CHAPTER 16

3.8K 107 0
                                    

SA KAHARIAN NG MGA ENGKANTONG APOY

"Mahal ko, ano na ang plano natin
sa mag-inang magda at mea?
Papalapit na ang ika-21 na
kaarawan ng ikalimang henerasyon
ng mga engkantong tubig at apoy..
pinagsanib na pwersa kaya mukhang
malaking problema ang kahaharapin natin.
Kung bakit ba naman kasi hindi
agad nakilala nang mga anak natin si mea
noong nasa lupa pa lang sya eh di sana
ay madali na lang ang lahat." sabi ni reyna francisca.

(Sila ang kasalukuyang namumuno
sa kaharian nang mga engkantong apoy
ngunit hindi sila galing sa maharlikang pamilya,
sila ay mula sa angkan ng mga rebeldeng
engkantong apoy..sila ang tinatawag na mga Freya...
Nakuha lamang nila ang trono
sa marahas na paraan, lahat nang mga tao
sa buong palasyo ay tutol sa kanilang
pamamalakad ngunit dahil sa takot
ng mga ito ay tahimik na lamang na
sumusunod sa kanilang mga utos.
Sa kabila naman nito ay naging
maayos naman ang kanilang
pamamalakad sa lahat)

"Ina, hindi namin naramdaman
ang kapangyarihan nya habang
nasa lupa kami, malay ba namin
na katrabaho lang pala namin ang
babaeng ipinapahanap ninyo, ito ngang
si singko na syang may kakayahang
makadama ng mga daloy ng kapangyarihan
eh hindi nakaramdam kami pa kaya?" nakaismid
na sabi ni uno, ang panganay nilang
anak, sya rin si kayla na officemate
ni mea, bilang panganay, sya lang ang may
kapangyarihang gumamit ng apoy, at may
kakayahan rin sya sa panghihipnotismo.

( Ang limang perfect angels sa opisina ni mea ay
ang limang anak nina haring abacus at reyna francisca,
gamit ang kanilang kapangyarihan ay nagawa nilang
kontrolin ang mga tao upang mamuhay sila na katulad
ng mga ito, pinadala sila ng hari sa mundo ng mga tao
upang mahanap si mea.)

"Eh sa wala nga akong naramdaman,
marahil ay dahil hindi pa lumalabas
ang kapangyarihan nya noong mga
panahon na magkakasama tayo at isa pa
protektado sya ng mga kauri nya." sabi ni singko
na syang si ericka sa perfect angels..
taglay nya ang kapangyarihang pandama,
nararamdaman nya ang lakas
ng bawat nilalang  ngunit lingid sa
kaalaman ng pamilya niya ay kaya rin
nyang manguha ng kapangyarihan sa ibat ibang
uri ng engkanto., hindi lamang nya ito
ipinaaalam dahil alam nyang gagamitin
lang ng mga  ito sa kasamaan  ang kapangyarihan niya.,
at isa pa, may isang lihim tungkol sa pagkatao
nya ang kanyang natuklasan nya, iyon ang dahilan
kung bakit naging iba ang pakikitungo nya sa kanyang pamilya. 

(Kung matatandaan po ninyo, alam ni ericka
na si mea ang hinahanap nila sa lupa ngunit
itinago nya iyon sa sarili nyang pamilya, sa mga
susunod na chapter malalaman ang dahilan nya)

"Tama na iyang pagtutulakan ninyo, kung tutuusin
dapat talaga ay pinatay na namin ang mea na yan
noong sanggol pa lamang sya, alam ko na magtataglay
sya ng malakas na kapangyarihan, ngunit dahil sa pakiusap
nina lando at landa na gamitin ang sanggol para mawasak
ang kanilang mortal na kaaway nanatiling buhay yan, ayoko
sana silang pagbigyan pero dala ng utang na loob sa pagtulong
nila sa atin na sakupin ang kahariang ito ay pumayag na rin ako at ngayon
ay tayo ang nanganganib, kaya nga pinapapatay ko na sya
bago pa man sumapit ang kaarawan nya pero dahil mga inutil
kayo, malaki ang problemang kinakaharap natin!" sigaw ni haring
abacus.

The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon