CHAPTER 18

3.3K 136 1
                                    

REYNA LUCIA's POV

Ilang minuto na lang dadating na
sina magda at mea.
Ang totoong mag-ina...

Oo alam ko na hindi ko tunay
na anak si mea, hindi naman
ako tanga para hindi ko makilala
ang anak ko.

Matagal ko nang inilihim sa lahat
ang katotohanang ito, natakot kasi
ako noon na baka iwan ako ni solomon
kapag nalaman niya na patay na ang anak
namin at may anak pala sila ni magda.

Gayun pa man minahal ko si mea ng totoo,
itinuring ko syang parang tunay na
anak, kaya ginagawa ko ang lahat
at ibibigay ko ang lahat para sa kanya.

Kaya ng hiningi ni magda ang pakpak
namin ni solomon para sa orasyon at
binanggit pa niya na kailangan ay kamag anak
ni mea ang mag aalay ng pakpak ay kinabahan
ako, ngunit may palagay ako na alam na nya na
anak niya si mea.

Kilala ko sya mula pa pagkabata dahil
kami ang matalik na magkaibigan noon
kaya alam ko na basi sa ikinikilos nya ay
may alam na sya sa pagkatao ni mea..

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit pa
niya ipinalalabas na kami talaga ang mga magulang
ni mea..naisip ko na marahil ay ayaw na
niyang magulo ang mundo ng anak
niya kaya hahayaan na lang nyang itago
ang katotohanan.Na pabor naman sa akin,
ayokong mawala ang mag ama ko, mahal na
mahal ko sila.

Hindi nya rin siguro naisip na alam ko
na ang lahat sanggol pa lamang si mea.
Ahhh! ayoko ng maalala ang nakaraan,
bumabalik lang sa akin ang mga kasalanang
nagawa ko noon.

FLASHBACK

Matalik kong kaibigan si magda,
marami kasi kaming pagkakapareho..

Pareho kaming mahilig sa witch craft..
magluto, magtanim ng mga bulaklak,
lumangoy, magpinta, iisa lang din ang
paborito naming pagkain...pati sa lalaking
iniibig ay pareho kami.

Iyon nga lang sya ang mahal ni solomon..
si solomon na syang nagpaikot ng mundo ko,
matagal kong itinago ang nararamdaman ko
sa kanya dahil alam ko na si lucia naman
talaga ang gusto nya, at matagal na rin ang
relasyon nila.

Ayokong masira ang pinagsamahan naming tatllo
kaya pinilit ko na pigilan ang nararamdaman ko,
pero umaasa pa rin ako na isang araw ay kami pa
rin ni solomon ang magkakatuluyan.

Mahal ko si magda na parang tunay na kapatid,
pero naiingit din ako sa kanya dahil sya ang minahal
ni solomon, kung tutuusin ay kami naman ang magkalahi
pero si magda pa rin ang itinibok ng puso nya.

The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon