1st 6

4K 56 13
                                    


Lexzeus POV

Lumipas ang maraming mga araw at tanging sa bukid at liga lamang ang pinagkakaabalahan ko.

Patapos na ang 1st round sa liga namin at nananatili kaming undefeated ganon din ang Purok Sitaw. Kami ang magtatapat sa huling round at magkakaalaman kung sinong mananatiling may magandang rekord.

Madalas kaming mag ensayo at madalas namin makasama ang magkapatid na Lee na naging bahagi na rin ng aming samahan.

Bukod kay Kuya Peter, inalok kami nila kuya Zhaine at Ace ni Kuya Tim na magtrabaho sa kanilang malawak na poultry farm.

Pumayag naman ang aming mga magulang pero pinaalalahanang tumulong rin sa bukid kapag may oras.

Trabaho kami sa umaga at Liga sa Hapon, at kapag may oras pa, magpapraktis kami o kaya tutulong kina tatay.

Dumating na ang paghaharap ng purok namin at purok sitaw. Puno ang covered court at talagang inaabangan ang aming tapatan.

Unang sasabak sa amin si Kuya Bryan, Kuya Francis, Kuya Zhaine, Kuya Ace at Kuya Fauzi.

Ang kabilang koponan naman ay binabanderahan naman nnung Javier at ilang beteranong manlalaro sa kanilang baranggay.

Hindi magiging madali ang laban at inaanticipate na rin namin na mahihirapan kami o baka matalo, wag naman sana.

Dikitan ang ang mga una at ikalawang quarter subalit hindi namin magawang lumamang.

Talagang mahusay ang sentro nilang si Javier bagamat si Kuya Francis ay nasa 6'2" mas maliit lang kay Javier, litaw pa rin Ang husay at kalamangan ni Javier dahil na rin sa experience nito sa Maynila.

Malakas din ang opensa nila sa labas.

3rd quarter tuluyan nang lumamang ang kalaban. Perimiter shooting na laang sana ang aasahan namin, inaalat pa kami. Talagang mahusay ang depensa nila.

Ipinasok rin nila ako, nakapagtala man ako ng ilang puntos subalit di pa rin sapat.

At dumating ang inaasahan namin, tuluyan kaming naiwan at natalo.

"Meryenda muna tayo!"
Pangbasag ni Kuya Tim sa katahimikan namin.

"Doon na lamang tayo sa amin magmeryenda, nagpahanda ako kay Manang." Wika muli ni Kuya Tim.

Lahat kami nagtungo doon upang magmeryenda. Tila hinayaan na lang naming kalimutan yung pagkatalo.

Nang nakarating kami sa kanila lahat kami ay mangha pa rin sa laki ng bahay nila. Napakayaman at swerte talaga nila.

Pagkatapos naming magmeryenda/ hapunan ay nagkayayaan na namang mag inom at ngayon, kina kuya Tim naman.

Sa rooftop kami nakapwesto, naglabas naman na isang case ng redhorse si Kuya Tim at pulutang fried chicken.

Sarap!

Isang malaking bilog kami at talagang sagana kami sa alak at pulutan.

Katabi kong muli si Trevi na nakahubad lang at pambasketball shorts. Nasa kanan ko naman si Kuya Fauzi. Sa tapat ko si Kuya Tim na pinapagitnaan ni Kuya Peter at Kuya Zhaine.

"Tsssk. Mukhang enjoy si Kuya tim." Sabi ko sa sarili ko.

Mahaba haba ang inuman namin, ito na ata ang isa sa pinakamasarap kong inuman kasabay pa ang napakagandang tugtog sa likod namin.

"Lex!" Bulong sa akin sabay hawak sa hita ko.

Napalunok ako sa ginawa ni Trevi.

"Hayaan mo, bawian niyo sila. May 2nd round pa naman o kaya pilitin  iyong pumasok sa finals baka mabawian niyo sila." Bulong ni Trevi sakin na halos dikit na ang bibig sa tenga ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hardcore RookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon