MALUNGKOT si Daisy na napaupo sa isa sa mga bench sa labas na ng Hotel. Hindi niya kasi nagawa ang dapat niyang gagawin. Si Diane na kasi ang gumawa lahat kaya nagpasya siyang umuwi na. Ang hindi niya alam may sikat na artista ang nakakita sa kanya at mukhang na love at first sight sa dalaga.
Si Christian Barrios, sikat na indoser at madalas na second lead star sa mga teleserye at pelikula. Nandoon siya sa Hotel dahil doon gaganapin ang photo shoot niya para sa isang comercial. Naghahanap siya noon ng magiging partner niya sa comercial pero wala siyang nagustuhan sa mga nag audition para dito. Nawalan na siya ng pag asa kaya tatawagan na sana ang kanyang Manager na si Mamang para sabihing magbaback out na siya nang masilayan niya si Daisy na nakaupo sa labas ng Hotel. Nakita niyang paalis na ito kaya dali dali siyang lumabas ng kanyang kwarto. Nakalimutan niyang naka shorts lang siya at walang damit pang itaas. Maraming nakakita sa kanya at dahil sikat, pinagkaguluhan siya. Napansin ni Daisy ang kaguluhang nagaganap pero dahil pauwi na siya, hinayaan niya na lang.
Nag aabang na ng masasakyan si Daisy nang senyasan ni Christian ang guard na huwag siyang paalisin. Hindi siya makalapit dahil dinumog na siya ng gustong magpapicture sa kanya.
Tatawagin na sana ni Manong guard si Daisy pero nakasakay na siya kaya di na niya naabutan pa. Nang makabalik si Christian agad niyang tinawagan si Mamang para sabihing nahanap na niya ang gusto niyang makapareha.
Pagkatapos makipagmeeting ni Eljohn sa mga humahawak sa Hotel, tinawagan niya sina Daisy at Diane. Si Diane lang ang nagpakita sa kanya kaya uminit nanaman ang ulo niya. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi siya kumportable kapag hindi nakikita si Daisy. Palpak man ang mga ginagawa nito sa paningin niya, makita niya lang itong nakangiti tila ba parang bula na nawawala ang inis niya sa dalaga. Gusto niya na nasa kanya ang atensyon ni Daisy kaya kung ano ano na lang ang pinapagawa niya para hindi ito maalis sa paningin niya.
Ilang beses niyang tinawagan si Daisy pero hindi niya ito sinasagot. Nakasilent kasi ang kanyang telepono at hindi niya ito nilalabas kapag nasa byahe.
Palabas na ng lobby si Eljohn ng makita niya sa malaking Tv si Daisy. Naholdap kasi ang sinasakyan nitong taxi pero dahil nanlaban, nakatakas siya sa mga holdaper at agad nakahingi ng tulong. Nagmadali si Eljohn sa pagpunta sa police station para sunduin ang dalaga.
Napanood din ni Kevin ang balita at sumugod din sa police station. Sabay silang dumating doon na kinagulat nilang pareho pati na rin si Daisy. Matapos mafinalise ang statement niya ay pinaalis na din siya.
"Mabuti na lang at walang nangyari sayo bakit ka kasi hindi nagpaalam na uuwi ka na!" Galit na tono ng boses ni Eljohn.
"Sorry Sir, nasa meeting daw po kasi kayo sabi ni Diane saka okey lang naman daw na umuwi ako siya na lang daw ang bahalang magsabi" pagtataray ni Daisy.
"Hindi ka dapat makinig sa kanya kundi sa akin lang!"
"Wow! Akala mo kung sinong concern samantalang nagmukha akong tanga naghihintay na may ipag utos ka pero ano? Wala! kaya umuwi na lang ako"
"Tama na nga yan! Para kayong mga bata! Umuwi na tayo nakakahiya kayo sa mga tao oh" naiiritang sabi ni Kevin. Hindi na nagsalita pa ai Daisy at lumakad na palayo na sa kanila. Tinawag siya ni Eljohn para maihatid pauwi pero hindi siya nakikinig at patuloy lang sa paglalakad pero nang si Kevin ang nag offer na ihatid siya saka pa lang siya pumayag. Nakakunot ang noo ni Eljohn nang makitang paalis ang dalawa. Sinundan pa niya ang mga ito para lang makasigurong sa bahay nga ni Daisy niya ito ibababa. Wala kasi siyang tiwala kay Kevin.
Hindi nagpababa si Daisy sa mismong bahay nila. Doon lang sya sa kanto na kaunting lakarin na lang. Tinitingnan sya ni Kevin kung saang gate siya papasok. Nakikita ito ni Daisy kaya ang ginawa niya ay pumasok sa isang maliit na gate na ang nakatira ay ubod na sungit na matanda. Nagtago siya sa may halamanan habang sinisilip si Kevin kung nakaalis na. Ilang saglit lang ay umalis na din si Kevin kaya lumabas na siya sa tinataguan niya. Laking gulat niya ng biglang lumitaw ang madungit na matanda na kasalukuyang naglilinis sa kanyang bakuran. Tinanong siya ng matanda kung sino siya at kung anong ginagawa niya don. Imbes na sumagot ay napangiti na lang siya sabay takbo papunta sa totoong bahay niya.
BINABASA MO ANG
I Truly Love You
RandomSi Daisy isang masayahing babae at mabait na kaibigan pero takot magmahal. Marami pa raw kasi siyang priority sa buhay niya at makakasira lang sa career na gusto niya kung magmamahal siya. Biglang darating sa buhay niya si Kevin Enverga. Kasabay pa...