LEX POV
Matapos ang mga nangyari at nasaksihan ay naging madalas akong tahimik at tulala.
Bakot ba nangyayari tong mga to?
Ginugulo ang aking sarili ng mga malalaswang imahe ng mga lalaki pati ang mga kahalayang nasaksihan ko.
Nagdududa na ako sa sarili ko. Tsk.
Sa isang araw na ang liga. Madalas kami maglaro nila kuya bilang paghahanda. Hindi ko pa nakikita sila kuya Tim at Trevi. Tuwing pagkatapos ang laro agad akong umaalis parang nailang ako sa mga nasaksihan ko kina kuya Zhaine at kuya Peter.
Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa nila.
Kinabukasan pumunta sa bahay ang buong tropa dala ang uniform naming susuotin. Magkakaroon pala ng parada kaya kelangan may magsisilbing muse at escort.
"Pre kayo na lang ni Ella ang partner. Maganda naman si Ella at Gwapo ka." Suhestyon ni Kuya Peter sabay kindat.
Tsk. Napalunok ako. Ayan na naman ang mga naiisip ko.
"Ayoko wag sya. Iba na lang." Sabi ni Kuya Zhaine.
"Eh wala nang ibang maganda dito bukod sa kanya eh. Kausapin mo na. Taqagan mo na para makapaghanda." Tugon naman ni kuya Francis.
Lumayo saglit si kuya zhaine upang tawagan ang gf.
Matapos ang pag uusap ay bumalik sya at sinabing pumayag na ito.
Kinabukasan maaga kaming gumising upang pumarada. Alas 10 ang parada. Sa amin na nagkita kita ang buong team. Kasama namin ang aming Purok Leader na tatayong Coach namin pati na si Papa dahil marunong din itong lumaro. Dumating na rin doon ang magkapatid na sina Trevi at Kuya Tim total sila ang sponsor namin.
May 8 purok sa aming baranggay kaya naman walo kaming magsasagupaan. Pagkatapos ng parada at programa ay magkakaroon ng bunutan kung sino sino ang unang magsasagupa. Double round robin ang format. Dalawang beses naming makakaharap ang bawat kalaban bago ang semis.
Umikot ang parada sa buong baranggay na pinasigla ng isang banda. Mapapansing angat kami sa iba unang una dahil sa tangkad at talaga namang naggagwapuhan kami. Kaya kami ang isa sa mga inaabangan.
Isa sa inaabangan ngayon ay ang purok Sitaw dahil malalaki rin sila at balita namin ay may isa silang player na lumalaro sa Maynila.
Pumukaw ng aking tingin sa kanilamg team ay ang muse nila. Tama. Si ANIKA iyon. Kaedad ko lang sya pero matangkad ito at dalagang dalaga na itong tingnan. Kumabog ang dibdib ko. Tsk. Ang ganda niya talaga. Kumunot naman ang noo ko nanh tingnan ang escort nya. Tsss. Mukhang mayabang, bagaman at may hitsura di ko gusto ang dating nito. Tss. Husayan lang nya sa laro kundi mapapahiya sya.
Natapos ang parada at prohrama at oras na para sa bunutan. Si Kuya Bryan ang aming Captain, bukod sa pinakamatanda, sya rin ang pinakamahusay sa amin.
Purok TALONG kami at ang nabunot naming unang makakalaban ay ang Purok Kalabasa. Tuwing hapon ang magiging mga laban subalit sa panimulang araw na iyon gaganapin agad ang mga unang laban namin.Dahil ikatlong laban pa kami, may oras pa kaming magpahinga at kumain.
Unang naglaban ang Purok Sitaw at Purok Okra. Pinanood namin sila habang nagmemeryenda at tama nga. Magagaling sila. Hirap na hirap ang kanilang kalaban sa kanila. David vs Goliath ang nangyari. Pagkakataon na rin namin iyon para pag aralan ang mga galaw nila.
Si number 5- si Javier nasa 6'3" ang laki at talagang umiibabaw sa ilalim ng ring. Siya ang varsity sa Maynila pero nagtaka ako kung taga dito ba talaga sa amin yun. Bukod sa opensa, malakas din ang depensa nito kaya naman talagang hirap ang kalaban.
Yung escort naman ni ANIKA ayon wala naman pala masyadong gawa. Tsss. Natapos ang laban na sila ang nanalo. 85-38.
Matapos ang ilang laban kami na ang sasalang. Nandoon pa rin ang magkapatid na sila Trevi upang sumuporta. Hindi ganoon kalakihan ang mga kalaban namin. Madalas na namin silang makalaro kaya alam na namin ang galaw nila at kampante kaming kami ang mananalo.
1st 5 si kuya Bryan, Kuya Francia na aming Sentro, Kuya Zhaine, kuya Ace at huli si kuya Peter. Bangko naman muna kami nila Fauzi at James.
Umaayon sa amin ang laro dahil lamang kami at hirap sa amin ang kalaban kaya naman nagkakaroon kaming mga sub ng tsansang lumaro at magpakitang gilas. Kami ang nanalo at lahat kami ay may naitalang mga puntos.
Sa kubo namin kami nagpasyang magmeryenda at as usual si Kuya Tim na naman ang may sagot ng meryenda. Softdrinks at burger ang kinain namin. Kasalo na rin ang aming pamilya at si coach.
Habang kumakain umakbay sa akin si Trevi sabay sabing, "galing mo ah. Idol na kita pre!"
Mejo namula ako sa sinabi nyang yun.
"Haha nagbibiro ka ba.? Ordinaryo lang laro ko." Sagot ko.
"Ahhh ok. Uhm. Lex. Pede ka bang yayain bukas?" Tanong ni Trevi
Napaubo ako doon.
"May volleyball kami ng umaga ng mga pinsan ko. Sali ka. Kampi ulit tayo. " yaya ni Trevi.
"Ahhh sige tingnan ko. Basta punta na lang ako dun." Sabi ko naman.
Naging mapagod ang araw kong iyon kaya naman maaga akong natulog. Sila naman hindi daw muna iinom. nagpaiwan naman si Kuya Peter na nagsabing doon na matutulog.
Tsk. Siguradong may gagawin na naman silang kakaiba sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na binalak pang silipin ang anomang gagawin nila.
Votes and comments please.
BINABASA MO ANG
The Hardcore Rookie
RomantizmBitbit ang pangarap, talento at pagpupursigi upang makamit ang kanyang mga pangarap. Pangarap sa larangang kanyang napili upang gumawa ng pangalan at magamit ito upang maiahon sa hirap ang kanilang buhay. Lexzeus Ryan Villaflor with jersey number 6...