chapter 3

0 0 0
                                    

NAKALABAS na rin sa wakas ng Ospital si Doris. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas nakauwi na rin sila pero hindi sa kanilang bahay kundi sa bahay ng mayamang lalaking tumulong sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin maintindihan ni Daisy kung bakit at paano niya naging ama ang lalaking tumulong sa kanila.

"Anak, pasensya ka na kung hindi ko sinabi sayo ang totoo tungkol sa iyong ama sabi kasi ng namayapa mong ama huwag nang ipaalam pa sayo kasi hindi ka naman daw hinahanap ng totoo mong Ama. Noong nalaman niya kasi na pinagbubuntis kita bigla na lang siyang nawala. Kaya inako ng namayapa mong ama ang responsibilidad" pagtatapat ni Doris sa anak. Umiiyak si Daisy habang pinagtatapat sa kanya ng kanyang ina ang tungkol sa kanyang ama.

"Patawad anak kung hindi ko na kayo nabalikan ng Nanay mo. Inaamin ko na naduwag ako dahil nung nalaman kong buntis siya, hindi pa ako handang maging Ama. Nang nabalitaan ko na ikakasal si Doris at si Karlo, doon ko narealize na dapat ako ang nandoon, sobrang mahal ko ang Nanay mo kaya sinubukan kong pigilan ang kasal pero nahuli na ako ng dating. Naikasal na sila at nagdiwang na ang mga tao. Hindi ko na nagawang lumapit pa. Sobra ang pagsisisi ko noon. Dahil sa pagkamakasarili ko, nawala ang babaeng mahal ko. Ilang araw ang lumipas umalis ako at nagpunta ng Amerika. Minana ko ang business ng mga Magulang ko. Sayang at hindi mo na sila naabutan. Hindi rin ako nag kaasawa dahil binuhos ko ang panahon ko sa pagpapatakbo ng negosyo. Bumalik ako dito sa Pilipinas dahil umaasa akong magkikita kami ng Nanay mo. Nakarating sa akin na nasa Ospital siya kaya agad ko siyang pinuntahan.
Masaya ako na gumaling na ang Nanay mo at kung pahihintulutan niya ako gusto ko kayong makasama para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa inyong mag ina. Sana bigyan nyo pa ako ng isa pang pagkakataon" pakiusap niya sa mag ina na nakaluhod.

Niyakap naman siya ni Doris at muling tinanggap pero si Daisy nag dadalawang isip pa. Gusto niya munang kilalanin ang kanyang ama bago niya ito tanggapin.

"Nay, kain na po" tawag ni Daisy sa kanyang Nanay habang hinahanda nito ang kanilang pagkain. Lumapit naman si Doris at umupo na sa mesa. Hinainan siya ni Daisy tapos ay naupo na rin ito at kumain.

"Anak, anong balak mo ngayong araw?" Tanong ni Doris.

"Mag aapply ulit Nay, may hiring ngayon sa pinapasukan ni Gayle" sagot ni Daisy.

Narinig ni Franco ang pinag uusapan ng mag ina at nilapitan ang mga ito.

"Daisy, bakit maghahanap ka pa ng trabaho eh suportado ko na naman kayo?" Malumanay niyang tanong.

"Pasensya na po pero hindi ko po kasi ugali na umasa sa kahit sino, mas gusto ko po kasi na pinagsisikapan ko ang mga bagay bagay" sagot ni Daisy.

"Ganon ba? Kung gusto mo pwede kang mag apply sa kumpanya ko sa advertizing department hiring sila doon ngayon pwede kitang bigyan ng recomendation" offer ni Franco.

"Oi maganda yon Daisy gusto mo yon diba advertizing subukan mo mag apply ka na!" Pangungumbinsi ni Doris.

"Sige po, mag aaply ako pero sa isang kondisyon, mag aapply ako sa sarili kong sikap at pag natanggap ako, wala po sanang makakaalam na Ama ko kayo. Gusto ko po kasi sa sarili kong sikap magmumula ang aking tagumpay" matapang na sabi ni Daisy.

"Sige ikaw ang masusunod" pag sang ayon ni Franco.

Pinuntahan ni Daisy ang Kumpanya ng kanyang Ama. Namangha siya dahil lubhang mas malaki ito sa dati niyang pinasukan. Pagpasok niya sa loob kinabahan siya dahil nakita niya ang mga nagtatrabaho doon na paroo't parito at mukhang busing busy sila. Lumapit siya sa lobby at nagtanong kung saan ang applayan ng advertising at tinuro siya sa 10th floor. Papunta na siya sa elevator nang makita niya si Kevin kasama ang sekretary niya. Agad siyang nagtago sa malaking poste para di siya makita. Nakaramdam ng inis si Daisy dahil kay Kevin. Naisip niya na kung magpapadaig siya sa mayabang na yon, matatalo siya kaya taas noo siyang lumabas sa pinagtataguan at sumakay ng elevator. Pagdating sa HR agad niyang prinesent ang kanyang resume. Binasa itong mabuti ni Miss. Moser at namangha siya sa mga nakalagay dito.

"HRM ang tinapos mo pero bakit gusto mo sa marketing departmenr?" Tanong ni Miss. Moser.

"Ah Mam hilig ko po kasi ang sales saka about sa mga advertising" masayang sagot ni Daisy.

"Okey mukha nga, tamang tama ang dating mo kasi kulang kami ngayon kaya sana makatulong ka sa Kumpanya. Good looking girl ka naman at confident sa sarili kaya i'm sure magugustuhan mo ang magiging trabaho mo kaya welcome to our Company" masayang sabi ni Miss. Moser sabay abot ng kamay sa kanya.

Natuwa naman si Daisy at nangako siyang gagawin ang makakaya niya para magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Inihatid siya ni Miss Moser sa marketing Department para masimulan na niya ang kanyang trabaho. Ipinakilala din siya sa mga bago niyang makakasama at ibinigay na din sa kanya ang kanyang table. Buong siglang binati ni Daisy ang mga kasamahan at umupo na sa kanyang table.

"Teka ano nga ba ang gagawin ko?* tanong ni Daisy sa sarili. Tumingin tingin siya sa paligid at napansin niyang nakatingin din sa kanya ang mga kasamahan niya. Nagtanong siya sa mga ito kung anong pwede niyang gawin. Kanya kanya naman silang utos sa kanya at masigla niya itong sinunod kaya nakapalagayan niya agad ng loob ang mga kasama.

I Truly Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon