CHAPTER 17

3.3K 147 4
                                    

MEA's POV

Sa wakas ay andito na rin ako sa kaharian
ng mga engkantong apoy.
Agad akong nagpunta sa gubat kung saan
naroroon si magda.

Pagkakita ko sa kubo nya ay agad akong
bumaba sa karawahe, malalakas ang ginawa kong
pagkatok.

TOK! TOK! TOK!

Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko
si magda. Ngumiti sya sa akin at pinapasok ako
sa kubo nya.

Nagawa pa nyang ngumiti sa akin, para bang wala
syang ginawang masama, mangkukulam ka talaga!
Pero parang may nag iba sa aura nya ngayon, parang
maaliwalas ang mukha nya kaysa noong unang punta
ko dito, hmp! syempre pa marami syang nakuha sa paggagamot
sa barang nya sa akin.



"Pasensya ka na dito sa kubo ko, hindi kasing rangya
ng kaharian ninyo, upo ka muna, gusto mo ba ng maiiinom?
tanong nya sa akin habang nakangiti.

Nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos nya.
Siguro ay nagbabait baitan lang sya sa akin para
mabawasan ang galit ko pero hindi mangyayari yun!
masyadong malaki ang atraso nya sa akin para mapatawad
ko sya.

"hindi ang kubo mo ang ipinunta ko dito, hindi
mo rin kailangang magpanggap na mabait
dahil alam ko kung gaano karumi ang pagkatao
mo! Alam mo kung ano ang ipinunta ko dito,
magpaliwanag ka!" sigaw ko sa kanya, nakita
ko na parang nasaktan sya pero saglit ko lang nakita
iyon dahil agad syang tumalikod at naghalo sa kawa nya.

"Ginawa ko lang ang pakiusap ni brent at ng mga
magulang mo." walang emosyong sabi nya sa akin.

"Anong pakiusap? na gamutin ako sa barang na
ikaw rin ang may gawa? maayos ang naging usapan
natin! trahedor ka lang talaga!" galit kong sigaw sa kanya.

"Wala akong planong sirain ang usapan natin,
naawa lang ako sa pamilya mo, gusto nilang
gumaling ka, at hindi lang ang barang ang ginamot ko
sayo, ang mga hiningi ko sa kanila ay ang mga kinailangan
ko lang sa paggamot sa sumpa mo.

"Anong sumpa? iyong nakita mo habang ibinibigay
mo sa akin ang barang? eh di sana ay hinayaan mo na
lang iyon, mamamatay na rin lang naman ako eh, ang
hindi ko maintindihan ay kung bakit mo pa ako
ginamot! alam mo ba kung anong paghihirap ang
nararanasan ko ngayon ha? kung hinayaan mo na lang
sana ako noon matagal na sana akong patay! wala na
ang sumpa, hindi sana nawalan ng pakpak ang mga
magulang ko at sana ay hindi na mamamatay si brent! wala
ka talagang puso! at sinasabi mo na naaawa ka sa pamilya
ko? sinong niloko mo? alam mo sa sarili mo na wala ka nun!
galit ko pa ring sigaw sa kanya.

Pero nanatili lang syang nakatalikod sa akin at nakaharap
sa kawa nya, bastos talaga!

The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon