akong tatawag sakanya, hayaan ko daw na sya ang tumawag saken.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay naghanda na akong matulog. Maagang dadating si Creed. Creed... Creed... Creed... banggit ko sa pangalan nya habang bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

'Yes, Baby?'

"Holy Cheesecake!!!" mura ko kasabay ng pag-ahon ko sa ibabaw ng higaan. Napalingon lingon ako sa loob ng aking silid na para bang may hinahanap.

'Why are you calling me Baby? Is something bad happen? I can feel you're scared'

Hindi ko imaginations yun. Talagang naririnig ko sya sa isip ko. What was that?

'Baby?'

'Hey, Cyril. Baby, what happen? Pupuntahan na kita dyan'

Did he just talk right thru my mind? Didn't he? O nababaliw lang ako? Pero nagsalita talaga sya. Do werewolves can mindlink even they haven't mated yet? O minarkahan nya ako ng hindi ko alam ?

Mabilis kong kinapa ang aking leeg. Wala naman akong makapa na kung a-----

'I'm going there'

"Holy Fuc----."

"No cussing, Please Baby."

Napatili ako ng biglang may nagsalita sa aking tabi.

"It's me Cyril. Your Creed"

Dahan dahan akong napalingon sa katabi ko at nanlalaki ang aking mata habang tinuturo ko ang kanyang mukha.

"Oh... Ohh... Daebak" namamangha kong bulaslas. Wala pang isang minuto at nasa harapan ko na sya. Nakakamangha talaga sila.

Napansin kong kumunot ang kanyang noo.

"Daebak?" naguguluhang tanong nya.

Para naman akong nagising at pipikit pikit pang umiiling. Dahan dahan na akong humiga ulit. Inaantok na talaga ako. Tutulog na si Cyril...

ZzZzZz-----

***

Shijay: Typo & Errors? I'm Sorry

Please Vote and Comment.

Unedited pa po yan..

Minadali ko lng at alam kong maikli lang ito.

Pero Thank you pa din sa time nyo

At binasa nyo ito.

Cdg

Howling to my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon