VEN'S POV
Bakit parang pagod na pagod ako?
Hindi pala parang, pagod na pagod na talaga ako. Why am I going through this pain? Why me? I've been kind to so many people.
"Naging mabait naman ako baby diba? Bakit kelangang ako pa ang dumanas ng ganitong sakit? Puso lang naman ang sumasakit sakin diba? Bakit halos buong katawan ko damay?" Para na akong tangang umiiyak dito at kinakausap pa ang isang teddy bear na itinuring ko pang anak. Bumangon ako sa kama at nakaramdam ng hapdi sa aking mga kamay. Siguro ay dahil ito ng pag-attempt ko kaninang maglaslas.
Bzzt bzzt*
One message Received
Raine:
Asan ka? Tara labas tayo. Nasa labas na ako ng bahay niyo.
Sumilip naman ako sa bintana at nakita kong nasa labas nga siya. Sumenyas ako ng sandali lang at dali dali akong nagbihis.
Pumunta kami ni Raine sa isang bar malapit sa aming bahay. Umorder agad ako ng umorder ng inumin. Gusto kong magpakalunod sa alak. Para kahit sa sandaling oras at panahon makalimutan ko man lang ang sakit.
"Ven naman. Hayz." Tanging sinabe na lamang sa akin ni Raine. Hindi na niya binalak na ako'y pigilan kasi kahit gawin niya yon alam niyang di niya ko mapipigilan. Binabantayan niya ako habang ako'y umiinom. Bestfriend.
Kelangan kong magbago.
Siguro nga lahat ng tao nababago ng sakit. Kapag ginago nga talaga siguro nagbabago.
Binato ko na yung baso na ininuman ko at umalis na. Dumiretso ako sa kotse na dala namin ni Raine. Hinintay ko lang makarating si Raine sa kotse.
"Ven naman. Why did you do that? Move on , Ven. Ako na diyan ako mag-da-drive." Aktong lalabas na si Raine ng pinaandar ko ang kotse.
"Ako ang mag-da-driveRaine. Chill ka lang yan." Mahinahon kong sabi sa kanya ngunit halatang nagpapanic si Raine. I won't do anything stupid.
"Ven namaaan! Nakainom ka. Ako na dyan." Halos mawalan na siya ng boses dahil sa kaba. At kinukuha ang manibela ng sasakyan. Pinatitigil.
"Stop it Raine. I know what Im doing. Chill. I won't hurt you. " Pagkasabe ko non parang natauhan si Raine at umayos na lang ng upo. Maya maya pa ay nakarating na kami sa gusto kong puntahan. Sa bahay nina Ron. Bumaba ako ng sasakyan at nagdoorbell agad.
"Sandali lang!" Sigaw ng kilalang kilala kong boses.
Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng gate ay hinawakan ko na agad si Ron. Gusto ko siyang saktan. Sampalin. Suntukin. Gusto ko siyang patayin.
"What are you doing here Ven? Gabing gabi na" Parang concern niyang sabe sakin.
"Don't act like you care Ron." Bakit ang sakit? Masakit palang kausapin ang taong nanakit sayo? Bakit di ko mapigilang umiyak? Ako tong pumunta sa kanya tapos iiyak. Ganto na ba ako kaweak? I hate myself. I hate myself for being weak.
"Look Ven, I'm sorry for using you. Akala ko move on na ako sa kanya Ven. Akala ko kaya ko ng magmahal uli. Pero siya pa rin Ven. Sorry talaga. Wag mong pahirapan ang sarili mo ng dahil sakin Ven." Sabe sakin ni Ron at niyakap ako. Yakap na parang noon lang na sinabe niyang mahal niya ako. Noong sinabe niya happy at contented na siya sakin.
"Sorry rin"
"Sorry dahil minahal kita ng sobra. Sorry kung lahat binigay ko sayo. Sorry kung inakala ko na mamahalin mo rin ako ng tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sorry Ron. Sorry dahil sobra akong na-attach. Sorry dahil akala ko forever na tayo. Kinalimutan kong wala nga palang forever. Sorry sa sobrang pagtitiwala ko sayo. Sorry." Humahagulgol ko ng sabi sa kanya habang inalis ko na ang pagkakayakap niya sakin.
Pinahid ko ang mga luha kong tumutulo at inayos ko ang sarili ko.
"Dahil sa sakit magbabago ako. Ginago niyo ko this time ako naman ang manggagago."
Iniwan ko na siya doon at sumakay na sa sasakyan tsaka umalis. Si Raine? Hayun star strucked sa ginawa ko.
"WAHHH! VEN. IKAW BA YAN? FIERCE MO KANINA BES." Halos mangingiyak ngiyak niyang sabi dahil na rin siguro sa saya. Saya dahil nagawa ko yun kay Ron.
But why am I feeling some guilt in my guts? Why am I regretting that I did it to him?
"WAHHHH. RAINE. WHY AM I FEELING GUILTY? IS HE TURNED OFF? WAHH. WHY DID I DID THAT? WAHHHH! I AM SO SO SO FINISH." Itinigil ko muna ang aking pagmamaneho at iniuntog ang aking ulo sa manibela. Bakit ko nga ba nagawa iyon?
*Plok
"Aw. Bat mo naman ako sinapok Raine?" T___T MAngiyak ngiyak kong sabe sa kanya.
"I thought you've already realized na moving on is the best for you. Hay nako natanga ka lang pala kanina." Nasusurang sabe sakin ni Raine. :3
Nakipagpalit na siya sakin ng upuan at hinatid na din niya ako sa amin. I think galit siya. Hayth. AM I being so selfish na?
Humiga na ako sa kama ko pagkadating na pagkadating ko pa lang sa kwarto. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Lahat ng dinidibdib ko pero wala na akong luhang maiilabas. Gustuhin ko mang umiyak pero wala na talaga said na said na talaga.
**Lumipas ang mga buwan. 5months to be exact.
"Hahay. Eto pa rin ako ngayon. Hanggang ngayon nagmumuk-mok. Life is so unfair. :3 Ako lang yung nagdudusa dito oh. Yung ex mo Ven may gf na. Hay." Bulong ko na lang sa aking sarili ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.
"5months na ang lumipas Ven magmumuk-ka pa rin ba?" Tanong ni Raine habang nakatayo sa may side ng aking kama. Hay. Kung alam mo lang Raine kung gaano ko kagusto magmove on but I just can't.
Akmang magsasalita na naman si Raine sa akin. Yung sermon ba? Kung di ko lang to bestfriend iisipin kong stepmother ko to. :3 Bago pa lang magsalita si Raine inunahan ko na agad siya.
"ANO BA AKO? HINDI KO MAN LANG INISIP SI RAINE NA AKING BESTFRIEND? HINDI KO MAN LANG KINO-CONSIDER NA NASASAKTAN DIN SIYA SA MGA NANGYAYARE SAKIN. LAGI NA LANG BANG IISIPIN KO KUNG MOVE ON NA AKO? WALANG MANGYAYARE SA AKIN KUNG LAGI KO LANG IISIPIN YUN DAPAT GINAGAWA KO DIN IYON. HAY MOVE ON NA KASI DAPAT AKO." Sinabe ko lahat ng dapat ay sasabihin niya. 5 months niya na kasi yang inuulit ulit sa akin kaya nasaulado ko na.
"Oyy. Grabe ka naman Ven. Di naman tatanong ko lang naman kung pupunta ba tayo bukas sa isang event na alam kong mageenjoy ako at ikaw." Sabe niya sa akin with matching sparkling ng eyes. Alam niyo yun? Yung magtatanong kung meron bang gusto determined yung eyes niya? Mahirap mag say ng 'no'
"Uhhm. Err."
"Diba Ven? Punta tayo diba? DIBA?" Nang-gigigil na ni Raine na sabi sakin.
"Ahh. Oo naman. Sure. He-he-he" Papilit ko na lang sinabe.
"So. 8am bukas? Don't be late. Mwa." Pagkasabi niya nun umalis na siya. Hay buhay. :( Balik drama na naman ba ako?
Dear Diary,
5 months ang lumipas pero yung process ng pagmu-move on ko 1% pa din. Pero mas better naman siguro yun diba? Kasi may 1% may possibility na makapagmove on ako. Be strong Ven. Be strong kaya mo yan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Broken Hearted
RomansaBakit ang hirap pigilan ng feelings? Kahit alam mong may masisira kapag naging kayo you take the risks pa din?