Isang araw naisipan ni Lexzeus na pumunta sa court upang maglaro ng basketball at makipagpustahan na rin, total wala na masyado gawain sa kanilang bukid.Sa court ang madalas na tambayan ng mga kabinataan doon.
Sa kanto matatagpuan ang basketball court at ganoon din ang volleyball court doon subalit sa damuhan lamang ito nakapwesto.
Pagdating niya sa kanto nakita niyang kinukumpi ang mga board at nagpapalit rin ng mga bagong ring na donasyon ng kanilang mayor para sa nalalapit na liga sa kanilang lugar. Nadismaya siya dahil hindi siya makakalaro.
"Psst pogi!" Sigaw ng isang baklang naglalaro ng volleyball.
Hindi niya ito pinansin bagkus naupo lamang siya sa isang tabi. Pinanood niya ang mga naglalaro ng volleyball. Kaunti lang ang mga baklang lumalaro doon hindi tulad ng madalas niyang makita bagkus maraming lalaking tunay na masasabi. Ang isa pa, napansin niyang tila mga estudyante ang mga iyon. Doon niya napagtantong dumayo sila roon.
Maganda ang laruan sa kanilang baranggay kaya naman madalas na ang mga dumadayo doon.
Pinanood niya lamang sila at namangha na iba pala ang dating kapag hindi lalaking lalaki ang mga lumalaro ng volleyball.
Dahil walang magawa punagtiyagaan lang niyang panoorin ang mga kabataang naglalaro hanggang sa nagdesisyong umalis ang ilan at magkulang sila upang maglaro.
"Pre! Marunong ka ba lumaro? Kulang kase kami, gusto lang namin bumawi." Tanong ng isang lalaki.
Napatitig siya sa lalaki at di mawari ang gagawin. Sa isip niya ay hindi taga probinsya ang lalaki. Maputi, may kalakihan ang katawan, matangkad, chinito, parang may pagka chinese ayon sa kaniya.
"Oh I am sorry to bother you." Sabing muli ng lalaki.
"Uhm, di pa ako nakakalaro eh, napapanood ko lang sa tv." Pahabol na bigkas ni Lex.
"Wow ganon ba? Uhm ganito na lang, basta relax ka lang sa court, sabihan kita kubg ano gagawin. Kapag may nagset sa'yo tiyempuhan mo lang ng talon tapos paluin mo, siguro naman nakikita mo yung mga ginagawa ng players sa tv?" Sabi ng lalaki.
"Siige pre." May pag aalinlangan niyang sagot pero sumali pa rin siya.
Naging maganda ang takbo ng laro. May naitulong naman siya kahit minsan ay walang magandang receive ng bola. Nakapuntos din siya ng ilan dahil sa mga palo niya na ikinagulat ng lalaking nagyaya sa kanya at ng mga nakalaro niya. Sa huli, sila ang nanalo sa pustahan.
"Hanep pre, taas mong tumalon ah." Sabi ng lalaki.
"Ah haha. Nagbabasketball kase ako at madalas ako tumalon lalo na kapag lalambitin sa sanga, hahahaha." Sagot naman ni Lex.
"Ahhh ako kase Volleyball lang ang laro tsaka swimming. Natuto ako tumaas ng talon because I have my personal coach before. I also joined our school's team making my leaping ability more enhanced." Sabing muli ng lalaki.
"Uhmmm. English ah hahahaha." Sagot ni Lex.
"Sorry. Hahahaha." Sabay tawa ng lalaki.
Natahimik naman si Lex habang nakatingin sa lalaki. Bigla namang napatigil ang lalaki na ikinabigla nito.
"Pasensya na pre." Tugon nito.
Subalit nakatitig pa rin si Lex.
"Uhmm sige aalis na ako salamat pala." Biglang sabi ng lalaki.
"Teka!" Pahabol ni Lex.
"Taga dito ka ba sa amin? Ngayon lang kase nakita at mukhang hindi ka probinsyano base sa hitsura at pananalita mo." Tanong ni Lex sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Hardcore Rookie
RomanceBitbit ang pangarap, talento at pagpupursigi upang makamit ang kanyang mga pangarap. Pangarap sa larangang kanyang napili upang gumawa ng pangalan at magamit ito upang maiahon sa hirap ang kanilang buhay. Lexzeus Ryan Villaflor with jersey number 6...