ISANG linggo na si Daisy sa kanyang trabaho. Enjoy naman siya dahil kasundo na niya ang mga katrabaho niya. Magaling kasi siyang makisama at talaga namang dedicated sa trabaho.
Abala ang lahat ng biglang sumulpot si Miss Moser kasama ang isang gwapo, matangkad at matipunong Lalaki. Ito pala ang magiging boss nila.
"Okey guyz attention please, ipinakikilala ko sa inyong lahat ang bago niyong Boss si Mr, Eljohn Rivero. Pamangkin siya ni Mr, Franco. Sana maging mabait kayo sa kanya. Strikto siya kaya ihanda na ang mga sarili" bungad ni Miss, Moser.
Lahat sila ay winelcome si Eljohn. Si Daisy ang napili ni Miss Moser na maging assistant niya.
"Hi Sir, ako po si Daisy baka may ipapaguutos po kayo sabihin nyo lang" nakangiti niyang sabi.
Tiningnan siya ni Eljohn mula ulo hanggang paa saka umupo sa upuan. Hindi nagustuhan ni Daisy ang pagtitig nito sa kanya pero tinago ang inis at hinintay ang ipaguutos nito.
"Pakisabi sa lahat pumunta sa conference room in 5 minutes at magmeeting tayo" utos ni Eljohn.
Agad na kumilos si Daisy at tinipon ang mga kasama sa Conference room. After 5 minutes pumasok na si Eljohn kaya tumahimik na ang lahat.
"Okey, Our clients will be here next month. Malalaking clients natin ang mga darating. So i want you to make a beautiful presentation about our Company. Simula sa mga facilities, people and the products we have. I'm only giving you one week to make this presentation. Kasama sa mga Clients ang may ari mismo ng Company na si Mr, Franco Kaya make sure that you will give me a perfect presentation is that clear?" Ani Eljohn na nakatingin ng matalas sa kanila.
Pagkatapos noon ay umalis na siya ng conference room. Agad namang nag uusap usap ang lahat kung ano ang mga gagawin nila. Si Daisy ang naatasan nilang magpresent kay Eljohn at pagtutulungan nila ang paggawa ng bawat slides sa presentation.
Pag uwi ng bahay abala si Daisy sa pagreresearch
ng lahat ng tungkol sa Kumpanya na pwede nilang magamit sa presentation. Nagkulong siya sa kwarto buong gabi kaya di niya napansin na bumisita si Eljohn sa kanyang Tito Franco. Nagkwentuhan ang magtito at nasama sa usapan nila si Daisy. Walang kaalam alam si Eljohn na si Daisy ay pinsan niya. Natatawa si Franco sa pagsusumbong nito dahil sa pagkainis niya sa kanyang assistant na si Daisy."Aminin mo nga Eljohn, nagagandahan ka ba sa assistant mo?" Tanong ni Franco.
"Hindi no! ang baduy niya manamit tapos pag nag make up akala mo may sakit ang putla!" Ani Eljohn na tinaasan ng kaunti ang boses.
Natatawa si Franco sa kanyang pamangkin at nagwika pa na "mahuhulog ka rin sa kanya"
Ang kanilang pag uusap ay naririnig ni Doris at hindi niya alam kung maiinis siya kay Eljohn oh matatawa na lang.
Nakarating sa kaalaman ni Franco ang magaganap na presentation kaya tinulungan niya ang kanyamg anak sa pamamagitan ni Miss Moser. Ibinigay niya dito ang mga files na kailangan ni Daisy na tungkol sa Kumpanya. Nang makumpleto na lahat ng kailangan, sinimulan na nilang gawin ang mga slides para sa presentation. Ilang gabi silang nagpuyat para sa paggawa ng perfect presentation. Natapos ang isang linggong palugit at ito na ang panahon para ipresent nila ang isang linggo nilang pinagpuyatan.
Dahil sa pagmamadali ni Daisy, naiwan niya sa mesa ang USB na naglalaman ng presentation nila. Nakita ito ni Doris at akmang itatabi ng sumulpot si Franco para magpaalam sa kanya. Ibinigay ni Doris ang USB kay Franco para ibigay kay Daisy. Kinuha naman ito ni Franco at umalis na.
Samantala abala ang lahat para sa presentation. Ni ready na rin ni Daisy ang loptop na gagamitin niya. Nang hanapin na niya ang kailangang USB hindi na niya ito makita pa. Namula si Daisy at di malaman ang gagawin ilang minuto na lang at darating na si Eljohn. Siguradong magwawala yon kapag di sila nagsimula agad. Agad na tumawag si Daisy sa Nanay niya. Sinabi naman ni Doris na dala ni Franco ang USB. Agad na hinanap ni Daisy si Franco na kasalukuyang nagmimeeting kasama ang mga investors nila. Kasama doon si Kevin Enverga. Mga kaibigan niyang tagalinis ang napagtatanungan niya tungkol kay Franco. Tinuro nila siya sa 14 floor. Pagsakay niya ng elevator bumungad sa kanya si Kevin at secretary nito. Walang choice si Daisy kundi ang sumakay na sa elevator.
"Oi dito ka na pala nagtatrabaho Miss Nerd. Buti tinanggap ka dito" pang iinis ni Kevin.
Hindi siya pinansin ng dalaga dahil ang nasa isip niya ay puntahan ang ama niya. Pagdating sa 14th floor nag unahan sina Daisy at Kevin sa paglabas pero hindi nagpatalo si Daisy kaya siya ang nakalabas sabay takbo sa Conference room. Galit na galit naman si Kevin dahil kasi sa nangyari nagkagusot gusot ang damit niya. Marami ng tao sa Conference room kaya nahirapan siyang hanapin si Franco pero nang namataan niya ay agad niya itong nilapitan. Nang makita siya ni Franco agad niya itong sinenyasan na pumunta sa bandang likuran. Doon niya inabot ang USB. Nagpasalamat naman si Daisy at agad na umalis. Nakita ni Kevin ang senaryong yon at kumunot ang noo. May tanong tuloy na namuo sa isip niya pero di na niya pinansin pa.
Pagdating ni Daisy sa kanilang conference room. Naabutan niyang malungkot ang mga kasama. Nasermonan kasi sila ni Eljohn ng todo. Kahit hingal na hingal na si Daisy, sinubukan niya pa ring hanapin si Eljohn pero nakaalis na ito ng building. Napaiyak na lang si Daisy at sinisi ang sarili sa nangyari. Malungkot siyang naglalakad pabalik na ng opisina nila nang muli nyang masalubong si Kevin. Aasarin sana niya ang dalaga pero nang makita niya ang itsura nitong malungkot hindi na siya nakahirit pa. Nakita rin ng kanyang Ama ang kanyang itsura dahil nakarating din sa kanya ang nangyari. Agad na kinausap ni Franco si Miss Moser. Maya maya pinapunta si Daisy at mga kasama niya sa Conference room at doon sila nagpresent. Nandoon din si Kevin at nskikinig sa kanila. Sa pinto naman ay nakasilip si Eljohn at nakikinig sa kanila. Pagkatapos ng ptesentation, nagsitayuan sila at nagsipalakpakan. "Bravo! Bravo! Ang galing!" Sigawan nila.
"Irevise nyo na lang ng konte mga layouts para mas maganda siyang tingnan" suggestion ni Kevin.Nagyakapan naman sina Daisy dahil nagustuhan ang kanilang presentation. Si Eljohn naman ay inis na inis na umalis.
"Hindi nga ako nagkamali Daisy na ikaw ang magmamana ng kumpanyang ito balang araw alam ko mamamanage mo ito ng maayos dahil magaling ka" ani Franco sa sarili.
BINABASA MO ANG
I Truly Love You
RandomSi Daisy isang masayahing babae at mabait na kaibigan pero takot magmahal. Marami pa raw kasi siyang priority sa buhay niya at makakasira lang sa career na gusto niya kung magmamahal siya. Biglang darating sa buhay niya si Kevin Enverga. Kasabay pa...