CHAPTER 23

3K 109 3
                                    

BRENT's POV

Mamayang gabi na ang huling orasyon.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari.
Andyan ang pangako ni Magda na mabubuhay pa ako,
pero ayokong umasa, wala man akong
kaalaman sa mga kulam at sumpa alam ko naman
na hindi ganun kadali ang lahat.

Sabi nga ni Magda noon, buhay kapalit ng buhay.
Kung maliligtas ako dito ibig sabihin ay may magbubuwis
din ng buhay para sa akin, ang tanong ko ay kung sino.
Naguguluhan na ako sa sitwasyon pero sa ngayon ay wala
ng ibang mas hahalaga sa kaligtasan ni Mea.

(Tok...tok....tok)

Sino yan? (humihina na talaga ang kapangyarihan ko,
ni hindi ko man lang malaman kung sino ang kumakatok.)

"Si Magda to."

"Pasok ka Magda"

Bumukas ang pinto at nakita ko ang maaliwalas na
mukha ni Magda, pero may nababanaag akong lungkot
sa mga mata nya, malaki na talaga ang pinagkaiba nya
mula noon.

"Kumusta na ang lagay mo?"tanong nya sa akin.

"Maayos naman, kakayanin ko pa hanggang mamayang gabi."

"Mabuti naman, huwag kang mag-alala, magiging maayos
din ang lahat ng ito." sagot nya.

"Huwag mo na akong paasahin Magda, ikaw na mismo ang
nagsabi sa amin noon, buhay kapalit ng buhay, sa palagay mo
ba maniniwala pa ako na maliligtas ako dito? tanggap ko na ang lahat,
basta maging maayos lang si Mea masaya na ako, pero sana huwag
mo na akong paasahin pa." malungkot kong sabi.

"Hindi kita pinapaasa Brent, magiging magaling ka pinapangako
ko yan, pero ipangako mo rin sana na aalagaan mo si Mea, huwag mo
sanang sayangin ang ikalawang pagkakataon na ibibigay sa inyo ng
tadhana."

Nakakunot ang noong tiningnan ko sya.

"Bakit mo ito ginagawa Magda? ikaw na punong puno ng
pagkasuklam sa mundo, ikaw na gumagamit ng masamang
mahika, bakit bigla ka lang nagkaroon ng puso para kay Mea?

"Nagbabago ang lahat Brent, pinagsisihan ko na ang lahat
kaya nga ako bumabawi ngayon, tama na sana ang mga panunumbat
nyo, napapagod na rin ako, ang gusto ko lang ay maging maayos ang
lahat." nakayuko nyang sagot sa akin.

Nahabag naman ako sa kanya.

"Patawad Magda, hindi ko intensyon na masaktan kita,
hindi ko lang maiwasang magtaka at magduda. buhay ni Mea ang
pinapangalagaan ko kaya mahirap para akin ang magtiwala,
sana ay maintindihan mo."

"Nauunawaan ko, salamat sa pagmamahal sa anak k-nila
Lucia, dati ko rin silang kaibigan kaya mahalaga
rin sa akin si Mea. Ihanda mo na lang ang sarili mo, ilang oras na lang
ay sisimulan na natin ang huling orasyon."

Tumango na lang ako bilang sagot, pagkatapos nun ay umalis na sya.

SA KAHARIAN NG ENGKANTONG LUPA

REYNA LANDA'S POV

Alam kong mamayang gabi na ang orasyon,
kinakabahan ako sa mga mangyayari, gusto kong
pigilan ang asawa ko sa mga plano nya pero wala akong
magawa.

Araw-araw ay wala na itong ginawa kundi ang paghandaan
ang araw na ito, masyado nang nabulag ang puso nya,
masyado na syang naging sakim at gahaman sa kapangyarihan.
Ngunit sa kabilang banda ay may kasalanan din ako, kung
nabigyan ko lang sana sya ng anak, kung nabuhay lang sana ang
anak namin noon, baka sakaling hindi ganito ang buhay namin
ngayon.

The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon