"Garren!! Di ka nakakatulong! One month nalang at kailangan may iprepresent na akong study!" Kanina pa ako reklamo ng reklamo.
"Chill. At please? Pwede bang Ren nalang ang itawag mo sakin? Garren ka ng Garren eh! Ang ingay mo."
Urggghh.
"At relax, aminin mo. Marami kanang may natutunan sakin." Nagwink siya.
"Wala! Anong maisusulat ko sa project ko?! Walaaaaa." Pagdadabog ko.
Nandito na naman ang tukmol sa dorm ko. Sabing bawal pumasok dito eh, baka maexpell ako dito. Gusto lang daw dito magtambay ng lalake na yan, nakakabwiset.
"So si kuya pala ang kalaro mo sa deal ng parents natin?" sarcastic na sabi niya na parang naiinis. So alam niya pala ang tungkol dito?
Pinulot ko yung stufftoy na tinapon ng tukmol sa sahig, kanina niya pa ginugulo kwarto ko eh. Di talaga nakakatulong. Troublemaker. "Uhh, yeah. Yung kuya mo nga." maikling sabi ko.
Ang weird. Tutulungan ko yung kuya niya na magpakabait pero si Garren na ito yung may mas problema sa utak eh, diba dapat siya yung turuan ko na magpakabait? Eh ang sama-sama ng ugali into eh.
"Sabihin mo sakin Ahriana, anong tingin mo kay kuya?" mapait yung mukha niya sa mere thought of his elder brother.
Napa-isip ako. Napatingin pa ako sa mga libro na nasa shelf ko at biglang ngumiti. "Si kuya mo? Well, first gwapo siya.. mabait din naman siya sakin kahit na minsan eh suplado sa family niyo, napansin kong nerd din to pagdating sa mga libro eh, mysterious.."
"Mysterious." singit niya.
"Patapusin mo nga ako! So.. oo mysterious. Mahilig magbigay ng riddle tapos parang siya nadin yung knight in shining armor ko. Yun lang. Bakit Ren?"
Diba? Tuwing nasa danger ako nandoon lagi si Soul. He was always a hero. And I admire him for that. Teka? Did I call him Ren? That's a first for sure.
"Wala lang." tahimik na sabi niya.
Tiningnan ko lang siya habang nakayuko siya sa kinauupuan niya at nakakuyom ang kanyang magkabilang kamay. Parang nagtatalo ang isip niya na parang may gusto pa siyang itanong sakin.
Nagbuntong-hininga siya at tiningnan ako straight sa aking mga mata.
"Eh ikaw Ahri?.. Anong tingin mo sa akin?"
Huh? Syempre, bastos to minsan, rebellious, troublemaker, maangas, bully, conceited, lahat nalang ng masamang description pwede na isaksak sa utak niya.
"Devil." sabi ko habang nakangiti, yung konti lang!
Lumukot yung mukha niya, inis na siya oh, "Devil?" mahinang tanong niya.
"Oo, devil. Its like your telling me to stay close with you just to see the house of the devils."
"Pathetic. And what does that even mean? Your crazy Ahri." inis na sabi niya.
"I wanna hide the truth, I wanna shelter you, but with the beast inside, there's nothing I can hide. No matter what we breed, we still are made of greed. This is my kingdom come, this is my kingdom come.." di ko inakalang kumakanta na pala ako.
Lumambot yung mukha niya, "Maganda boses mo Ahri." nakangiting sabi niya.
Agad akong namula at tumalikod sa kanya, pinagpatuloy ko yung sinusulat ko para sa project. Medyo one-fourth palang nga yung nasusulat ko eh. Parang isang libro nadin kasi yung required para dito.
"Uhh, wala yun. Sige alis kana dito! Kailangan kong magconcentrate." pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
The Study of Malandi
Teen FictionOne game caused by Two boys with rivalry Three words to say just to win the game. Three hearts are at stake Four days to pursue the girl and Five weeks to enjoy the relationship Six kisses to steal in front of the rival Seven letters to end the game...