Chapter Two

52 8 7
                                    

Cannies

"In the last century, several have been recorded. Many of them have taken place in Wisconsin, where the are believed to have begun.

As myth's greatest monsters are able to do, the werewolf legend has spread across borders, even across seas and oceans. Vicious animal attacks have been reported for centuries, yet during the day no one can find a trace of the creatures responsible. Those who study mythology have long known that few creatures have the power, speed, and mindless slaughtering propensity the way that werewolves do."

Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang aking kaarawan, dalawang buwan na ako sa aking pinapasukang trabaho, day-off ko ngayon kaya naman naupo ako sa ilalim ng puno dito sa kagubatan malapit sa aking tinitirihan at basahin ang hiniram kong libro sa aklatan.

Wala na ako sa poder ng aking Ina. Umalis ako sa lugar na iyon pagkatapos nilang pagtangkaan ang aking buhay sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at mas lalong lumala ang masamang pagtrato nila saken. Kaya napilitan si Anna na kunin ako pagkatpos kong ma Comatose ng isang buwan. Yes, na Comatose ko pagkatpos nila akong maihulog sa hagdan ng aming bahay. Laking pasalamat ko at ni Anna na nagising agad ako.

Nakatira ako ngayon sa.. ewan ko kung saang lupalop ako dinala ni Anna. Maganda dito at malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko kaya ayos lang din.

Napag-isipan kong basahin ang libro tungkol sa mga taong-lobo dahil napapadalas ang panaginip ko ngayon ng mga bagay-bagay na hindi ko maipaliwanag. Nagsimula ito ng magising ako isang umaga nung dalawang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko makuha ang ibig na ipinahihiwatig nito saken na, mga bagay-bagay na talaga namang mahirap intidihin.

Ngunit hindi pa man ako nakakapagpatuloy sa aking ginagawa ay napatigil na ako sa pagbabasa ng may baritonong boses ang tumikhim sa aking tagiliran. Dahan-dahan kong isinarado ang binabasa na libro.

. "So... you're interested in werewolf, huh?"

Ganun na lamang ang pagka-kunot ng aking noo sa narinig kong tanong nya. 'Ano naman ang kanyang pakialam?'Pero dahil hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari ng malaking boses na yun kaya marahan ko itong nilingon.

Gulat man ay hindi ko ito nagawang ipakita sa dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon. Maganda ang pagkakangiti nila sakin. Bagay na mas lalong aking ikinagulat, sakanya ko lamang nakita ang ganyang ngiti. Nagsalitan ako ng pagtingin sakanila. Sino ba sila? Nakikita ko sakanila ang .... PAGKASABIK?

"MATE! MINE!"

Rinig kong sabi ng isa sa kanila, hindi ko na nagawang itago ang aking pagka-gulat sapagkat alam ko kung ano ang tinutukoy nya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso na para bang ako'y nasasabik at kinakabahan.

"Hahahahaha"

Tawa ng lalaking may baritonong boses. Nilingon ko ang kasama nito at mas lalo kong ikinagulat na makita ko ang mga mata nito. Titig na titig saken ang kanyang ...pulang mata? Huh?

"Alpha!! Huminahon ka baka matakot mo ang Luna!" natatawang awat nya sa kasama.

'Alpha? Luna?'

Sukat dun ay bigla akong napatayo. Hindi ko na pinansin ang mga nagkadahulog hulog na librong hawak ko.

'alam kong kinahuhumalingan ko ngayon ang werewolves, pero...'

Tumitig ako sakanila at ganun din ang ginawa nila saken. Napapaisip ako. Hmmm? Hindi kaya...

Napahinga ako ng malalim ng may mabuong pangungusap sa utak ko. 'Pinagtitripan nila akoooo!!!' Sinulyapan ko silang dalawa ngunit bakas sa mukha nila ang pagiging sinsero. Sinsero saan?

Malungkot akong natawa sa aking sarili. Werewolves. Sa nabasa kong libro ang taong lobo ay isa sa mga nilalang na masarap daw magmahal. Hinding hindi ka nila sasaktan. Possessive. Mamahalin ka nila ng ikaw lang habang buhay. Totoo kaya iyon?

Matagal na akong nagdadasal na makakita ng taong mamahalin ako at hindi ako pagtatabuyan na parang basura lang. Yung taong ipapakita at ipaparamdam saken na kahit nasa loob ako ng espasyong ito kaya ko din maging masaya at magmahal. Na pwede din akong mabuhay na hindi nasasaktan. Pero mukhang malabo kong maramdaman iyon.

Ngumiti ako sa kanila. Ngiting alam kong ngayon ko lang naibigay sa tao. I give them the smile I want to give to my family, friends, and all the people who did nothing but hurt me. Nakita kong kung pano lumambot ang mga mukha nila, especially the guy who have red eyes, but now its hazel brown eyes.

'Amazing'

"Luna..."

Mahina lang yun pero rinig na rinig ko. Tila ba nasasaktan sya sa dahilang hindi ko alam. Nakakapagtaka. Wala akong maintindihan dahil wala naman silang sinsabi at nagtititigan lang kami. Mukha na kaming mga baliw. Kaya ako na bumasag sa katahimikan na bumabalot samen.

"M-magandang umaga. Ako si Cyril. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Bati at pakilala ko sa dalawang nag gagwapuhang lalake sa aking harapan.

"Ah hehe wala naman ... napadaan lang kame" kakamot kamot na sagot nung isa "t-tas nakita ka namin na nagbabasa t-tungkol sa ..s-sa w-wer.. w-werewolves"

Napataas ang kilay ko. "Ookay" sagot ko na lang. Tahimik pa din ang kasama nitong lalake at nakatigtig lang saken. May mga Itsura sila hahaha Uo gwapo sila lalo na yung lalaking kanina pa titig na titig saken para silang mga Kpop Idols.

Umupo na lang ulit ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Kung ganung wala naman pala silang kailangan saken eh ano pa ba ang ginagawa nila sa harapan ko? Muka lang silang tanga sa harap ko.

Flare Nephraim POV

Kung ganung wala naman pala silang kailangan saken eh ano pa ba ang ginagawa nila sa harapan ko? Muka lang silang tanga sa harap ko.

'A-alpha?? T-tama ba ang narinig ko??? Narinig ko ang boses ng dalaga na ito .. sa aking i-isipan.. A-alpha Creed, narinig ko sya diba? Diba? Diba?'

Mindlink ko sa aking Alpha. Holyshit! Napamura at nanlake na lang ang mata ko ng makita kong ngumisi si Creed. Ganyan sya pag gustong gusto nya ang nangyayari.

"That's my Luna.." Malambing na sambit nya. Na nakangiti pa din.

Nilingon ko ang aking Luna na salubong ang kilay na nakatingin samen. Ano bang problema ni Alpha? Argghh .. napapasabunot na ako sa buhok ko..

"Creed naman.. wag kang----." Magmadali.

Hindi ko na nadugtungan ang aking sasabihin ng biglang lumapit ng SOBRANG lapit si Alpha sa dalagang nakaupo sa ilalim ng puno. Napapalo pa ako sa aking noo ng walang ano-ano umupo sya katabi ni Luna Cyril.

'Alpha naman.. sige na.. sya nga ang ating Luna pero Alpha.. hindi nya pa alam kung, ano tayo' mindlink ko sakanya.

Pero ang takte lang.. grr mukhang walang pakialam ang Alpha at nakukuha pa nitong KULITIN at kausapin si Luna. Ako ang Beta nya. Ako ang Bestfriend nya. Ako ang kanang kamay ni Alpha Creed Callum LaVena ay walang Magawa!!!

"Gusto mo bang sumama saken Cyril?" tanong ni Alpha----

What???? Tinanong nya yan??? Dali dali akong lalapit sana ngunit napahinto ako sa sagot ni Luna..

"Sasama ako kung papakita mo saken yung mga CANNIES mo" nakangiti ngunit seryosong sagot nito.

DITO NA NAGULANTANG ANG AKING KALULUWA NG WALANG PAG AALINLANGAN PINAKITA NGA NI ALPHA ANG KANYANG CANNIES!!!! OH HINDIIII!!!

***

Shijay: Typo & Errors? I'm Sorry

Please Vote and Comment.

Unedited pa po yan..

Minadali ko lng at alam kong maikli lang ito.

Pero Thank you pa din sa time nyo

At binasa nyo ito.

0!F_x

Howling to my HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon