Chapter One

60 8 4
                                    

Voices

Cyril Auclair

'Come home Baby ... '

'Sumama ka na saken Princess..'

'Luna.. '

'Hindi ka namin pababayaan Luna...'

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng makarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na katok mula sa pinto ng aking kwarto. Tinitigan ko lamang ang nakasaradong kahoy na pinto kasabay nun ay ang napakalas na pag sigaw ng akong Tiyahin.

"HOY! CYRIL! ABA TANGHALI NA!! BUMANGON KA NA DYAN AT IPAGLUTO MO KAME NG MAKAKAEN! WALA KA TALAGANG SILBI!!!!!"

Walang silbe...

Araw-araw iyan ang aking naririnig sa aking mga kinalakihang Ina at kapatid. Tiyahin at pinsan ko sila ngunit tinuring ko silang Ina at kapatid.

Lumingon ako sa orasan na nasa aking kwarto at napabuntong hininga ng makitang pasado alas nueve na pala ng umaga. Napabuntong hininga ako at wala sa sariling napailing. Ano ba ang bago? Araw-araw napakabigat ng aking dalahin.

Pagod akong tumayo sa aking higaan at lumapit sa aking white cockatoo na nakatayo sakanyang wooden stand at nagmamasid lang sa isang sulok ng aking silid. Halos wala pang dalawang oras ang aking tulog dahil may iniutos sakin ang aking tiyahen na inabot na ng umaga ng ako'y matapos.

"Hey Good Morning Reese. Time na para magluto. Samahan mo ko ha?"

'Sama .. sama' gaya nito saken

Kinuha ko sya at inilagay sa aking balikat. Matagal ko ng alaga si Reese. Walong taon ako nung ibigay ito saken ng mag-asawang nakilala ko nuon ngunit hindi ko matandaan ang mukha. Isang Uri ng White Parrot si Reese. Medium size lang sya. Sa kanya ako nagsasabi ng mga hinanakit ko sa buhay. Sya ang kasakasama ko sa lahat ng bagay.

"HOY !! LUMABAS KA NA DYAN AT MAGTRABAHO KA DITO SA BAHAY"

Napabuntong hininga na naman ako sa sigaw ni Tiya. Wala naman akong magagawa kundi sundin sila dahil sabi nga nila palamunin lang ako at walang silbe. Kahit na minamaltrato nila ako, ayos lang saken. Magulang at kapatid na ang turing ko sa kanila.

Lumabas na ako ng silid ko at dederetso na sana sa kusina para sana magluto na ngunit hindi pa ako nakakatungtong sa hagdan ay hinarang na ako ni Antonyeta.

"Labhan mo nga yan" utos nya saken sabay abot ng mga damit nito.

Nakatangang pinagmasdan ko ang inaabot nya saaken? 'seriously? Lalabhan ko yan? Punong puno yung laundry basket na inaabot nya' okey sana kung isang piraso lang ba. Wala naman syang ibang ginagawa bakit hindi na lamang sya ang maglaba ng damit nya?

'Anak, ang prinsesa ko... mahal na mahal kita'

Nakarinig na naman ako ng boses. Nagpalinnga-linga ako sa paligid ko at nagtagpuan ko ang paligid na walang tao maliban sa kaharap ko.

Malambing ang boses na narinig ko at nagmumula ito sa babae. Pakiramdam ko gumaan ang aking dibdib sa narinig. Hindi ko man sya kilala pero nakakagaan ang loob ang boses na yun na hindi ko alam kung alaala ko ba iyon na nawawala o isa lamang iyon sa mga imahinasyon ko na pilit kong ginawa para hindi ko maramdaman ang kalungkutang nararamdaman ko.

Ngumiti ako sa kaharap ko. Ngunit tinaasan lang nya ako ng kilay at pilit na iniaabot sa akin ang mga labahang damit.

"Kunin mo na!! gusto ko bukas tuyo na yan ha!!! Ayusin mo paglalaba mo, mahal lahat yan!" bilin nya saken habang pilit na iniaabot saken yung mga labahan.

Howling to my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon