NASA malayo ang tingin. tinatanaw ang magagandang tanawin na abot ng kanyang mga mata habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ang maaliwalas na kalangitan na tila nag yayaya na liparin ang buong kalawakan. Ang sarap ng upo ni Daisy sa sanga ng malaking puno na paburito niyang akyatan at kumakain doon ng bunga ng puno. Walang ano ano"y may lagaslas siyang narinig. Isang bagay na tila ba papalapit sa kanya. Tiningnan niya ito at nanlaki ang mga mata niya sa gulat na makita ang isang malaking ahas na dumidila pa ang papalapit sa kanya. Nataranta si Daisy at panay ang atras tila nakalimutan na nasa taas siya ng puno. Sa kakaatras niya, unti unting napuputol ang sanga. Sa akmang tutuklawin na siya ng ahas doon naputol ang sanga at siya'y nahulog. Lumagabog ang buong kwarto sa lakas ng pagkakahulog ni Daisy sa kanyang kama. Narinig ito ng kanyang Inang si Doris kaya dali dali niya itong pinuntahan sa taas.
"Ano bang nangyayari sayo Daisy? Ang laki laki ng higaan mo nahulog ka pa!"
Tila wala pa sa ulirat ang dalaga habang dahan dahang bumabangon. Masakit ang kanyang ulo bunga ng pagkahulog niya. Tumingin siya sa paligid at ngumiti na kinagulat ng kanyang ina.
"Hay salamat panaginip lang pala" sambit ni Daisy sa sarili na muling umupo sa kama at hinawi ang kurtina sa kanyang munting silid. Minasdan niya ang mga building na matataas. Isa sa mga building na matatanaw doon ay ang kanyang pinapasukan na pagmamay ari ng pinakamayamang Negosyante sa buong Pilipinas. Laging pinagmamasdan ni Daisy ang building na yon dahil nangangarap din siyang magkaroon ng sariling building kung saan nandoon ang business na gusto niya. Isang Hotel at Restaurant ang gusto ni Daisy kaya nga HRM ang tinapos niya. Maliit lang ang kanyang kwarto pero marunong siyang mag organize kaya maganda itong tingnan.
"Hoy! Alas syete na kumilos ka na at malelate ka na naman sa trabaho mo! Bumaba ka na at nakahanda na ang almusal mo!" Bulyaw ng kanyang ina.
Agad nagmadali si Daisy sa paggagayak dahil ngayong araw pala dadating ang big boss nila. Narinig pa naman niya sa mga kasamahan niya na ubod ng sungit yon at super strikto pa. Hindi na nag almusal si Daisy at binaon na lang ang almusal niya at sa byahe na lang siya kakain."Is anything ready?" Tanong ng isang matipunong lalake habang inaayos ang kanyang damit.
"Yes Sir" sagot naman ng kanyang sekretary.
"Okey let's go!" Sabay bukas sa kanyang kotse at sumakay na. Dahil sa nerbyos ng kanyang sekretary nakalimutan nito ang dapat na ruta nila. Ang resulta, naipit sila sa traffic. Ayaw na ayaw ni Kevin na nalelate siya kaya naman napilitan itong bumaba ng sasakyan at naghanap ng ibang masasakyan. Nag aabang din noon si Daisy ng masasakyan dahil kaunting minuto na lang malelate na siya. Nagkasabay sa paghawak ng bukasan ng taxi sina Kevin at Daisy. Nagkatitigan ang dalawa pero nag aagawan kung sino ang unang makakasakay sa kanila. Mas nauna si Kevin pero di nagpatalo si Daisy at sa likod siya sumakay kasama ang sekretary ni Kevin. Tinanong sila ng driver kung saan sila bababa sabay sabay silang sumagot ng "Enverga Building po" muli silang nagkatinginan
"Nag aagawan pa kayo eh pareho lang pala kayo ng bababaan" sabi ng driver habang pinapaandar na ang sasakyan.
Binuksan ni Kevin ang aircon at tinutok sa kanya. Nang makita ito ni Daisy, pasimple niyang tinutok ang aircon sa kanya habang busy si Kevin sa kanyang cellphone. Napansin ni Kevin na wala na siyang nararamdamang aircon. Nang tingnan niya ay hindi na ito sa kanya nakatutok kaya ginalaw niya ulit papunta sa kanya. Nakita ito ni Daisy kaya tinutok niya ulit ito sa kanya.
"What's your problem?" Galit na boses ni Kevin sa dalaga.
"Pa english english ka pa! Sinosolo mo yung aircon may pasahero pa dito sa likod oh" buiyaw din niya sa binata.
Tinitigan siya ng ubod ng sama ng binata maya maya bumunot ito sa kanyang wallet ng limang daang piso at iniabot sa dalaga at sinabing "go and find another taxi i don't want to waste my time on you"
Umusok ang tenga ni Daisy at talagang kumunot ang noo sa galit dahil sa sinabi ng binata. Lalo pa siyang nagalit nang sumang ayon ang driver sa kanya at tuluyan siyang pinababa. Bago siya bumaba pinunit punit ang perang binigay sa kanya ng binata at isinampal ito sa kanya at tuluyan ng bumaba. Nanghinayang naman yung driver pati na rin yung sekretary ni Kevin dahil sa ginawa ni daisy sa pera. Nagmadali na si Daisy dahil limang minuto na siyang late. Pagdating niya sa Enverga building hingal na hingal siya dahil tinakbo na niya para lang makaabot sa oras. Pagdating niya sa opisina, agad siyang humingi ng pasensya sa kanyang manager sa kakadaldal niya di niya napansin na di na pala Manager niya ang kausap niya kundi ang Big boss nila na si Kevin. Nakakunot ang noo nito at nakabusangot na nakatingin sa kanya. Natulala na lang si Daisy at di na nakapagsalita pa nang makita niya si Kevin. Lalo pa ng sinigawan siya nito at sinabing "your fire!" Naiyak na lang si Daisy dahil sa hiya pero ang galit niya sa binata ay umabot sa sukdulan at di niya rin napigilan ang sarili na makapagsalita ng hindi maganda.
"Mas gugustuhin ko pang matanggal kesa naman magtrabaho ako sa isang among gaya mo! Walang puso at matapobre na mayabang pa! Kahit sinong pumalit sigurado di rin magtatagal dahil sa ugali mo!" Bulyaw ni Daisy kay Kevin sabay ligpit ng mga gamit niya at umalis. Naluha na lang ang mga kasamahan ni Daisy habang pinapanood ang pag alis niya.
BINABASA MO ANG
I Truly Love You
OverigSi Daisy isang masayahing babae at mabait na kaibigan pero takot magmahal. Marami pa raw kasi siyang priority sa buhay niya at makakasira lang sa career na gusto niya kung magmamahal siya. Biglang darating sa buhay niya si Kevin Enverga. Kasabay pa...