Chapter 5: He's a Legend?!

80 1 0
                                    

"Gar..Garren,"

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Parang nagwawala ang puso ko sa isang hug na ito. Ngayon lang ako niyakap ng isang lalake, sa gitna pa ng kalsada, malamig na hangin ang bumabalot sa amin ngunit biglang umiba nung ginawa niya ito, isang yakap sa isang iglap.

"Shhh. Just hug me back," ramdam ko ang init ng kanyang hininga malapit sa leeg ko nung nagsalita siya. Tumingin ako sa kanya, nagtataka. Pero ang nagawa niya lamang ay hawakan ang magkabila kong kamay at ibinalot sa bewang niya.

"Di ko maintindihan kung bakit ganito mo ako kadaling mapasunod sa pinapagawa mo.."

Di na siya umimik at ilang minuto din kaming ganun. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi siya. Bago ko lang siya nakilala at lahat ng ginagawa naming dalawa ay nakakapanibago.

.
.
.

"Pursigido ka talagang lumapit sakin para lang tulungan ako sa project ko no?," pagaasume ko habang nakaupo kami sa labas ng minimart.

Tiningnan niya ako, seryoso lang mukha niya. "Don't push it."

Napasimangot ako. Oh well. Patuloy lang ako sa pageenjoy sa rainbow-lollipop na binili niya sakin kanina. Hmmmlasaplasaphmmm

"I'm warning you, don't ever do that again." Umiwas siya ng tingin sakin. Ano nanaman ba ang ginawa ko? Nagpout ako. Ang bitch kasi. Daming Arte, kalalakeng tao.

"Your doing it again!" Iritableng sagot niya.

"Ang ano?" Clueless talaga ako.

Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kanyang daliri, "Nagpapacute. Fuck." Mahina niyang sabi at hinarap niya ako.

"Oy rinig ko yun."

"Tumahimik ka nalang, baka di ko mapigilan ang sarili ko." Lumaki ang mata ko at iniwasan ko ang mapaglaro niyang ngiti.

Bitch pala to eh. Tingnan nga natin kung magpipigil pa siya sa gagawin ko. Evilsmirk.Tumayo ako at sinenyasan na umalis kami. Tumayo nadin siya. Ang lapit lang ng agwat ng katawan namin.

"Ano babe?" Tanong ko na parang nagseseduce, but I failed. Naguluhan siya nung una pero ngumiti siya, di ko yun inaasahan.

"Tinawag mo ba akong babe?" Hinarap niya ako at iniyuko yung tingin nya. Bitch! Nakalimutan kong nakapantulog lang ako. Tank top lang pala suot-suot ko ngayon, agad kong tinakpan ang dibdib ko.

"Manyak!"

"Ha?" Nagkukunwari niyang sabi. "Oops. Looks like my shoelace leaped out." Ouch, napaka assuming ko para isiping pagnasaan niya ang katawan ko. Pero parang nanilip talaga yun eh! Bitch.

Yumuko siya at inayos nga ang kanyang sinturon. At ako naman, nakatabon padin ang braso ko sa aking dibdib.

.

.

"Ahri where have you been?!" Galit na galit sina Mama at Papa pagkadating namin ni Garren sa harap ng bahay ko. Buong lakad naming dalawa, di na kami nagusap.

Nakita kong nandito din sina Mr. and Mrs. Legends sa likod nina mama. Ohmy nadissapoint ko nanaman sila, nakakahiya. Sermon na naman I to, non-stop. Oh bitch.

"Son? Your here. You haven't said that your friends with Ahriana, are you?" Nakatuon ang direksyon ni Mrs. Legends kay Garren tapos sakin. Garren Legends? No way!

"No. I'm not." Seryoso niyang sabi. Mejo nadismaya ako na hindi pa pala friends ang turing niya sakin. Naguluhan sila kung bakit magkasama kaming dalawa.

"Were classmates. But that doesn't mean were friends, were doing a forced project," nagkibit balikat si Garren. Classmates? Pinagloloko ba ako nito? Siguro, palusot lang.

A.N- Please comment on what you think, sana po magustuhan niyo Hehe. - Smyle:)

The Study of MalandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon