CHAPTER 7

5.8K 403 5
                                    

MEA's POV

"A-anong lugar to?" tanong ko sa kanya.

Pero yung tingin ko ay nakatutok pa rin

sa paligid namin.

Nakaka-amaze ang mga nakikita ko.

At sino ang hindi? lahat ng nasa paligid namin

ay tubig. Wala man lang kahit na katiting na lupa..

Napakalinaw pa ng tubig na kulay baby blue.

Mga nakalutang na tulay at daanan ang nagsisilbing

daanan nang lugar, ang mga bahay na may kakaibang

istraktura ay nakalutang sa tubig, napakarami ring

mga bulaklak at halaman dito at lahat nang yun ay nakalutang

lang rin...

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang napakalaking

palasyo...Kulay purple ito na may mga color yellow na kumikinang

sa paligid nang mga walls...tama ba ang nakikita ko?

Mga ginto ang nakapaligid doon at hindi lang basta color yellow..

"Grabeh ang ganda naman..!" di ko mapigilang sabihin.

"Mabuti naman at hanggang ngayon eh gusto mo pa rin

ang lugar na ito, maligayang pagbabalik mahal ko" nakangiting sabi ng

lalaking kasama ko.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya, anong gusto ko pa rin?

at anong pagbabalik ba ang sinasabi nya? nanggaling na

ba ako dito dati? bakit wala akong matandaan, at bakit nya

ako tinawag na mahal? magtatanong na sana ako

pero naunahan  nya ako.

"Mamaya na muna ang tanong, halika na

kanina pa nila tayo inaantay" sabi nya.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa palasyo, sa bahay nyo."

"S-sa bahay namin? ang palasyong yan?"

"Oo mamaya ka na magtanong lahat yan masasagot

sa tamang panahon, sa ngayon ay simulan na nating maglakad."

sabi nya.

The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon