Chapter 5

2 0 0
                                    

NAGKAKAPE si Kevin sa kanyang opisina habang binabasa ang mga files na dapat niyang pirmahan. Biglang pumasok sa isip niya si Daisy habang nagpepresent noon sa harapan niya. Kung titingnan sa kabuuan, maganda ang postura ni Daisy. Hindi siya ganon katangkad pero bumagay ito sa kanyang katawan. Hindi rin siya ganon kapayat. Isa pa sa naging asset niya ang kanyang buhok. Marunong siyang ayusin ito na babagay sa kanyang mukha at ang kanyang make up, tamang tama lang. Hindi nga halatang may make up siya kasi simple lang siyang maglagay. Malakas din ang dating ni Daisy kaya naman pag siya na ang nagsasalita siguradong tatahimik ang lahat. 
"Ang tanga ko! Pinaalis ko ang isang gaya niya na bukod sa magaling ay talagang dedicated sa trabaho. Sigurado malayo ang mararating niya at di malayong magkaroon siya ng kumpanya" ani Kevin sa sarili sabay hugot ng malalim na hininga.

Si Eljohn naman ay nasa Opisina ni Franco at pinapanood ang presentation na ginawa ni Daisy. Pagkatapos mapanood ay di pa rin kumbinsido si Eljohn.

"Ayoko ng presentation niya! Marami pa ring kulang, pati yung quality napakababa. Mas mabuti pa ako na ang gagawa ng presentation" inis na sabi ni Eljohn.

Hindi na nagsalita pa si Franco at hinayaan na lang ang kanyang pamangkin sa gusto nito.
Agad na tinipon ni Eljohn ang lahat sa conference room para gawin ang concept na gusto niya.

"Kailangang maging makatotohanan ang magiging presentation natin. Ang gagawin natin, pupuntahan natin ang mga Hotels natin at doon
susuriin natin lahat. Gagawa kayo ng documentary sa bawat Hotels. We have 30 Hotels at lahat yon kailangan nating mapuntahan. We only have 10 days para magawa yon. Magpartner partner kayo at pag usapan ang mga Hotels na pupuntahan nyo" paliwanag ni Eljohn sa kanila.

Agad silang nag uusap usap kung sino sino magkakasama at kung saang Hotel sila pupunta. Napunta kay Daisy ang lima sa pinakamalalaki at pinakamagaganda at kilalang Hotel sa buong bansa. Kasama ni Daisy si Dianne. Hindi sila ganon ka close dahil hindi naman siya nito masyadong kinikibo. Matagal nang nagtatrabaho si Dianne sa kumpanya kaya alam niya ang mga Hotel na pupuntahan nila.

Kinabukasan nagtipon tipon sila sa tapat ng isang convinient store na malapit lang sa kumpanya nila. Nadaanan sila ni Eljohn kaya binabaan niya sila. Ikinagulat ng lahat ang presensya ng binata lalo na ng magsabi siya kung saang grupo siya sasama. Walang sumagot ni isa kaya sabi niya kina Daisy siya sasama. Lihim na natuwa si Diane dahil ito ang unang beses na makakasama niya ang binata. Lihim kasi siyang umiibig dito simula ng magtrabaho siya. Wala na siyang pinangarap kundi ang makasama si Eljohn. Sinubukan niyang magpapansin sa binata pero hindi ito umuubra nasasabon pa siya ni Miss Moser dahil sa mga kapalpakan niya. Habang masaya si Diane, si Daisy naman ay inis na inis. Galit kasi siya kay Eljohn dahil sa ugali nito. Nagdasal na lang siya na sana makasurvive siya sa araw na yon. Walang kibo si Eljohn na nagmamaneho hanggang aa makarating sila sa LaFranco Hotel. Ang pinakasikat at pinakamalaking Hotel sa buong Pilipinas. Puro VIP's, mga kilalang tao, mga mayayaman, mga celebrities ang mga nag checheck in doon.

Manghang mangha si Daisy sa ganda at laki ng Hotel. Palakad lakad siya habang tinitingnan ang nasa paligid niya. Hindi niya napansin na may makakasalubong siyang crew na maraming bitbit na mga gamit. Nabangga ito ni Daisy ang resulta, nalaglag ang mga gamit. Panay ang hingi ni Daisy ng paumanhin habang tinutulungan ang crew pero dahil sa nangyari, napagalitan si Daisy pati na rin yung crew kaya galit yung crew sa kanya. Pati si Eljohn uminit rin ang ulo dahil sa kanya. Nakatikim nanaman ng sermon si Daisy sa kanyang boss. Di na napigilan ni Daisy ang kanyang sarili at nasagot niya si Eljohn. Masyado na kasi nitong minaliit ang pagkatao niya kaya lumaban na siya. Akma na sanang sasampalin ni Daisy si Eljohn pero inawat siya ni Diane. Saglit silang nanahimik para pakalmahin ang galit nila. Maya maya pa inutos na ni Eljohn na gawin na nila ang dapat nilang gawin. Paglabas nina Daisy at Diane, binalaan agad ni Diane si Daisy na huwag tatangkaing saktan si Eljohn kung hindi sa kanya ito mananagot. Nagulat naman si Daisy sa sinabi ni Diane.

"Bakit ba maraming nagkakagusto sa mayabang na yon eh ubod ng sama ng ugali" galit na bulong ni Daisy sa sarili habang naglalakad. Muli niyang tiningnan ang nasa paligid pero nakavideo na. Gusto sana niyang makipag kaibigan sa mga crew doon pero iniiwasan na siya ng mga ito dahil sa nangyari kanina. Si Diane naman ay magiliw sa mga crew doon kaya siya ang nakakakuha ng mga impormasyong kailangan nila.

I Truly Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon