4 touches

3K 40 1
                                    

LEX POV

Hindi mawala sa akin ang mga nasaksihan kong ginawa nila Kuya Zhaine at Peter. Imbis na madiri ako ay parang mas nalilibugan ako.

Ilang araw na lang at magsisimula na ang liga sa amin. Naisip ko papano nga pala yung sapatos na ipapahiram sa akin ni Trevi? Hindi naman nya kase alam ang bahay namin at pati bahay nila di ko alam.

Mag isa lang ako ngayon, di ko alam kung nasaan mga tao sa bahay. Pumunta ako nang kubo at muling naalala ang mga nangyari kagabi.

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang magtotropa nila kuya at tila may kasama pa silang iba. Hanggang sa nakalapit na sila sa kubo.

"Uy trevi?" Tanong ko

"Kilala mo?" Sabat ni Kuya Peter.

"Ahhh oo nakilala ko sa court." Sagot ko

"Pare ito pala ipapahiram kong sapatos " sabi ni Trevi sabay abot ng sapatos.

"Salamat naman." Nahihiya kong sagot.

"Para pala sa kanya yang dala mong sapatos. Lex lahat kami pinahiram ng sapatos nung pinsan niya at yung pinsan niya rin pala yung boss ni Peter na sasagot ng uniform natin." Sabi ni Kuya Ace.

"Salamat po." Tugon ko.

Napatitig ako sa kanya. Gwapo rin sya tulad ni Trevi. Matangkad at talagang maputi. Ngunit napansin kong nakatitig din sya sa akin kaya yumuko ako.

"Ahhh ako nga yung boss nila Peter. Tim pangalan ko Kuya nga pala ako ni Trevi. At siya rin yung may idea na pahiramin kayo kase di rin naman namin magamit mga sapatos sa bahay. Pasasalamat na rin namin kase pinayagan kaming makapagtayo ng farm sa baranggay niyo." Sabi ni kuya Tim.

"Salamat po" sabi ko.

"Tara meryenda na tayo at magsukat na tayo para makapagpatahi na tayo, malapit na ang liga." Sabi ni Kuya Fauzi.

May dala silang meryenda at nabusog kami.

"Ilang Taon ka na nga pala kuya Tim?" Tanong ni Kuya Bryan.

"25 na ako." Sagot naman nya.

"Dito na rin kaya tayo maghapunan at inom na rin tayo." Sabi ni Kuya Zhaine.

"Sige pre magandang plano yan." Sagot ni Kuya Peter.

"Boss, Trevi ayos lang ba sa inyo?" Tanong ni Kuya Zhaine.

"Oo pedeng pede, gusto ko rin maglibang. Pero si Trevi papauwiin ko rin baka mayari ako ni Papa " sagot ni Kuya Tim.

Napagpasiyahan naming maligo muna sa ilog habang naghihintay ng dilim bago maghapunan at mag inom.

Isa-isa kaming naghubad ng damit at karamihan ay nakaboxers lang kami.

Pansin ang magaganda naming katawan subalit pinakamaganda ang kay Kuya Tim. Maputi, makinis at talagang namumukol ang mga masel. Napalunok na naman ako at napatitig pero heto na naman at napansin na naman niya ako kaya dagli na lang akong lumusong.

Ngayon ko lang muli napagmasdan nang husto ang mga katawan nila. Magaganda talaga at batak pero di papatalo ang mga katawan namin nila kuya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid ng naisip ko yung binanggit ni kuya Peter kagabi.

"Huh? Hindi kaya si kuya Tim yung tinutukoy na boss ni Kuya Peter? Na Nakasex nila?" Tskk isip isip ko.

Hindi naman mababakas ang kabaklaan kay kuya Tim. Lalaking lalaki to malaki ang boses. Kung siya man iyon baka naman tigang lang din sya.

"Uy pare. Salamat ah. Ok pala kayong kasama." Biglang akbay sa akin ni Trevi.

Nag init naman pakiramdam ko.

The Hardcore RookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon