Chapter 1: The Project

337 4 1
                                    

Copyright © 2015 by WhenWillSheSmyle

One game caused by

Two boys with rivalry

Three words to say just to win the game.

Three hearts are at stake

Four days to pursue the girl and

Five weeks to enjoy the relationship

Six kisses to steal in front of the rival

Seven letters to end the game

One girl is the tie breaker of the two brothers rivalry. Will the three of them survive in the name of love?

One will teach her on how to be bad.

And the other one will be taught by her on how to be good.

Who will win?

Who will lose?

...

Ano ba ang ang malandi? Ikaw ba yun? Siya? Or Tayong lahat? Huwaaat?

Ang salitang malandi ay madalas pinatutungkol sa mga babaeng...

hindi mahinhin kung kumilos

Magaslaw ang galaw na malayo sa katangian ng isang dalagang Pilipina

Masyadong malapit sa mga kalalakihan.

Yan ang lumabas sa Answers.Com sa paghahanap ni Ahri sa depinisyon ng salitang MALANDI.

Si Ahriana Akino.

Matalino. Simple lang mamorma. May sinasabi. She can sing and dance. She knows how to play the guitar and drums. She joins the Swimming team. She paints and draw. Maganda at Mabait.

Sa kanya na lahat ang good attitudes at ibinabansag sya'ng MISS PERFECT.

Diba nung bata pa tayo noon eh akala natin, perfect na bilog yung Earth kaya pala pa-oblong ito.

Yan ang imperfections at flaws ng inaakala nating perfect circle ng mundo.

Kasi pag ang tawag sayo ay MISS PERFECT,

Madami silang ineexpect.

Kumbaga Santo ang tingin sayo.

Dapat TAMA lahat, Bawal MALI.

Akala nila alam mo na lahat.

Yan din akala niya sa sarili niya, Santo.

Perpekto.

Alam niya na ang lahat.

Akala niya sa tamang daan siya naglalakad, yun pala mali.

Pano nga ba naging perpekto si Ahri ?

Dati, may crush siya.

Sobra niyang hinangaan ang lalake at napunta sa punto na ginawa niya ang lahat para lang na siya ay mapansin at baka sakaling masuklian ang kanyang pagtingin ng pagmamahal.

Isang araw, sinadya niyang itinapon ang mga libro nya at hinintay na pulutin din ito ng lalake nung ito'y napapadaan sa harap niya.

Unang pagpapansin nya palang ay nasira na ang pag papantasya nya sa lalakeng iyon.

Humarap sakanya ang lalake, Na ikinabigla ni Ahri na simpleng namula at kinilig pa.

"Halatang itinapon mo yang mga libro mo para makuha ang atensyon ko, kung akala mo na tutulungan kita na tulad sa mga pelikula na maghahawak ang ating kamay sa dahilang sabay nating nahawakan ang isang libro at may mangyayaring lovestory satin, eh nagkakamali ka. I dont like you."

Tiningnan nya si Ahri ulo hanggang sapatos.

"Atsaka may girlfriend na ako, kung gusto mong maabot ang lebel ko, dapat lagpas ka sa perpekto. Kuha mo?"

Inirapan niya si Ahri na kung titingnan ay parang iiyak na.

Nung panahon na iyun, di pa sya ganun ka ganda o katalentado. Dun naghimagsik ang sarili niya na maging perpekto, Di niya alam kung bakit.

Pero sa palagay niya, kung magiging perpekto siya dun sya sasaya.

Naging masaya nga ba siya?

Ang salitang malandi ay madalas pinatutungkol sa mga babaeng...

hindi mahinhin kung kumilos

Magaslaw ang galaw na malayo sa katangian ng isang dalagang Pilipina

Masyadong malapit sa mga kalalakihan.

Yan ang lumabas sa Answers.Com sa paghahanap ni Ahri sa depinisyon ng salitang MALANDI.

Ayun nga. Nahanap nya na ang depisnisyon ng gusto niyang mahanap.

Para ito sa Project nila at ang nabunutan nya pang Topic eh yung tungkol pa sa "Mga Malalandi"

Ano Sila?

san sila nakatira?

Tao din ba sila?

Alam din ba nila ang salitang "Malandi"?

At lahat tungkol sa "Malandi" ay kinakailangan nyang Iresearch. Sa kanyang pagreresearch nakapansin sya ng anino na tumatakip ng linawag sa kanyang binabasa, kaya napalingon siya.

Sa paglingon nya. Di nya inasahang ilang inches nalang ang lapit ng mukha niya sa lalakeng nasa harapan nya

"Oh my goshhhh!" Sigaw ni Ahri.

"Pervert! Manyak!" Sigaw niya ulit at agad na lumayo sa mukha ng lalake.

"Well, to correct you. It's Malandi. Di ako manyak."

'Huh?Anggulo malandi daw sya?Inamin agad-agad? Ganun??' Isip ni Ahri.

"Meet me 4 PM sa likod ng Dorm nyo" Yes. may dorm ang Campus nina Ahri.

Litong-lito si Ahri sa biglang pagpapakita ng lalakeng eto sa harapan nya. Nabigla pa siya lalo sa mga huling salita na sinabi ng Malanding Lalake.

"Garren's the name. Kung di ka pupunta, Di lang halik ang aabutin mo sa di mo inaasahang oras"

'Threat ba to?' Isip ni Ahri.

❌❌❌

Hey there! This is my second story na ongoing, sana magustuhan nio guys! Malalaman niyo dito ang buhay ng isang dalagang gustong makawala sa rehas ng pagiging perpekto. The rebellion starts with her heart.

-Sm:)e

The Study of MalandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon